Chapter 33 - Path

22 1 0
                                    

Pag gising ko sa umaga ay sumakit ang ulo ko.

Nakita ko sa gilid ng kama ko sa may mesa na may almusal at gamot nang nakahain para sakin.

After everything that happens to us, hindi pa rin ako pinapabayaan ni Noah.

Tinapos ko na agad ang pag almusal ko. Iniisip ko pa lang sana kung paano ko pakikitunguhan si Noah pagkatapos ng nangyari nang may nakita akong nakatuping papel na napapatungan ng cellphone ko.

Dear baby,

I'm sorry if I insist my love for you. I hope you will be happy and be  successful someday. I'm also sorry that I'm not there to cheer you when you graduate.

As of now, I accepted my internship at Los Angeles. So maybe I will be gone for three to four years, according to dad.

Be good okay. Taka care of our condo. Promise me that your not going to the bar alone and to a guy .

Take care always and I love you.

-Noah

Pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Noah ay basang basa na ang mukha ko dahil sa luha.

Iniwan na ako ni Noah. Nasaktan ko siya. Kaya siguro tinanggap niya ang offer ng daddy niya.

Masaya ako para sa kanya dahil makakatulong yun sa kanya pero nalulungkot pa rin ako kasi alam ko wala na ako sa priority niya.

Noon hindi ko napapansin na halos lahat ng oras niya ay nasa sakin.

Hindi ko pala namamalayan na pinaparamdam niya na sa akin ang pagmamahal niya.

Masyado akong na bulag sa katotohanang hindi kami pwede.

Sana mas hinayaan ko siyang iparamdam ang pagmamahal niya at sana bago siya umalis ay nasabi ko sa kanya na mahal ko siya.

Pero huli na... wala na siya..  wala na si Noah.

Maghapon akong umiyak lamang sa condo niya. Iniwan niya sakin ito. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit ngayong wala na siya.

Nagsisisi ako. Kung sana hindi ko siya tinakasan eh di sana hindi nangyari ang lahat ng yun kagabi.

Sana kami parin kahit pagpapanggap lang.

Dinalaw ako ni Chloe kinaumagahan ng tinawagan ko siya. Kailangan ko din kasing ilabas ang mga nararamdaman ko.

Iyak lang ako ng iyak habang nagkukuwento sa kanya ng mga nangyari samin ni Noah.

Hinahayaan niya naman ako ilabas lahat ng sakit.

"Bakit ganun baks?", tanong ko kay Chloe habang umiiyak. Hindi naman ngsalita si Chloe at hinayaan niya lang akong ilabas lahat ng sakit sa kaloob looban ko. "Kung ganun pala ang mangyayari sana hindi ko na lang sinuway si Noah. Sana hindi niya ako iniwan at sana kami pa hanggang ngayon kahit sa kasinungalingan lamang"

Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Inabutan naman ako ni Chloe ng tubig at hinahagod ang likod ko.

"Baks, tahan na", pag aalo niya sakin.

"Ang sakit sakit baks eh", iyak ko paring sabi. "Ang tanga tanga ko. Ayun na eh. Sinabi niya nang mahal niya ako pero ako naman itong si tanga ay pinagtabuyan pa siya." hinahagod niya parin ang likod ko para mapagaan ang pakiramdam ko.

Pero wala yung epekto dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang tanga tanga ko talaga.

"Sana man lang nasabi ko sa kanyang mahal ko din siya", hikbi ko pa habang sumisinghot. "Na mahal na mahal ko siya. Pero baks natatakot ako eh. Hindi ko kayang magalit si kuya Vance sa kanya. Ayaw ko siyang mawala. Pero heto nga at nawala pa din siya sakin. Ang sakit sakit."

Niyakap naman ako ni Chloe at sinasabayan na ang pag iyak ko. Nagpapasalamat ako at nandito si Chloe sa tabi ko. Meron akong napagsasabihan ng mga problema ko.

Kasi hindi ko kaya magsabi kay kuya. Oo nga't close kami ni kuya buhat ng kami na lamang ang magkasama. Pero si Noah ang involve dito at ang friendship nilang dalawa.

Kung ibang lalaki sana eh baka nasabi ko pa kay kuya pero hindi eh. Si Noah yun. Si Noah na best friend niya mula pa nung mga bata sila.

Hindi ko maaatim na masira sila ng dahil lang sa pagiging selfish ko kung sakaling inamin ko din kay Noah na mahal ko siya.

It's like I'm turn between love for Noah and love for them being as bestfriend.

Maybe this is really meant to happen. This is my path.

There friendship will be save but my heart been wreck.

Matapos ang mahabang pag-ngawa ko kay Chloe ay nakatulog ko sa balikat niya.

I'm thankful she's here. I don't happen to me if she's not my bestfriend.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now