Chapter 52 - Baby

17 1 0
                                    

Bigla akong napabangon at dali daling tumakbo papuntang bathroom ng bigla na lang akong nasusuka.

Madaling araw pa lamang pero heto ako't nasa sink sumusuka. Sinundan din ako ni Noah at hinagod ang likod ko.

Habang nasa sink ako ay inisip ko kung ano ang mga kinain ko sa handaan kina kuya. Kaarawan kasi ng pamangkin ko kaya nandoon kami. Tatlong linggo na din kaming nakauwi buhat nung nagbakasyon kami sa Korea.

Halos maluha ako sa pagsusuka kahit wala ng laman ito. Hindi naman umaalis si Noah sa likod ko at pinapagpatuloy ang paghagod sa likod ko.

"You okay baby?", nag aalalang tanong niya.

"May nakain yata akong panis sa handaan Noah", hindi ko siguradong sagot.

Tumayo naman ako pagkatapos at nagmumog. Pagkalabas ko ng bathroom ay panay ang tingin ng mariin sakin ni Noah. Hindi ko matukoy kung anong iniisip. Bukod kasi sa mukha siyang nag aalala meron pang isang emosyon sa mukha niya na hindi ko matukoy tukoy.

"You sure?"

"Don't know", iling kong sabi sa kanya.

Inakay niya naman ako paupo sa kama at tinulungang punasan ang pawis ko. Pinagpawisan na pala ako habang sumusuka.

"I just prepare you a milk, hmm?"

Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya dahil halos ubos na ang lakas ko dahil sa nangyari.

Hinalikan niya naman ako sa noo at lumabas na ng kuwarto para ipagtimpla ako.

Ipinatong ko naman sa may ulunan ng kama ang ulo ko. Panay parin ang hinga ko ng malalim. Para pang sumabak ako ng karera sa pagkakahingal.

Ilang sandali lamang ay dumating na si Noah bitbit ang tinimplang gatas. Inabot ko naman ito nung nilahad niya sakin.

"Thank you", saad ko pagkatapos ay ininom ito. Nang maubos ko ay pinatong ko ang baso sa mini table sa gilid ng kama.

"How's your feeling baby?", usisa niya sakin.

"Much better. Thank you Noah"

"Always welcome baby", ngiting aniya. Napangiti naman din ako sa kanya. Alas tres pa lang ng madaling araw ay heto kami ni Noah't gising na gising na.

Niyakap niya akong pagilid habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.

"We'll go to your OB tomorrow baby", kalaunan ay suhestiyon niya.

Gulat naman akong napabaling sa kanya dahil sa pagtataka. "Bakit naman sa OB Noah?"

"I think your pregnant baby"

"What? I don't think so.. you used protection Noah, right"

"No.. as I remember baby.. I didn't used Noah recently"

Huminto ang pag ikot ng mundo ko sa katutuhanang narinig. Oo nga pala't hindi na siya gumamit ng proteksyon mula pa nung bago kami umalis papuntang Korea.

Samu't sari naman ang nararamdaman ko sa mga oras na to at nawala na talaga ang antok ko dahil sa mga rebelasyong magpapatotoong siguro ako'y buntis ngang talaga. Lalo pa't napakaganda ng ngiti ni Noah sakin. Napakatamis din na parang ang sarap papakin.

"You did it on purpose huh?", pang uusisa ko sa kanya.

Tawa lamang ang naging sagot niya. Napalo ko naman siya sa balikat dahil sa kapilyohan niya. Ano't wala akong alam na sinadya niya pala yun.

Hindi na talaga ako masasanay sa mga pasabog ni Noah. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang hindi na siya tumigil sa pagtawa.

"What? You didn't like it baby?", tanong niya nung mahimasmasan na siya sa pagtawa.

Gusto ko namang magkababy kami pero gusto ko kasal muna kami. Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na. Confirmation na lang ang hinihintay namin para malamang totoong buntis ako.

Nagbaba naman ako ng tingin dahil sa hindi ko maitinig ang mga nasa isip ko.

Inangat niya naman ang mukha ko para magpantay ang tingin namin saka niya ako nginitian at hinalikan sa labi.

"I will marry you baby before you gave birth, hmm?", sagot niya sa mga agam agam ko kahit na nga wala akong sinasabi.

Nabuhayan naman ang loob ko dahil sa narinig sa kanya. Napangiti naman ako at hinalikan din siya sa labi.

"Hmmm... you worry to much baby", saad niya matapos naming maghalikan.

Hampas na lamang ang naging sagot ko at sabay kaming tumawa ni Noah. Saka bumalik sa pagkakatulog nung bigla akong humikab sa pagkakaantok.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now