Chapter 10 - Come with me

32 1 0
                                    

Matapos ang mahabang ayawan namin ni Noah. I mean ako lang pala kasi tawa lang siya ng tawa sakin.

Sinapak ko nga eh. Ayun tumigil din. Haha

Tama nga talaga si Noah. Lahat ng gamit ko ay nasa loob na ng kuwarto niya at ang mga damit ko ay maayos na nakalagay sa cabinet ni Noah. At ang malala pa ay wala talagang matress ang mga kama sa dalawang kuwarto. Kahit unan wala.. Ni couch nga, wala din eh.

Bakit ba walang mga couch ang kuwarto niya dito kahit nga dito sa kuwarto niya wala din eh.

Malaki naman ang kama niya. King size bed pero alangan naman na tabi kami sa higaan di ba.

Ano na lang sasabihin sakin ni kuya Vance. Na porke malayo siya ay kumekereng-kengkeng na ako dito at ang malala pa, sa bestfriend niya pa.

May lamat na nga ang pagsasamahan nila, dadagdagan ķo pa. Haysss..

Speaking of kuya. Tatawagan ko pa pala yun. Hala...

Lumabas na muna ako sa kuwarto at umupo sa may sala habang tinatawagan ko si kuya.

"Bat ngayon ka lang tumawag Ave?", bungad ni kuya sakin matapos niyang sagutin ang tawag ko.

"Hello din kuya ah", sarkastiko kong balik sa kanya. Narinig ko ang tawa ni ate Shiela sa kabilang linya. Naka loudspeak siguro si kuya at buti na nga lang at nagkabalikan ulit sila ni kuya. I like ate Shiela for kuya Vance. She's so nice and kind.

"Nag aalala lang naman kasi ako sainyo baby. Akala ko kung may nangyari ng masama sainyo. Buti na lang at ng text sakin si Noah na nakarating na daw kayo sa Legazpi at nakatulog ka daw agad kaya di ka nakatawag sakin", mahabang paliwanag ni kuya.

Awwww.. Sometimes kuya is sweet kahit madalas hindi hehehe. Pero love na love ko yan.

"Sorry po kuya", hingi kong paumanhin.

"Kumusta ang kwarto mo Ave? Maayos na ba?"

Oh shit.. Hindi niya dapat malaman na sa kuwarto ako ni Noah matutulog.

"Okay naman kuya. Malaki naman hehe. Sige na kuya, baba ko na po to kasi mag aayos pa po ako ng mga gamit ko", pagtatapos ko sa usapan namin ni kuya. Baka madulas pa ako huhuhu

"O sige sweetie, good night. Be good okay?"

"Yes po kuya. Goodnight po."

Hooooooo..  "Si Vance ba yun baby?", tanong ni Noah sabay upo sa tabi ko dito sa sofa.

"Y-eah", utal kong sagot. Shet.. ayan na naman ang kuryente. Kailangan ko na talagang sabihan si Noah tungkol diyan.

"Noah"

"Yes baby?", sabay ngiti niya sakin.

Ito na.... "Pwede ba, pagnandito tayo sa condo mo alisin mo na yang pangkuryente mo ano mang yan. Kasi nakukuryente din kasi ako eh", simula ko "Pero hindi naman ganun kasakit. Para lang dumaan sa mga kalamnan ko pero kahit na eh"

Bigla siyang natulala sa sinabi ko at maya maya ay tumatawa na siya ng malakas.

"What baby? Hahahaha... I have no...... hahahahaha.... current thing hahahaha..... OUCH baby", yan sinapak ko na. Wala ako maintindihan sa tawa niya eh. Ano bang problema niya.

"Wag ka na mahiya Noah. Hindi ko naman sasabihin sa iba na may ganyan ka eh", malay mo di ba nahihiya lang siya.

"Pffft.. baby shit....", sabi niya habang pinipigilan ang tawa dahil pinagtaasan ko na siya ng kilay at ako'y bwisit na. "Sorry baby. Pero wala akong ganun baby"

"Huh... Eh bakit nararamdaman ko yun pagmalapit ka sakin at nakadikit?", lito kong tanong

"Your so adorable baby", sabi niyang nakangiti. "Bata ka pa talaga. Forget it baby. Just fell it. Its good for you". Huh?!!

Anong good kapag nakukuryente ka? Gago to...

"Tulog na nga lang ako", paalam ko.

"Okay. Let's sleep now baby. Come, go to bed with me". Yuck!

"Go to bed your face Noah. Bwisit", saad ko at pumasok na ng kuwarto.

"Lagyan natin ng mga unan sa gitna okay. Bawal makalampas Noah", banta ko.

"Ok ok ok baby..", suko ni Noah.

Makalipas ang isang oras.....

"Noah?", tanong ko dahil hindi pa ako makatulog at baka sakaling gising pa siya.

"Hmmm. Can't sleep baby? Me too", sagot niya sakin. "It's my first time sleeping with a girl beside me"

Talaga??? Akala ko ba ngstay dito si ate Mich. Yun ang sabi niya sakin nun eh. Nung sila pa ni Noah.

"Di ba nagstay dito si ate Mich nun?", ungkat ko sa nakaraan.

"What? No... Your the first girl that went in my condo. Even Mich can't", tutol niya sa sinabi ko.

"Pero bakit naman? Eh naging girlfriend mo yun di ba?"

"Yeah. So? Hindi porke naging girlfriend ko eh welcome na agad siya dito. Seysoso ang relasyon namin pero ewan ko ba, pag kasama ko siya parang may kulang eh. Hindi ko makita ang future ko sa kanya"

"Kaya ba nghiwalay kayo?"

Kinurot ni Noah ang pisngi ko dahil sa tanong ko. "Stop it baby. Past is past. Wag na natin balikan pa yun. Ang mahalaga ay yung ngayon at future, okay", saad niya sabay ngiti ng matamis sakin habang mariing nakatingin saking mga mata.

Habang palapit ng palapit ang mukha niya sakin. Naramdaman ko na lang ang pagdampi nglabi niya sa labi ko. Magkalapat lamang ang aming mga labi pero matagal.

Nang humiwalay siya ay bigla akong natauhan. Tumalikod agad ako sa kanya.

"Tulog na ako Noah", pag iiba ko.

"Yeah baby. Good night"

Hindi ko na siya sinagot at pinilit ko na lamang makatulog. Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now