Chapter 14 - Malapit na

27 1 0
                                    

After a while ay dumating na si Chloe. Pinaghintay ko na lamang siya sa labas ng building baka kung ano naman ang sabihin niya kay Noah tungkol sakin. Mahirap na..

"Bakit ayaw mo akong batiin si Noah ah? May tinatago ka ba sakin baks?"

"Ano???? Wala noh.. Ano naman ang itatago ko sayo aber?! Tara na nga", pag iiba ko ng usapan namin. As mush as possible ayaw ko muna maisip si Noah today kahit ilang oras lang.

Sumakay na kami sa likod ng kotse at bumyahe na ito papunta sa malapit na mall. Sa byahe ay tanaw ko ang iba't ibang establishment.

"Ang lalapit lang pala ng mga establishment dito baks noh", manghang turan ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Oo baks", sang ayon ni Chloe. "Alam mo ba baks, madami din ditong mga bar. Pumunta na nga kami ni Lance sa isa eh. Ang saya dun. Ang high class. Try mo din."

"Oh.... Maybe next time baks", sabi ko.

After 2 hours of shopping ay hinatid niya na ako sa condo. Madami ang binili namin at sinigurado ko na wala na ang kulang para hindi sayang sa oras.

Bago ko masara ang pinto ng elevator ay biglang pumasok si Noah dito.

"Ako na ang magdadala ng iba baby", sabay kuha niya sa mga bitbit ko.

"Saan ka galing Noah?", tanong ko sa kanya. Inferness din naman sakin at kahit dalawang oras ay nakalimutan ko siya.

"I just drop by to the hotel of my father, baby"

"Ohhh. May problema ba sa hotel ninyo Noah?", pag aalala ko.

"Wala naman. Kinukumusta ko lang sina mom and dad. Matagal na rin kasi yung huling dalaw ko"

"Ganun ba. Kumusta naman sina tita and tito, Noah?"

Bago niya ako sagutin ay pumasok na muna kami sa loob ng condo niya.

"Ayun. Gaya parin ng dati. Maghanap na daw ako ng mapapangasawa kasi gusto na daw nila magkaapo eh"

"So, anong sinabi mo?"

Ngumiti siya sakin sabay sabi, "Malapit na akong makasal"

Pinagtaasan ko siya ng kilay sa sinagot niya sakin. Kawawa naman sina tita and tito para mag expect agad kay Noah ng apo eh wala nga siyang boyfriend. Unless......

Nagkabalikan na sila ni ate Mich??? 😰😰😰

"Oh my God Noah!!!! Nagkabalikan kayo ni ate Mich?", gulat kong tanong sa kanya.

"Of course not baby. Tapos na kami ni Mitch, matagal na"

"Eh sino naman aber? O unless nagsinungaling ka lang kina tito at tita"

"No I'm not...basta baby", pagtatapos niya ng usapan namin. "Saan ko pala ilalagay itong ibang gamit mo baby?"

Oh well...

"Dun na lang sa isang kuwarto Noah"

Inayos ko na muna ang mga gamit ko sa kuwarto. Kung ayaw niyang sabihin kung sino di wag. Siguraduhin niya lang na walang biglang magsasabunot ng buhok ko sa daan. Talagang ipapabogbog ko siya kay kuya Vance. Haha.

"Nga pala Noah. Ang dami palang malapit na bar dito noh?"

"Yeah baby. Do you want to go before your class start?", pag anyaya niya sakin.

"Sure.. Maybe tonight Noah para bukas magpapahinga na lang ako", sang ayon ko sa alok niya.

Hindi ko sinabi kay Chloe na gusto ko talagang pumunta sa bar kasi baka sumama si Noah samin. Hindi naman sa ayaw ko na nandyan si Chloe kapag magkasama kami ni Noah. It's just that ang lakas ng trip ni Chloe pag nandyan si Noah at ito naman si Noah ay sinasabayan palagi si Chloe sa pangttrip sakin.

Minsan nga pag magkasama kaming tatlo, feeling ko sila talaga ang mag bestfriend eh. Haysss.

"Okay baby. We just eat also our dinner outside baby. Is that okay with you?", suhestiyon niya.

"Okay lang"

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now