Chapter 34 - Boy Best Friend

26 1 0
                                    

Matamlay ako ng dumating ang lunes. Pakiramdam ko eh lumulutang ako sa paghihinagpis ko. Malaking impact sakin ang pag iwan sakin ni Noah.

I don't where to start again. Nasanay na akong nandyan siya palagi sa tabi ko. Pinapagaan ang loob ko kapag stress sa studies at pinapatawa kapag malungkot dahil malayo sakin si kuya Vance kahit na nga ay madalas na sungitan ko siya. Hindi niya parin ako sinusukuan.

Kung sana wala kami sa sitwasyon na ito sana nasabi ko sa kanyang ang nararamdaman ko.

Sa klase ay lutang ako. Kahit ang mga classmate ko ay nagtatanong kung anong nangyayari sakin at wala ako sa sarili. Hindi ko naman sila iniimik. Tahimik lamang ako sa upuan ko.

Sa pagkain naman ay wala akong ganang kumain. Nagpapasalamat na nga lang ako at hindi nila ako inuusisa. Siguro ay nasabihan na sila ni Chloe sa sitwasyon ko.

Kinakausap naman nila ako pero puro mga tango at iling lamang ang nagagawa kong sagot sa kanila. Ayaw ko kasing magsalita at baka bigla na naman akong umiyak. Ayoko namang kaawan nila ako kahit nga yun ang mga nakikita ko sa mga mata nila kapag napapasulyap sila sakin.

Lumipas ang mga araw at medyo okay na ang pakiramdam ko. Palagi naman akong tinatawagan ni kuya para kumustahin hindi dahil sa alam niya ang nangyari samin ni Noah kundi dahil nga sa katotohanang mag isa lamang ako sa condo.

Last week naman ay lumipat si Chloe dito sa condo ni Noah para raw may kasama ako. Ang buang nga eh dinahilan niya pa na baka raw magbigti ako dahil sa sama ng loob.

Nahampas ko naman siya dahil sa kalokohan niya pero hindi ko maitatanggi ang pagiging concern niya sakin.

Buti na nga lang ay pumayag ang boyfriend niya na dito siya mag sstay kasama ko.

Mula din nung umalis si Noah ay lumalapit at kinakausap na ulit ako ni Marcus.

Hinayaan ko naman siya at sabi niya nga eh pagkakaibigan lang naman. Thankful din ako sa kanya dahil siya din ang dahilan kaya nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko buhat nung umalis si Noah.

Kahit na ganun eh alam ko sa sarili ko na si Noah pa rin. Kahit ano mang mangyari ay hindi siya mapapalitan sa puso ko.

Hindi na din ako pumupunta sa kahit na anong bar. At naiintindihan naman yun ng mga kaibigan ko.

Minsan nga eh ng momovie marathon lang kami sa bahay nina Marcus. Malaki din naman kasi ang bahay nila at meron din silang mini theater na kasya saming magkakaibigan.

Mabait din naman ang mga magulang ni Marcus samin. Asikasong asikaso nga kami ng mommy niya eh. Thankful nga daw siya samin kasi simula daw nung umuwi dito sa Bicol si Marcus galing Manila ay naging mas malapit sa kanila ito at hindi na masyadong nglalakwatsa.

Tawa nga kami ng tawa kasi pag umuuwi daw si Marcus galing sa paggala eh merong gasgas ang katawan kung hindi naman eh may pasa sa mukha.

May pagkabasogalero daw kasi ito nung nagbibinata pa lamang.

Meron din siyang nakababatang kapatid na lalaki. Cute na cute nga ako sa kanya eh kasing kamukhang kamukha niya si Marcus para siyang mini me nito. Idol daw nga niya ang kuya Marcus niya eh pero sana naman hindi yung pagiging basagulero nito ang makahiligan.

Nagtampo naman sakin nun si Marcus habang ngumungso nung marinig niyang pinagsasabihan ko si Vincent ang nakababata niyang kapatid na huwag gagayahin ang pagiging basagulero ng kuya niya.

Tumawa lang ang mga kaibigan namin pati na ang mga magulang niya dahil sa tinuran ko.

Habang tumatagal ay mas nagiging close naman kami ni Marcus at naging boy best friend ko na nga siya eh.

Nakilala naman siya ni kuya Vance at pinagsabihan siya na huwag liligawan kung hindi ay malilintikan ito sa kanya.

Nakamot na lamang ni Marcus ang ulo niya at nakasimangot ko namang binalingan nun si kuya.

Duh! Eh best friend nga lang kami ni Marcus eh. Nirerespeto naman din kasi ako ni Marcus. At ni minsan eh hindi siya nagbigay sakin ng motibong manliligaw siya.

Tiwala naman ako sa kanyang wala siyang nararamdaman saking iba. Purong pagkakaibigan lang talaga ang namamagitan samin.

Dumaan ang mga taon at malapit na kaming magtapos sa kolehiyo. Halos sabay sabay din kasi kaming magtatapos kasi pare parehong limang taon ang kurso namin kahit magkakaiba iba.

Sa mga nakalipas na taon pakiramdam ko eh naghilom na ang sakit ng kahapon.

Pero hindi nun maiaalis ang nararamdaman ko ki Noah. Sadyang hindi na nga lang ganun kasakit ang pag alis siya.

Ni minsan ay hindi ko nakalimutan na minsan sa buhay ko ay merong Noah'ng nagpapatibok sa puso ko kahit na hindi nararapat.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now