Chapter 20 - Sembreak

26 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw at linggo. Ngayon ay katatapos pa lang ng exam namin. Sembreak na namin.

Napagkasunduan namin ni Noah na mag bakasyon sa Gazpi Resort. Sabi niya ay maganda daw dun at marerelax ako.

Yung nangyari sa pool last last week? I forgot it already. She maybe right but somehow wrong. Kasi ako lamang ang may nararamdaman saming dalawa ni Noah.

"Yeeehaaaa!", sigaw ni Chloe. "Sembreak na!!! Saan ka baks sa sembreak?"

"Noah", sagot ko sa kanya.

"Oh.... ingat na lang kayo", sagot niya sakin. Hindi na siya nagtanong pa kasi alam niya naman basta pag sinabi ko ang pangalan ni Noah ay magkasama kami sa bakasyon.

Ayaw niya naman kasing sumama pagkasama ko si Noah kasi baka biglang masabi niya ang nararamdaman ko kay Noah. Alam niyang madaldal siya eh haha. Pero kahit ganun ay mahal na mahal ko ang bestfriend ko.

Umuwi na kami at hinatid niya na ako sa condo ni Noah. Mamaya pa ang uwi ni Noah kasi may tatapusin pa daw siya para wala na siyang iisipin pa next week.

Pagpasok ko sa loob ay nabigla ako kasi nandito na si Noah.

"I thought may tatapusin ka pa", puna ko kay Noah na nakaupo sa sofa.

"Oh hello there baby. How's your exams?", pagkukumusta niya sakin at pag iiba ng usapan.

"It went well. What Noah?", pag papaalala ko sa tanong ko sa kanya.

"I already done it baby"

"Okay. Bihis lang ako", paalam ko sa kanya.

"Sa labas na tayo mag dinner baby. Hindi na ako nagluto eh", pahabol niya sakin bago ko masarhan ang pinto.

"Okay Noah"

Bago kami umalis para magdinner ay nag ayos muna ako nag mga dadalhin namin bukas. Nakapag empake na daw si Noah kanina pag uwi niya. Kaya ako na lang ngayon.

Maaga kami bukas aalis para hindi kami abutan ng traffic sa daan. Medyo madami din kasi ang mga sasakyan dito eh kaya minsan ng ttraffic din.

"Baby", tawag sakin ni Noah na kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko.

Tumayo naman ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ano yun Noah?"

"Naempake mo na ba lahat ng mga dadalhin mo?"

"Ah oo. Kunti lang naman kasi ang dinala ko eh"

"Okay. Mag ddinner na tayo baby."

"Okay. Kunin ko lang yung bag ko"

Pagkatapos kong kunin ang sling bag ko eh umalis na kami ni Noah sa unit para makapag dinner na malapit dito. Gusto ko sana magbar muna kaya lang maaga pala kami bukas.

Tsaka siguradong hindi niya na ako papayagan pa dahil kay kuya.

Madali lang ang naging byahe namin dahil nga malapit lang ito sa condo unit.

"Anong gusto mong kainin baby?", tanong sakin ni Noah pagkatapos namin makahanap ng mauupuan.

"Kahit anong light meal Noah tska juice na lang. Thanks", sagot ko sa kanya.

Inulit ng waiter ang order namin at umalis na ito. Naiwan naman kaming tahimik ni Noah.

"So baby. Do you have plans for tomorrow?", pagbubukas niya ng usapan.

"Wala pa. Siguro pag nakita ko na yung resort saka na lang", sagot ko sa kanya.

"Okay baby. As you wish"

Hindi nagtagal ay dumating na ang waiter dala dala ang pagkain namin at inumin.

Pagkatapos ng ilang minutong pagkain namin ay niyaya ko na siyang umuwi para makapagpahinga na agad at maaga pa ang byahe namin.

Pumayag naman si Noah dahil pagod at antok na din siya. Tinapos kasi niya agad ang mga kailangang tapusin para hindi na siya maistorbo sa pagbabakasyon niya.

Pagdating namin sa condo eh nagpahinga muna kami sa sala at nagkwentuhan sandali pagkatapos ay pumasok na kami sa kanya kanya naming higaan para makatulog na.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now