Chapter 9 - Kasal

37 1 0
                                    

Avery' POV

Nagising ako dahil sa amoy na aking nalalanghap.

"Hmmmmm.. Ang bago naman. Saan kaya yun".

Paglabas ko ng kuwarto ay mas lalong lumakas ang mabangong amoy.

Sinundan ko ito hanggang makarating ako sa may kusina. Nakita ko si Noah na walang pangtaas na damit habang nakatalikod sa akin at ngluluto ng kung ano.

"Anong niluluto mo Noah?", tanong ko.

"Chicken adobo baby", sagot niya at harap sa akin. Ooohhh what an abs?!

Wait... wait...  wait.... eh ano naman kung may abs siya? Eh nakita ko na yan pati yung abs ni kuya Vance eh. Pero bakit parang ngayon ko pa lang siyang nakitang walang damit pangtaas.

What happen to me.... Bigla namang may ng door bell sa condo ni Noah.

"Ako ng magbubukas Noah. Wait lang", pigil ko sa paghakbang niya palabas ng kusina.

"Good evening ma'am. Ako nga po pala si Nelly. Ang taga linis ng condo ni Mr. Montealegre", bungad na bati sakin ng isang medyo may katandaan na ginang matapos kong pagbuksan ng pinto.

"Good evening po ate Nelly. Ako nga po pala si Avery. Nasa kusina po si Noah. Tatawagin ko lang po", sabi ko. "Upo muna po kayo sa may sala".

"No need to call me baby", biglang sabi ni Noah sa may likuran ko. Hindi ko alam na nasa likuran ko na pala siya. At tsaka bakit ko na naman nararamdaman ang kuryente? Eh nandito lang naman kami sa loob ng condo niya. "Good evening ate Nelly."

Ooohhhhh... siguro na niniguro lang si Noah kahit ligtas naman siguro kami dito sa loob.

"Good evening din po sir. Pasensiya na po at natagalan ako. May binili pa po kasi ako sa market bago pumarito dito", saad ni ate Nelly kay Noah.

"It's okay ate. Hindi naman masyadong marumi ang condo. Kunin mo na lang muna yung mga labahan sa hamper po"

"Opo sir"

Pagkatapos ng pag uusap nila ni ate Nelly ay hinawakan ako ni Noah sa may bewang ko papuntang kusina. "Let's eat dinner baby."

Electricity... haysss.. Kailangan ko na talagang sabihan si Noah na kung pwede ay alisin niya na muna yan at ako'y nakukuryente talaga.

"Uhmmmmm", ako habang sabay nguya sa pagkain.

"Masarap ba baby?", tanong niya sakin.

"Yeah. Saan mo natutunan ang potaheng ito Noah?"

"Just by myself. You see I learn cooking because I'm alone here in the condo when I'm still studying"

"Ganun ba", saad ko. Buti pa siya marunong magluto. Magpaturo kaya ako sa kanya. My gosh Avery. Ikaw magpapaturo sa kanya. Mabuti nga yan at may tagaluto ka na. Hindi ka na mahihirapan di ba.

Tama... tama.. "Buti naman at hindi na ako mahihirapan pa", pagmamaldita ko sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Noah dahil sa sinabi ko at natawa.

"Don't worry baby. As long as your here with me, you no longer to cook your food everyday"

"Good", maikling turan ko.

"Sir, Ma'am.. alis na po ako. Nakuha ko na po lahat ng labahan. Ibabalik ko na lang po pag tuyo na", Ate Nelly sa may pinto ng kusina.

"Thanks ate Nelly", Noah. "By the way, kain ka na muna po ate."

"Kumain na po ako sir. Salamat na lang po"

"Ah sige po ate. Ingat ka po pauwi", paalam ni Noah

"Salamat po sir. Ingat din po kayo ni ma'am. Congratulations po sa kasal ninyo. Bagay po kayo", saad ni ate Nelly at lumabas na ng condo.

"Nagkakamali ka ate.... haysss", naghihinayang kong sabi dahil hindi ko na naipaliwanag pa kay ate Nelly na hindi naman kami mag asawa ni Noah.

Nakangiti lamang si Noah dahil sa sinabi ni ate. "Don't bother baby. It's okay"

Napairap na lamang ako sa hangin at ngpatuloy na sa pagkain. Hindi ko na pinapansin si Noah kahit salita siya ng salita. Tango at iling lamang ang tugon ko sa kanya.

Nakakabadtrip naman siya. Bat naman siya natutuwa sa pagkakamali ni ate. Siguro pinagttripan niya lamang ako kasi magkagalit sila ni kuya Vance. Hindi na lang ako magpapaepekto sa kanya.

Matapos kong kumain ay ako na ang nghugas ng aming mga pinagkainan kahit pinipilit niyang siya na lang. Duh! Hindi naman ako ganun kasama noh. Siya na nga ngluto tapos siya pa maghuhugas. Mapapagalitan lamang ako ni kuya Vance pagnalaman niya yun.

Para ko naman ginawang katulong si Noah sa sarili niyang condo kahit na bagay naman sa kanya. Hahahaha.

"Nilagay mo na ba lahat yung mga gamit ko sa kuwarto?", tanong ko kay Noah kasi wala na yung mga maleta ko sa sala.

"Not me. It's ate Nelly", sagot niya. "But we have a problem?"

Ano na naman kaya yun? "Ano ba yun?", tanong ko.

"Di ba ate Nelly thoughts we're married, right baby?" 

"Oo kahit hindi naman. Tapos?"

"Yung mga damit mo at gamit ay nilagay at inayos niya na lahat sa......."

"Eh di mabuti. Anong problema dun?", putol ko sa sasabihin niya.

"Hush baby.. Stop cutting my words", ngiti niyang sabi.

"Eh ano pala", sabay irap ko.

"Lahat ng gamit mo baby ay nasa kuwarto ko", pagpapatuloy niya.

Whaaaatttttt.... Nooooo. Anong akala niya, porke nakalagay dun ay dun na ako matutulog. No no no no no... kukunin ko lahat yun.

"At baby...."

"Ano na naman......" bulyaw ko sa kanya. Na bbwisit ako sa pagmumukha niya. Naka ngisi pa talaga siya sakin.

"Lahat ng matress sa dalawang kuwarto ay dinala ni ate Nelly para labhan. Wala kahit unan doon", dagdag niya pa.

"What??? No way... Saan ako matutulog aber?", pagtataray ko sa kanya.

"Yes way baby", at tuwang tuwa pa talaga siya dyan ah.

Bwisit lang talaga. What a start. Tsss. 😡😡😡

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now