Chapter 39 - Sweet

24 1 0
                                    

Lumipas ang mga buwan at nag sisimula na ako sa company namin ni kuya na mag trabaho. Tinutulungan ko din silang iprepare ang wedding nila.

Heto nga at tapos na kaming lahat. Beauty rest na lang. Bukas is the big day of kuya Vance and ate Shiela. I'm so happy for them. Sana mahanap ko din yung forever ko. Hayysss.

Maaga akong gumising kahit mamaya pang hapon ang kasal nina kuya. Excited na kasi ako sa kasal nila eh.

Sa kasal o dahil makikita mo na si Noah? Tanong ngkonsensiya ko. Langya. Pati to kinukontra ako. As if naman ma excite akong makita siya noh.

Sino ba siya? Si Noah lang naman siya eh.

Oo si Noah na mahal na mahal mo. Lintik na konsensiya ko to hindi ako tinitigilan.

Iwinasiwas ko naman ng marahan ang ulo ko sabay hinggang malalim. Relax Avery huwag kang magpapaepekto okay.

Nang maghapon na ay inayusan na kaming lahat. Sabay sabay naman kami nina Chloe papuntang simbahan. Ako ang bride's maid ni ate Shiela dahil wala siyang ibang makukuha. Si Noah naman ang best man ni kuya. Psh.

Nang makapasok kami ni Chloe sa simbahan ay ngiting ngiti naman akong pinagmamasdan ang pinaghirapan namin. Nakakaproud talaga na makita ang pinagpaguran mo. Nakakataba ng puso.

Mula sa pag kakamangha ay bigla na lang umasim ang mukha ko ng makita si Noah na kasama si ate Mich. Naka hawak si Noah sa bewang ni ate Mich habang ito naman ay nakasandal sa balikat niya. Ang sweet nilang tignan. Psh! Langgamin sana sila.

Nagkabalikan siguro ulit sila kaya ganun sila ka sweet ulit sa isa't isa. Kaya din siguro naka move on na si Noah sakin. Kumirot ang puso ko dahil sa mga naiisip ko. Tumalikod ako sa kanila at lumabas muna sa simbahan habang pinupunasan ang papatulong luha sa mga mata ko.

"Baks where you going ba? Malapit na magsimula", habol tanong sakin ni Chloe.

"Magpapahangin lang ako baks", at iniwan ko na siya dun kahit panay pa rin ang tawag niya sakin.

Lumabas muna ako para huminga. Ang sikip na pala ng dibdib ko dahil sa pagpipigil ng hikbi kanina.

Naalala ko na naman yung nakita kong tagpo kanina. At hindi ko na napigilang mag daloy ng tuloy tuloy ang luha ko. Buti na nga lang at water proof itong makeup ko kaya kahit mapuno man ng luha eh hindi masisira. Kaya nga lang ay mamumugto ang mga mata ko nito panigurado.

Ilang sandali lang ang pinaayos na kami dahil magsisimula na ang kasal. Inayos ko naman ang sarili at tinignan sa compact mirror kung dala ang mukha ko. Namumugto nga ito. At halatang umiiyak ako.

"What happen to your eyes Ave?", tanong puna ni Noah sakin nung magkatabi kami maya maya dahil inaayos ang pila namin.

"Nothing", tipid kong sagot sa kanya.

"You sure?", pagpipilit niya.

"Hmmm", ang tanging nasagot ko sa kanya. Ayaw ko ng magsalita dahil hindi ko alam baka traydurin na ako ng sarili kung boses at mata kapag nagsalita pa ako.

Hindi naman na siya nagpumilit pa at hinayaan na ako. Magsisimula na ang kasal at lumalakad na kami papuntang unahan. Pilit naman ang ngiti ko habang naglalakad. Tinalo ko pa ang bride sa pagpipigil na maluha. Hahaha. Para naman akong timang dito.

Nakahinga naman ako ng makarating sa magiging upuan ko. Hindi ko nga namalayan na tinititigan pala ako ni Noah habang nglalakad. Masyado kasi akong abala sa pagpigil ng luha para mapansin pa siya.

Baka kasi pag naluha ako ay mag alala pa sakin si kuya at baka mag sisi pa siya na pakasalan si ate Shiela dahil baka akalain niya ay hindi ko matanggap.

Mahal na mahal ko silang dalawa ni ate Shiela para sirain ang kasal nila. Kaya ganun na lang talaga ang pagpipigil ko ng mga luha kong tumulo.

Natapos naman ang seremonyas ng hindi ako umiyak. Dito nga lang sa reception ay wala na akong ganang makipagngitian pa. Napaplastikan na ako sa sarili ko kapag nakangiti.

"Are you sad sweetie?", alalang tanong ni kuya Vance sakin nung mapansin niyang nakabusangot ako dito sa isang tabi habang umiinom ng wine.

"Of course not kuya. I'm happy for the both of you"

"But what's with the face Ave? Nag aalala na ako saiyo", saad niyang nalulungkot din.

"Don't mind me kuya. Pagod lang ako kaya ganito. Go now to ate Shiela kuya. Enjoy your night okay?", ngiti ko sa kanya. Nalulungkot man ay hindi naging palya ang ngiti ko nung tiningnan siya sa mga mata. "I'm so happy for you kuya. Finally your dreams came true"

"Thank you sweetie. I'm hoping for you too", aniya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko naman napigilan ang luha sa pagtulo pero hindi luha ng kalungkutan bagkos eh luha ito ng kagalakan.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now