Chapter 45 - Secret door

26 1 0
                                    

"Bakit nga pala tayo dito Noah? I thought were going to have date", takang tanong ko dahil sabi niya nga magddate kami pero here we are in his penthouse. Pagpasok namin sa loob ay namangha naman ako. Napaka linis ng lugar parang hindi lalaki ang tumutuloy. Pero alam ko namang malinis talaga si Noah.

Napakaneat tignan ng kulay sky blue at white ng buong penthouse. Talagang sinasabi na isang Noah Montealegre ang nakatira. Napakaaliwalas din nitong tignan kahit kaunti lang ang ilaw na nakabukas.

"Yes baby. We're going to date here  first. If you don't mind, hmm?"

Okay lang naman kahit saan basta siya ang date ko eh. "I don't Noah. Nagtataka lang ako", malay ko ba baka kapos na siya sa pera dahil sa pagpapagawa niya ng hotel niyang to. Natawa na lamang ako sa naisip ko kaya hindi ko namalayan na nagtatakang tingin ang iginawad sakin ni Noah.

"Cause we don't have time to travel baby", sagot niyang binabalewala ang pagtataka sa tawang nagawa ko.

"Travel??!!.. I thought.... date Noah. Ba't naging travel?", gulantang kong saad sa kaniya. Hindi makapaniwala.

"Yes baby. I'll date you wherever you want. If we need to travel somewhere... we will", nakanganga akong nakatingin sa kanya dahil sa eksplenasyon niya. Ang gastador niya naman yatang magdate. Wala sa personality niya nung sobrang tipid niya at nakikitira pa samin para lang hindi makagastos ng malaki.

"Don't look at me like that baby..", ngiwing saad niya. Napakurap bigla ako ng sunod-sunod ng biglang natauhan.

"What look Noah?"

"You look like... I'm some joke", iiling-iling niyang sagot at naglakad na papuntang kitchen. "I'll cook our food first baby before we watch movie, ryt?"

Sumunod naman ako sa kanya. Sa kitchen ay napakalaki. Tinignan ko isa isa ang mga gamit niya at kumpleto ito. Sa bagay ay mahilig pala talaga siyang magluto na kinaiingitan ko.

Nakakaluto lang kasi ako samin pag wala si kuya eh. Hindi niya kasi ako hinahayaan magluto. Pero buti na lang sa ilang taong wala nun si Noah sa condo niya ay natuto din ako. Yun din kasi ang madalas naming libangan ni Chloe nun pag wala kaming klase.

At I'm proud to say na madami na din akong alam na luto. Gusto ko din ipagluto si Noah. Kinilig naman ako sa naisip ko na ipagluluto ko si Noah. Habang nagluluto ako ay lalapit siya sakin at yayakapin galing sa likod. Eehhhh. Bigla naman akong nagblush. Ang OA ko.

"Your blushing baby", ngising turan ni Noah sakin. Nahiya naman bigla ako sa naisip kasi nahuli ako nito.

"Anong ipprepare mo Noah?", pag iiba ko na lamang ng sasabihin.

"What do you want baby hmm?"

"I want a paella Noah", excited kong sabi sa kanya. Masarap kasi ang paella ni Noah. Palagi akong busog nun pag yun ang niluluto niya.

"Okay baby... You go there. And I will cook for you, okay?"

"Okay. Lilibutin ko lang muna ang penthouse mo", ngiting saad ko sa kanya.

Nginitian niya naman ako at hinalikan sa noo bago sa labi ko. "Okay baby"

"Ang gaganda naman ng mga painting dito", saad ko sa sarili. Nandito ako sa hallway at tinitignan ang mga painting. Isa isa kong binubuksan ang mga kuwarto at mangha naman akong nakatingin dito.

Meron siyang mini library. At ang dami niyang mga libro sa cabinet. Meron ding couch dun para kung gusto mo magbasa.

Sa katabing pinto ninto ay mini theater. Ang laki ng screen sa unahan nito. Merong din mga couch at nakakagalak dahil merong higaan sa may likod. Natatawa naman ako dahil sa kaadikan niyang manood ng movie habang nakahiga tapos makatutulugan ito.

Tatawa tawa naman akong lumabas at pumasok sa katapat na pinto. Kuwarto ito. Peach ang kulay at halatang hindi pa nagagamit. Ganun din sa isa pang pinto. Sa katabi naman ay sigurado akong kuwarto na ito ni Noah. Bukod kasi sa picture niya sa may wall ay kulay sky blue ito at white. Amoy Noah din ito. Napahagikhik na lang ako.

Nilibot ko muna ang kuwarto niya at binuksan ko ang isang pinto. Walk in closet niya pala ito. Nakasabit ang mga damit niya dito. Nakahiwalay ang mga puti sa mga may kulay. Ang isang pinto naman ay CR niya. Napakalaki din nito. Meron pa siyang bathtub sa gilid naman nito ay salamin. Natatanaw ang tanawin sa labas. Nakaharap pala ito sa may dagat. Ang ganda ng view parang ang sarap matulog sa bathtub niya. Haha.

Paglabas ko sa kuwarto ay pumunta naman ako sa huling pinto. Mini office niya pala ito. Meron ding isang cabinet na puno ng mga libro. May dalawa pang pinto sa loob nito. Nilapitan ko ito at binuksan isa isa. Ang isang pinto ay bathroom habang ang isa ay walk in closet.

Wait! Parang nakita ko na to.. Nilibot ko ang walk in closet niya at may nakita akong pinto at nang buksan ko ito ay nasa kuwarto niya na ako. Diversion pala ito ng kuwarto at mini offuce niya. Ang ganda.

"Baby", sigaw ni Noah sa labas ng pinto. Pagkatapos ay binuksan niya ang kuwarto at nakita niya akong nasa may pinto ng walk in closet. Napangiti naman siya ng makita ako. "Hmmm.. someone knows my secret door huh?"

"Secret door ba yun? Eh bulgar na bulgar nga ang pinto dun sa office mo eh", as if naman kasing secret passage yun.

Natawa naman siya. "I just didn't install first there the painting that I bought baby", paliwanag niya.

"Ganun ba. So... ikabit natin Noah", excited kong saad sa kanya.

"After we ate baby, okay?", saad niya at inakay na ako palabas ng kuwarto.

"I like your room Noah. Lalo na dun sa bathtub mo para tuloy gusto ko dun matulog", sabi ko na natatawa.

Natawa din siya dahil sa inasal ko.

"Why not baby? We sleep there together if you want", aniyang natatawa pa din.

"As if papayagan ako ni kuya noh?", nalungkot naman ako sa naisip ko. Siguradong hindi ako papayagan ni kuya na tumira dito kasama ni Noah.

Iba naman kasi nung sa condo ni Noah. May dahilan ako dun na nag aaral ako at malapit sa university ang condo niya. Tsaka hindi pa kami nun pero ngayon ay iba na. Bukod sa pareho na kaming nagwowork eh pareho na kami ng nararamdaman.

"Magpapaalam tayo sa kanya baby, okay. Pag uwi nila"

"Okay"

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now