Chapter 53 - Settle

19 1 0
                                    

Kinaumagahan ay pumunta nga kami ni Noah sa OB para magpacheck up.

Mas lalo namang lumaki ang ngiti ni Noah nung malaman naming buntis nga ako. Nasa byahe nga kami papunta sa bahay nina kuya para ibalita ang pag dadalang tao ko.

Labis naman ang tuwa nina ate at kuya sa ibinalita namin ni Noah. Nagluto nga si ate para doon na daw kami mananghalian na pinaunlakan naman namin.

Masaya kaming nanghaliang apat sa hapagkainan lalo na nung pagiging madungis sa pagkain ni Vincent.

"So.. kailan kayo magpapakasal Noah?", tanong ni kuya nung nagpapahinga na kami sa may sala.

"Next week bro", kompiyansang sagot naman ni Noah. Hindi naman ako makapaniwala kay Noah dahil alam ko naman na matagal ang pag aayos ng kasal tsaka mag iisang buwan pa lang nung nagpropose siya sakin. Kaya imposible talagang matapos agad iyon ng isang linggo.

"Hibang ka ba Noah? Isang linggo lang ang preparation?", hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Natawa naman sila ni kuya at nagtatakang tanong ang iginawad naming pareho ni ate sa dalawang magkaibigan.

"I settle it baby before I propose to you", sagot niyang natatawa pa din.

Mangha naman akong nakatingin sa kanya. Hindi talaga makapaniwala sa mga sinasabi niya. Bakit pa ang dami niyang pasabog hindi na tuloy ako nasasanay.

"Pinagplanohan mo na yun bago ka pa magpropose eh pano kung hindi ako nag oo nun sayo. Eh di nasayang nagastos mo?"

"Ganun kalakas ang kumpyansa ni Noah sayo Ave na papayag kang magpakasal sa kanya", pag kukumpirma ni kuya Vance.

Natawa na lamang si Noah at nginiwian ko siya sa kabaliwan niya. Kabaliwan na minahal at minamahal ko.

"I love you that much baby, you know"

"Psh!", saad ko at nagtawan kaming apat.

Napaka swerte ko at minahal ko si Noah. Mas lalong maswerte ako dahil mahal ako ni Noah. Wala na akong mahihiling pa.

Siya ang nagbigay ng kulay sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang mga nagawa niya sakin pero ipapangako ko na paglilingkuran ko siya habang buhay. Hanggang sa pagtanda namin at kunin ako ng Panginoon.

Napag alaman ko nga na noon pa raw ng manganak si ate Shiela nagplano at nag ayos ng kasal namin. Halos isang taon at ni minsan ay hindi ko naramdama ang mga kilos ni Noah. At talagang alam ito ni kuya ah. Nakakabilib ang dalawang 'to sa pagtatago sakin at kay ate shie.

Yun din daw ang inayos niya nang isang linggo bago siya nag propose sakin. Tinignan niya daw ng personal kung maayos na ang lahat. Kaya nung maayos na ito ay niyaya niya na akong magpakasal.

Iyak naman ako ng iyak habang nagkukwento siya. Pinagtatawanan na nga ako ni kuya kaya pinapalo na lang siya ni ate Shie.

Sa Malilipot church gaganapin ang kasal namin at sa hotel niya sa Tabaco ang reception. Papasarhan niya daw ito ng isang araw para sa kasal namin. Nakakatuwa.

Kahit ang mga abay ay kompleto na. Kahit nga pala ang mga friends ko ay alam ito. Napaka talaga. Hinayaan lang nila ako nung iyak ng iyak sa pagkakaingit dahil sa mga ikinasal at ikakasal sila tapos alam pala nila.

Nung hapon nga ay dumating silang lahat sa bahay namin ni kuya at pinagsusumbatan ko silang lahat lalo na si Chloe na tawa ng tawa.

Pero sa kabila nun ay masayang masaya ako dahil natupad na ang pangarap ko. Nandito din silang lahat para sakin nakasuporta.

Nag saya naman kaming lahat sa may pool area para sa nalalapit na kasal namin ni Noah at sa pagdadalang tao ko. Pareho pa nga kaming buntis ni Chloe pero mas nauna lang siya ng dalawang buwan.

Natapos ang araw namin ng masaya at nagkakatuwaan.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now