Epilogue

21 1 0
                                    

After ng wedding namin ni Noah ay nagtravel kami sa America para doon mag honeymoon.

Halos ilang buwan din kaming namalagi sa ibang bansa. 6 months na ngang buntis ako nung maisipan naming umuwi dahil pinapauwi na kami ng parents niya. Gusto daw ng mga ito na mabantayan ang pagbubuntis ko lalo na si mom na panay ang tanong sakin kung may gusto akong kainin o ano.

Nakukulitan na nga sina dad at Noah dahil sa pagiging makulit nito pero tinatawan ko na lang ito dahil sa harap ng pakiramdam na merong kang ina na nag aalaga at nag susuporta sa mga gusto mo.

Namiss ko tuloy ang parents ko. Sana kung nandito lang sila't nabubuhay pa ay paniguradong ganun din sila kaexcited sa pagdadalang tao ko at sa pagkakaroon din ng anak ni kuya.

Nung magwalong buwan naman ang tiyan ko ay hindi ako masyadong pinapagalaw ni Noah. Kung mag papaaraw man ako sa labas ng bahay ay kailangang nakaalalay siya o kaya ang ina.

Sobrang maalaga nang parents ni Noah pati siya. Siguro ganun talaga pag nag iisang anak ka lang. Lahat ng atensyon ay nasasayo. Subalit wala naman akong nararamdamang inggit dahil sa parehong pagmamahal na ipinapakita nila sa akin. Minsan nga mas ramdam ko pang anak nila ako kasya kay Noah.

Paano ba naman ay panay siyang pinapagalitan ng mga ito dahil sa pagtatrabaho. Pinapatigil nga muna ito habang hindi pa ako nanganganak. Pumayag naman si Noah pero kailangan niya munang i-train ang papalit sa kanyang CEO pansamantala.

Kaya ngayong kabuwanan ko na ay namalagi na si Noah sa bahay at siya na mismo ang nag aasikaso sakin. Panay naman ang paglakad lakad ko sa garden para mapadali ang pagbubuntis ko.

Pero ganun na lamang ang takot namin nung nabasag na yung water bag ko ay parang normal lamang ang nararamdaman ko.

Sa takot ng mga magulang niya ay isinugod na agad ako sa hospital kahit hindi ko maramdamang manganganak na ako.

Sa delivery room ay labis-labis ang pawis ko buti na lamang ay pinayagan si Noah na samahan ako. Dahil nung mga oras na naramdaman ko na ang sakit ay halos panuyuan na ako ng laway. Kahit na nga pinapainom niya ako ay wala paring saysay.

Ilang oras bago ako nanganak kaya ganun na lamang ang pagod ko kaya nakatulog ako.

Naalimpungatan ako nung magising ako sa ingay na ginagawa ng nasa paligid ko.

"Ang cute-cute naman ng apo ko. Nagmana sakin", mom

"Sakin siya nagmana mom", sagot naman ni Noah

"Ano ba kayo. Tingnan niyo ang ilong ng bata at sakin ng mana", dad

"Hahahaha", kuya

Tuluyan na akong nagising dahil sa tawa ni kuya. Ang sakit lang sa tenga. Bwisit.

"Huwag nga kayo diyan. Nagising tuloy si Ave", sita ni ate Shie sa apat.

Sabay-sabay naman sila saking tumingin at lumapit si Noah para daluhan ako.

"How are you feeling baby?", malambing na tanong ni Noah sakin.

"Okay lang. Medyo nahihilo lang ako", sagot ko naman sa kanya.

"Do you need anything baby?", bigla ay naging pag aalala ang mailalarawan sa mukha niya.

Nag aalala din ang iba dahil sa isinagot ko.

"No.. I'm Noah. Masyado lang kasing naubos ng lakas ko pero medyo okay na kasi nakatulog naman na ako"

Nakahinga naman silang lahat kalaunan.

"Can I see my baby?", tanong ko sa kanya.

Lumapit naman si mommy karga-karga ang anak namin ni Noah. Saka inabot sakin.

"There you are little one", saad ko nang makarga ko ang bata. "He's a he right? If I'm not mistaken sa narinig ko bago ako nawalan ng malay"

Tumango naman silang lahat at ngumiti sakin.

"What do you want to name him baby?", tanong sakin ni Noah.

"Hmmm... Flynn William Montealegre", suhestiyon ko.

"Sounds great hija. Pinagsama mo ang name ni Noah at ng daddy mo", mommy na maiyak iyak sa tuwa. "Siguradong matutuwa yun kapag nalaman niyang pinangalan mo sa kanya ang naging anak ninyo ni Noah."

"Sana nga po ay nakita niya ang apo niya", saad ko naman na nalulungkot.

Lumapit naman si Noah sakin at hinalikan ako sa noo saka ang noo ng anak namin.

"He's always watching you baby", pag papagaan ng loob niya sakin.

Masaya naman ang naging araw namin nun lalo na ay nag papagalingan ang mga ito kung sino ang kamukha ni Flynn.

Pinagmasdan ko naman ang anak ko. Ang ganda ng mga mata niya, siguradong nakuha kay Noah. Kahit ang hulma ng mukha at labi ay sa kanyang ama. Pati na ang itim na itim nitong buhok at ang nipis ng kilay ay sa ama. Wala nga akong makita na nagmana ito sakin.

Kahit ganun ay masaya ako at lahat ng katangian ng kanyang ama ay nakuha niya. Ayaw ko namang ipaalam ito kay Noah at baka lumaki ang ulo tska baka din malungkot ang mga magulang niya.

Hinayaan ko na lamang ang mga ito sa pagtatalo kung kanino mana si Flynn. Nagbubulungan na nga lamang kami ni ate Shiela dito para hindi nila marinig na pinag uusapan namin sila.

Ngayon ko napatunayan na hindi lang nung malaman kong mahal ako ni Noah, nung maging kami, nung kinasal kami ang lubos na nagpaligaya sakin kundi ang dumating ang anghel sa buhay namin ni Noah. Siya ang nagdagdag kulay sa makulay na naming buhay ni Noah.

Mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili.

Nakita ko namang ngumiti sakin si Noah at walang boses na lumabas ng sinabi niya ang katagang mahal kita sakin.

Mahal na mahal din kita Noah hanggang sa huling hininga ko ay mamahalin ko kayo ng anak mo.


End

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now