Chapter 41 - Lost

26 1 0
                                    

Gumising ako kina umagahan na mabigat ang ulo. Lintik na hangover to.

Pinilit ko namang bumangon para kumuha ng gamot.

Pagkatapos kong gawin ang mga ritwal ko sa umaga ay inayos ko na ang mga gamit ko. Ngayon pa nga lang ako mag aayos dahil simula nung umuwi ako dito sa Malilipot eh  naging abala na ako.

Kaya ngayon lamang ako nagkaroon ng oras para mag ayos ng mga gamit ko. "Oh shit!", nasapo ko na lamang ang ulo ko dahil sa katangahan.

Sa lahat ng makakalimutan ko sa condo ni Noah eh yung laptop ko pa.  Kailangan ko yun. Nandoon lahat ng files ko para sa work ko.

Dinala ko pala yun dun nang pumunta ako sa Legazpi nun para ayusin yung records ko. At dahil nga sa pagiging abala ko sa kasal nina kuya ay nakalimutan ko na yun.

Laptop kasi ni kuya ang gamit ko sa pag aayos ng kasal. Kaya ngayon kailangan kong bumalik dun para kunin yun dahil may pasok na ako bukas. Wala na akong oras pa.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa katangahan ko.

Nagpapasalamat na lamang ako at iniwan ni kuya ang kotse niya. Hindi ko na kailangan mag commute dahil mas lalong gagabihin ako pag ganun.

Dali-dali akong nag ayos at sumakay na sa kotse ko para madali akong makapuntang Legazpi. Buti na lamang at hindi traffic ngayon dahil linggo.

Pagkatapos ng ilang oras na pag byahe ko ay nakarating na ako sa paruruonan. Wala naman ako sa sarili nung nasa loob ako ng elevator na papaakyat sa floor ng unit ni Noah.

Nang nasa tama na akong floor ay dali dali akong pumunta sa unit at binuksan ito gamit ang duplicate key ko.

At ganun na lamang ang gulat ko ng pagbukas ko ay ang hubad na katawan ni Noah ang nakita ko. "Aahhh", sigaw ko.

Gulat din nung bumaling ang mukha ni Noah sakin. "F'ck"

"Magbihis ka nga", bulyaw ko kay Noah at tinakpan ang mga mata ko.

Napangisi naman si Noah sakin at nagpalakad lakad lang sa loob na parang walang taong nanonood sa kanya.

"Ano ba Noah", napipikon ko nang turan.

"What Ave?! I'm inside. Nobody sees me except you and beside I'm not totally naked you see", tatawa tawa niyang turan habang nagpapaikot ikot pa na parang nasa fashion show lang siya. "By the way, why you here?"

Inirapan ko na lamang siya at hindi na pinasin ang pag ngisi niya sakin. "Kukunin ko lang yung naiwan ko at  pagkatapos ay aalis na ako. Baka gabihin pa ako sa daan"

"Okay", at naglakad na papasok sa kuwarto niya. "Wait for me. I'll drive you home"

"No it's okay Noah. I can drive myself", pigil ko kay Noah na ipagdrive ako. Pumasok naman ako sa kuwartong tinutuloyan ko para kunin yung laptop.

"I know but I insist", sabay sara ng  pinto sa kanyang kuwarto. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa kabastusan niya.

Nagmake face na lang ako sa harap ng pinto niya at pagkatapos ay kinuaha na yung laptop ko na naiwan sa study table.

Paglabas ko ng kuwarto ay siya ring paglabas ni Noah sa kuwarto niya. Bihis na bihis na ito at merong travel bag sa kanyang likod.

"Come Ave we're gonna get going", yaya sakin ni Noah na nakalahad ang kamay. Binalewala ko naman yun at inirapan na lamang siya.

"Where you going ba?"

"I said I'm going to drive you home", aniya na parang nauubusan na ng pasensya sa pag uulit niya. Na para bang ang tanga tanga ko at hindi ko maintindihan ang sinabi niya kanina.

"Yes I know but why you have a bag then?"

"Oh.. I'm going to visit someone", aniya at tinalikuran na ako para lumabas na ng unit. Bigla ko namang naramdaman ang sakit.

Nang makalabas siya ay hinintay niya naman ako bago isara ang pinto ng unit at sabay na kami papuntang elevator.

Wala naman ang umiimik samin ng nakasakay kami sa elevator pababa. Pasimple ko lamang siyang tinitignan sa salamin sa harapan namin.

Panaka naka naman din siyang sumusulyap sakin at iniiwas lang kapag naka tingin na ako sa kanya. Maikli lang ang oras sa pagsakay sa elevator pero parang ang tagal tagal nun. Naiinip na ako sa pagkailang kay Noah. Gusto ko na lamang biglang mawala sa tinatayuan ko dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman sa mga titig niya.

Nakahinga ako ng maluwag nung bumukas ang pinto ng elevator na para bang pigil ko ito ng nasa loob pa kami.

"We'll use your car okay?", aniya sabay baling sakin habang naglalakad kami papuntang parking. "My cousin borrowed my car this morning."

"Okay", ikling turan ko sa kanya.

"Do you have your own car now?"

"No.. I haven't. It's kuya's car. I just brought it because I don't want to commute"

"Oh... but.. do you have plan to get your own car then?"

"Of course. Alangan namang makisabay ako kay kuya papuntang opisina", irap kong turan sa kanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Ang sarap talaga sa tenga ng tawa niya. Para lang akong hinehele nito.

"I'll drive you then", ngiti niyang sabi sakin. Bigla naman akong napatingin sa mukha niya para makita kung nagbibiro lamang siya.

"As if naman. Eh nandito sa Legazpi ang hotel ninyo", saad ko at pinatunog na ang kotse ni kuya at sumakay na sa passenger seat. Sumakay naman si Noah sa driver seat at pinaandar na ito.

"So.. I can manage", pagyayabang niya sakin. Ano siya si superman. Psh!

"Oo na lang", sarkastikong sagot sa kanya. As if naman maniniwala ako noh.

"What if I did baby?", pagpipilit nito sakin.

"Asa Noah"

"Haha. So.. If I did.. you'll be my girlfriend for real", yun lang at pinaharurut niya na ang kotse.

Bigla naman ang natigilan dahil sa narinig kong sinabi niya. Ngumingisi lamang siya habang sumusulyap paminsan minsan sakin. I lost my words. Noah!

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now