Chapter 35 - Hope

24 1 0
                                    

"Baks!!! Finally malapit na tayong magtapos", tili ni Chloe habang tumatalon sa tuwa. Parang bata. Psh.

"Duh!! Nakakalimutan mo na baks na merong tayong mga board exam? Kayo sa Nursing at kami naman sa Accountancy diba? Diba?", natawa naman kaming lahat kay Chloe nung suminagot siya.

Paiguradong nakalimutan nito na may board pa. "Oo nga noh", kakamot kamot niyang sagot. Mas lalo namang lumakas ang tawanan namin dahil sa sinagot niya. Haha. Nakalimutan nga.

"So guys saan kayo mag rereview", tanong ni Rachel nung humupa ang tawanan.

Naglalakad naman kami papuntang cafeteria para mag lunch. "Sa AC Review Center kami ni Ave at Rachel eh. Pareho kasing meron dung review para sa Nursing at Accountancy eh", sagot ni Chloe sa kanya.

"Talaga? Di ba mahal dun?", takang sagot naman ni Joseph.

"Sulit naman dun eh. Tsaka duh! Joseph as if naman wala kang pambayad noh?", masungit na sagot ni Rachel sa kanya.

"Psh..  Nagsabi ba akong hindi ko afford dun?", bweltang sagot naman ni Joseph kay Rachel. Ayun yung dalawa at parang aso't pusa na naman.

"Tumigil na nga kayo baka mamaya diyan eh magkainlaban kayo", sita ni Marcus sa kanila habang natatawa.

"Yuck lang", sabay na sabi ng dalawa. Nagtawanan naman kami dahil sa mukha nila na parag nandidiri sa isa't isa.

"Makayuck kayo diyan eh. Pag kayo nagkainlaban, libre niyo kaming lahat papuntang Korea", sabat naman ni Chloe.

"As if", sabay naman nilang sabi. Masama naman ang tinginan nilang dalawa sa isa't isa.

"Hahaha. Meant to be", pang aalaska pa ni Marcus sa kanila.

Tawan lang ang naghari saming lahat habang kumakain ng lunch namin.

Natapos ang araw namin na masaya. Sabay naman kaming lumakad pauwi ni Chloe sa condo ni Noah. Hindi muna kami ngayon mag momovie marathon dahil madami kaming tatapusing mga requirements.

Ilang buwan na lang kasi eh magtatapos na kami sa kolehiyo.

Nangmakapasok sa unit eh naramdaman ko na naman ang lungkot. Hayss. Miss na miss na kita Noah. Kumusta ka na ba diyan?

Ilang buwan na din kasi ang nakalipas mula nung nagkwento si kuya Vance tungkol sa mga kaganapan ni Noah sa ibang bansa.

Nagkukwento kasi si kuya pag dumadalaw siya dito sa Legazpi o kapag umuuwi ako sa Malilipot. Kahit na hindi ko naman nga tinatanong. Okay na din.

Maayos naman daw si Noah dun. Marami daw itong natututunan dun. Paniguradong magiging magaling si Noah kapag siya na ang naghandle ng kanilang hotel.

Mas mabuti na din sigurong umalis siya kasi atleast nag eexcell siya. Meron din palang kabutihang dulot ang hindi ko pagsabi sa kanya ng nararamdaman ko. I'm happy for him.

"Naiisip mo na naman ba siya?", tanong ni Chloe para bumalik ako sa huwisyo.

"Hayss. Ano pa nga ba? Miss na miss ko na siya baks", sagot ko na may malungkot na tono.

"Okay lang naman na minsan eh ilabas mo ang lungkot mo baks. Para naman kahit papaano eh gumaan ang loob mo", aniya. "Alam ko naman kahit na nakikita na kitang tumatawa at masaya kasama ang mga kaibigan natin eh nandun pa din yung lungkot mo"

Bigla namang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Chloe sakin. Niyakap niya naman ako habang hinahagod ang likod ko. "Miss na miss ko na siya baks. Masaya ako kasi nakikita ko namang nagiging magaling siya dun at makakatulong sa kanya para sa pagmanage niya sa hotel nila pero nalulungkot pa din ako kasi hindi ko siya magawang icheer sa mga achivements niya."

"I hope someday baks. Makuha mo na sa sarili mo na maging masaya ng tuluyan. And I'm so proud of you baks kasi kahit ganun eh nagpapakatatag ka pa din sa kabila ng sakit na nararamdaman mo.", aniya habang inaalo ako.

"Thank you din baks kasi nandyan ka palagi sa tabi ko para pagaanin ang loob ko", sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Inalis niya naman ang pagkakayakap sakin at tinulungan akong magpunas ng luha. Ngumiti naman siyang nakatingin sakin. "Your always welcome baks. Huwag kang mahihiyang magsabi sakin ha? Huwag kang mahihiyang ipakita sakin ang mga kahinaan mo"

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now