Chapter 18 - Love na kita

31 1 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para maipagluto naman si Noah ng almusal. Pagpapasalamat sa kanya para sa pag tatago niya kay Noah sakin kahit palpak naman.

Sunny side up at hotdog with sinangag ang niluto ko. Pinagtimpla ko na din siya ng kape niya.

Umakyat na ako sa kuwarto niya para gisingin habang mainit pa ang kape.

5 days akong natulog dito sa kuwarto niya kasi matagal daw matuyo ung matress. Hindi nga ako naniwala kasi imposible naman eh my dryer naman siguro tapos hindi naman umuulan nun kaya dapat after 2 days ay tuyo na yun.

Wala nga lang akong magawa kasi mismo si ate Nelly na ang nagsabi sakin na hindi pa nga daw tuyo. Tinawagan niya kasi si ate Nelly nung time na yun. Ewan ko ba. Siguro ganun nga talaga katagal. Hayss.

Pagpasok ko sa kuwarto niya ay natutulog pa ng  mahimbing si Noah. Himala at hindi maaga magising toh.

Ganun siguro dahil madami siyang tinatapos na trabaho. Halos tulog pa ako pag umaalis siya tapos tulog na din ako pag umuuwi siya. Pero inferness kay Noah at hindi niya ako nakakalimutang lutuan ng almusal. Hindi na nga lang ako nagluluto ng dinner kasi palagi siya ngpapadala ng pagkain galing sa hotel nila.

Na touch nga ako eh kasi kahit wala siya palagi ay inaasikaso niya pa din ako. Subalit kawawa ang puso ko kasi habang ginagawa niya yun ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At hindi yun maganda para samin lalo na sa akin.

Tumigil ako sa may gilid ng kama niya at pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Ngayon ko nga lang inamin na gwapo siya eh. Dati kasi wala naman akong pakialam sa kanya, kaya hindi ko tinatanggap na gwapo siya. Haha.

Ang tangos pala ng ilong niya at ang hahaba pala ng pilik mata niya. Dinaig pa ako hehe. Ang mga labi niya ay mapula pula. Hmmm.. "Ang guwapo", wala sa sarili kong usal.

Sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang kanyang mga mata at mariing nakatingin sakin habang nakangiti.

"Ang guwapo talaga noh baby"

Bigla ko naman siyang nahampas dahil sa gulat at sa hiya. "Hindi noh. Ang bingi mo, sabi ko gumising ka na pangit", pagsusuplada ko para pagtakpan ang hiya.

"Hahahahahaha. Oo na lang baby. Ang ganda naman ng gising ko at ikaw ang nasilayan ko sa pag mulat ng mga mata ko", sabay kindat. Ayun sinapak ko ulit. Hmf.

"Bumangon ka na diyan bago lumamig ang kape", sabi ko sabay walk out.

"Talaga baby. Pinagtimpla mo ako", dada niya habang nakasunod sakin papuntang kusina.

"Wow.. Nagluto ang baby ko", manghang turan niya.

"Anong akala mo sakin hindi marunong?", pagsusuplada ko sa kanya.

"Wala akong sinabi baby ah"

"Hmf.. kumain ka na nga lang"

"Yes boss", sabay salute niya sakin. Napairap na lang ako.

Pagkatapos namin mag almusal ay nanood kami sa sala ng movie. Hindi kasi kami makalabas at maulan sa labas eh.

Yung plano kong humanap ng distraction ay hindi nangyari kasi naman, ikaw ba naman pagsilbihan at asikasuhin ni Noah ewan ko na lang kung hindi ka mahuhulog sa kanya.

Siguro okay na muna ito sa ngayon kasi atleast hindi ko masyado siyang nakakasama araw araw. Bihira lang kagaya ng araw na 'to.

Pareho kaming tumatawa kapag may nakakatawa at nagagalit kapag may nakakagalit naman sa pinapanood namin. Naging bonding na din naman kasi namin ito kaya palagay na kami... ako sa isa't isa.

Minsan nga hindi ko nilalakasab ang tawa ko kasi ang sarap pakinggan ng boses ni Noah kapag tumatawa. Akala mo hindi nagseseryoso sa trabaho haha.

"Hayss.. Ang lakas ng ulan. May bagyo ba Noah?", tanong ko kay Noah pagkatapos naming manood at malakas parin ang ulan sa labas.

"May low pressure yata baby", sagot niya. "Are you bored baby?"

"Medyo"

"You want to swim?", alok niya.

"Huh? Saan ka naman mag swimming dito eh ang lakas ng ulan sa labas? Ano sa bathtub ka magsswimming?", sunod sunod kong sabi habang natatawa.

"Of course not baby. Pero pwede din sa bathtub tayo maligo. What do you think baby", sabay wiggle ng kilay ni Noah.

"Yuck lang Noah ah", sabi ko na parang nasusuka dahil sa pandidiri.

"Hahahaha. Ang cute mo talaga baby. Mag ayos ka na. Punta tayo sa top floor may swimming pool dun"

"Talaga.. eh di ba nga maulan, eh di maulan din dun"

"Hindi naman baby kasi may bubong naman dun eh"

"Okay. Okay.. mag aayos na ako", sabi ko. "Nga pala.. magdala ka ng inumin baka uhawin tayo at pagkaib na din"

"No need baby. Ikaw na lang ang sisipsipin ko para hindi ako uhawin haha", bulong bulong niya habang naglalakad papuntang kusina.

"Ano???"

"Wala baby. Sabi ko cute mo, love na kita haha", pabiro niyang sabi.

Napatigil ako sa sinabi niyang love niya na ako. Sana totoo na lang Noah pero alam ko naman na hindi eh. Hayss.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now