Chapter 43 - Frustrated

25 1 0
                                    

Umuwi ulit kami ni Noah sa bahay. Wala rin kaming imikan pagkatapos ng tawag na yun. Hindi ko alam kung papano ko pakikiharapan si Noah dahil sa sinabi ni kuya at alam ko din na ganun din siya sakin.

"Uhmm.. Magbibihis muna ako baby", paalam siya saka pumanhik na sa taas patungong kuwarto niya.

Pumasok na din ako sa kuwarto at nagbihis ng pambahay. Pabalik balik naman ako sa paglalakad dito sa kuwarto. Hindi malaman kung anong gagawin.

"Baby", kumatok naman siya sa kuwarto. "Can I come in or we just talk here at the living room?", aligaga ko namang binuksan ang pinto ng kuwarto dahil sa kaba.

"Dito na lang siguro", niluwagan ko naman ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy si Noah. Umupo naman siya sa may study table ko samantalang ako ay nakaupo sa may couch malayo sa kanya.

"So... uhmm...", hindi ko matuloy tuloy na salita. "Tell me the truth Noah"

"I will baby" saad niya. Huminga naman siya ng malalim bago ibaling ang tingin sa gawi ko. "Its true that I can drive you there and fetch you after baby"

"How?...", naguguluhan kong tanong. "I don't understand Noah"

"I have a hotel here at Tabaco baby....", napatigagal naman akong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa narinig. "Before I go to Los Angeles for me to train.. I work on it. This is the reason why I'm always busy baby. That I told before"

Namamangha akong nakatingin kay Noah. Hindi ko lubos maisip na pagpapatayo pala ng hotel ang pinagkakaabalahan niya nun. Hindi naman ako makasalita dahil sa gulat kaya pinagpatuloy niya na lamang ang pagkwento sakin.

"Even after what happen to us. I still work on it. Beacuse I want you to be not far away from me. Cause I know, even though I beg for you to come with me you still work at your company", napalunok na lamang ako. Titig na titig parin  si Noah sakin habang nag kkwento.

"That's why I build my hotel near your company. So that I can see you everyday. And be with you always even if you don't want it."

"You love me that much?", naiiyak kong tanong sa kanya. Hindi ko naman napigilan ang mga luha ko sa pag uunahan palabas lalo na ng tumango siya sakin.

"I love you baby from I don't know when its start", maluha luha naman ang mga mata niya habang nagsasalita. "Even if I know you don't love me back"

"I do", pag aamin ko sa kanya. Bigla namang nagulat si Noah dahil sa pag amin ko.

"But you said...."

"Yes I know.... Natakot lang ako nun kasi baka magalit si kuya at masira ang pagkakaibigan ninyo. Kaya hindi ko inamin na mahal din kita Noah"

"He knows my feeling for you baby. So there's nothing to worry about."

"I just know today okay. Wala ka namang sinabi saking alam ni kuya yun. At hindi naman ako nagsabi kay kuya. Kaya pano ko malalaman na alam niya", humagulgol naman ako sa kakaiyak. Tumayo naman si Noah at lumapit sakin.

Pinunasan niya ang luha ko kahit patuloy pa rin itong bumubuhos. Saka niya ako niyakap ng mahigpit na parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya.

"I'm sorry baby.. I'm sorry.. I love you so much baby.... I really do", napapaos niya na ding turan sakin.

Umalis naman ako sa pagkakayakap niya nang may maalala ako bigla. "Di ba nagkabalikan ulit kayo ni ate Mich", pagdududa ko sa kanya.

"Of course not baby. We're not together okay. Its you that I want"

"Pero ang sweet sweet niyo nga eh"

"Haha. Its just my act baby. Mich are already married okay. And she's pregnant. Pinaglilihian niya daw kasi ako. That's why she's touchy to me", tumaas naman ang kilay ko sa huling sinabi niya.

Pinaghahampas ko naman siya dahil sa  inis. "Baby stop it!", pigil niya sakin sa pag hahampas sa kanya.

"Hmp. Anong siya yung touchy eh sa nakikita ko ikaw ang touchy eh"

Napatigil siya at nag smirk bigla. "You jealous, hmm?"

"No, I'm not"

"Haha. You tell baby"

Hindi ko na lang siya sinagot pa at hindi naman siya magpapatalo sakin. Sasakit lang ang ulo ko dahil dun. Nakasimangot lang akong nakatingin sa may gilid ko ayaw tingnan ang mga mata niyang may mapaglaro.

Hinaplos niya naman ang pisngi ko kaya napabaling ako bigla sa harap niya. Samo't sari naman ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko matukoy kung anu-ano ito.

"I love you baby"

"I love you too Noah", pagkatapos kong sabihin ito ay bigla niya na lang akong hinalikan. Banayad sa una pero habang tumatagal ay nagiging mapusok na ito. Hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko kaya sinabayan ko na lamang siya.

Mas lalo niya namang pinalalim ang halikan namin at hinawakan ang batok ko. Liyong liyo na ako sa sarap na pinapalasap ni Noah. Kung saan saan na dumadapo ang mga kamay niya.

Tumigil siya sa paghalik at pareho kaming hingal na hingal. Pinagdikit niya naman ang mga noo namin. "Your my girlfriend now for real okay baby"

Lumabi naman ako sa kanya. "Hindi ka man lang nangligaw. Tss"

"Hmmm... I will court you everyday baby then. Even though where together now okay?"

"Paano si kuya? Kahit naman siguro alam niyang mahal mo ako iba pa rin kung pormal niyang malaman right?"

"Of course baby. We'll tell him after there honeymoon"

"3 months pa yun Noah", inip kong saad. Ang tagal naman nun. Ano yun secret muna kami hanggat hindi pa nakakauwi sina kuya. Ayaw ko nun.

Natawa naman siya at hinalikan ako sa labi ng mabilis. Nimabas niya naman ang phone niya. "Lets call him then"

Niloudspeak niya ulit ito habang nagriring. Paka dalawang ring ay sinagot na ito ni kuya na may pagkairita sa boses. "What is it this time bro?"

"We're just going to tell you something bro. Relax ok?!", natatawang sagot naman ni Noah kay kuya.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sinaktan ang kapatid ko kung hindi patay ka sakin", banta ni kuya kay Noah. Pero tinawan lamang ito ni Noah.

"Never bro.. anyways we're going to tell you that... me and ave are in a relationship already", nakangiting turan niya at hinalikan ang noo ko sabay akbay sakin.

"For real na ba yan?", pang uusisa ni kuya.

"Yeah"

"Okay congrats bro. Pero mag uusap pa tayo pag uwi ko", paalala ni kuya.

"No problem bro", papatayin na sana ni Noah ang call nang may pinahabol pa si kuya.

"At wag mong ikakama ang kapatid ko"

"Kuya!!! Nakakadiri ka", pagsasabat ko na sa usapan nila. Tumawa naman ng malakas si Noah dahil dun.

"Oh.. nakikinig ka pala haha... sori sweetie. Bye", sabay putol ng tawag.

"Nakakainis talaga si kuya", maktol ko.

Tinawan pa rin ako ni Noah sabay yakap sakin. "Relax baby... Why your frustrated huh? You want to do it with me?", sabay taas baba ng mga kilay niya. Hinampas ko naman siya ng malakas at tinawan niya na lang ako.

"Isa ka pa", inis kung turan sa kanya.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now