Chapter 46 - Get a room

25 1 0
                                    

3 months has passed at nakauwi na sina kuya galing honeymoon. Isang buwan na ding buntis si ate Shiela kaya napakasaya naming lahat.

Going strong din ang relationship namin ni Noah. Sa loob ng tatlong buwan ay nagdadate kami. Sa bahay pa rin ako umuuwi dahil sa kagustuhan niyang magpaalam kay kuya ng personal. Mas lalo ko naman siyang minahal dahil dun.

Nandito nga kaming apat sa bahay at nagcecelebrate sa pagdadalang tao ni ate Shiela. Nag barbeque sina Noah at kuya habang kami naman ni ate ay nandito sa may pool nagbababad.

"How's Noah being a boyfriend?", pilyang tanong sakin ni ate. Namula naman ako dahil dun.

"He's sweet and caring ate"

"Hmmm... Ang suplado at masungit kaya niyan para lang si Vance", sabay tawa niya. Natawa na din ako dahil totoong suplado at masungit ang dalawa nun. "Alam mo ba, mula nung magustuhan ka niya. Hindi na siya tumingin pa sa iba."

"Kailan mo naman nalaman na may gusto siya sakin ate?", pag uusisa ko sa kanya.

"College pa lang kami nun... nung napansin namin ng kuya mo na may pagtingin siya sayo. Panay ba naman ang banggit ng pangalan mo kahit hindi ka naman namin pinag uusapan", sabay tawa niya.

Nagtataka pa din ako kasi naging sila ni ate Mich nung college eh. "Di ba sila nun ni ate Mich?"

"Yes Ave pero ilang buwan lang sila nun. Duda nga namin dahil sayo kaya naghiwalay ang dalawa eh"

"Huh? Bat nasali ako?"

"Kasi nga panay ang banggit niya sayo kahit kasama niya si Mich", paliwanag niya sakin.

"Alam din ba ni Noah na alam niyo na may pagtingin siya sakin nun?"

Tinignan niya naman ako sa mata pagkatapos kong itanong yun. "We never told him that we know Ave. Nalaman niya lang nung magcocollege ka na. Sinabi na ng kuya mo na alam niya. Gusto kasi ni Vance na dun ka magstay sa poder ni Noah kasi alam niyang mapagkakatiwalaan ito."

"Ganun na pala katagal", namamangha kong turan.

"Di ba naging kayo nun? Bat kayo nagkahiwalay?", tanong niya tungkol samin ni Noah bago siya umalis papuntang ibang bansa.

Pinagmasdan ko naman muna sina Noah at kuya na nagtatawanan habang nag iihaw. Napatingin naman ito sa gawi namin at nginitian ako. Nginitian ko naman siya bago ibinalik ang tingin kay ate Shie.

"He confess to me", sagot ko sabay baba ng tingin.

"And then... that time you doesn't have feelings for him?"

"No... Yes.. No.. uhmm I mean.. meron pero natakot ako nun kasi baga magalit si kuya dahil dun. Ayaw ko naman kasing masira ang pagkakaibigan nila ng dahil lamang sa may nararamdaman siya at ako sa kanya eh"

Tumawa siya ng malakas kaya ganun na lamang ang pagtataka ng dalawa na tumingin samin ni ate. "Gago kasing kuya mo yun", natawa na din ako. Tatawa tawa kami ni ate habang papalapit samin ang dalawang lalaki.

"Anong pinagtatawanan ninyong dalawa hmm?", tanong ni kuya at niyakap naman si ate mula sa likuran.

Lumapit naman si Noah sakin at niyakap ang isang braso sa bewang ko sabay halik sa buhok ko.

"Wala... wala honey may napag usapan lang kami ni Ave", sagot ni ate sabay wink sakin. Lihim na sinasabing secret lamang naming dalawa yun.

"What is it baby?", bulong na tanong ni Noah sa may tenga ko. Namula naman ako dahil sa naramdamang kiliti sa ginawa ni Noah sakin.

Bigla namang sumimangot si kuya samin. "Get a room guys", tukoy nito samin ni Noah.

Natawa si Noah. "Okay bro", at tumayo saka ako inilalayan na tumayo din.

"At saan sa tingin mo dadalhin ang kapatid ko Noah?", bantang tanong ni kuya sa kanya.

"You said.. we should get a room. That's why were going", pa inosenteng sagot naman nito.

"Gago.. Umupo na nga kayo", pikong aniya at tinawan na lang namin siya.

Maghapon kaming nagbababad sa pool na apat. Kung anu-anong laro ang ginagawa namin. Enjoy na enjoy naman kaming lahat.

Bago matapos ang araw ay pinaalam na ni Noah kay kuya ang balak niya sakin. Sa una ay hindi pumayag si kuya pero dahil sa pinagsabihan siya ni ate Shie ay pumayag na din siya.

Pero hindi dun nagtapos dahil pinagbantaan ni kuya si Noah nung makitang tuwang tuwa si Noah dahil sa naging desisyon niya.

Huwag na huwag daw malalaman ni kuya na ginapang ako ni Noah pag nandoon na ako magsstay. Suminagot naman si Noah at pinag papalo ko naman si kuya dahil nakakadiri siya. Kaya natawa naman silang tatlo dahil sa namumula kong mukha.

Mas lalo naman akong namula nung hinalikan ako ni Noah sa labi sa harapan ng dalawa. Kaya ayun.. binatukan siya ni kuya..

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now