Special Chapter

22 2 0
                                    

Hindi ko na nilagyan ng POV si Noah mula nung nagkahiwalay sila ni Avery. Gusto ko kasing gawan siya ng Special Chapter 😘😘. Hanggang dito na lamang po ang kwento nina Avery at Noah. Sana po ay nagustuhan ninyo kahit hindi maganda. First time eh! 😋😋. Ni minsan ay hindi ko naisipang gumawa ng kwento kaya ewan ko ba kung anong sumapi sakin at bigla na lamang akong gumawa. Thank you all. Love lots 😘😘😘

Noah's POV

"Hi babe. Sorry I'm late. Ang tagal kasing matapos ni ma'am eh", Mich sabay halik sakin sa labi.

Nandito kami sa open ground ng University. Magkakasama kaming tumatambay dito nina Vance at Shiela nung dumating si Mich na girlfriend ko.

"No it's okay babe", sabay ngiti ko sa kanya. Napangiti naman siya nangtuluyan halatang nangamba siyang magagalit ako sa kanya dahil sa pagkalate niya pero hindi naman ako ganun.

"Thanks babe"

"Ay bro nakalimutan ko pala yung binili namin ni Shie sa may cafe", saad ni Vance saka tumayo at tumakbo papuntang kotse niya.

Nangmakabalik siya ay may dala-dala na siyang mga cookies. Bigla namang namilog ang mata ko dahil sa tuwa.

"Paborito yan ni Ave", wala sa huwisyo kong sabi. Bigla naman silang natigilan sa sinabi ko.

Kahit ako ay natigilan din. Hindi ko namalayang siya agad ang pumasok sa isip ko.

Hindi lang dun nagtapos ang mga ganung kaganapan. Kahit saan kaming magpunta, kasama man namin siya o hindi ay palagi ko siyang naaalala at nasasambit.

Alam ko sa sarili kong may iba na akong nararamdaman kay Avery pero alam kong mali ito dahil kapatid siya ng best friend ko at may girlfriend na ako.

Naitago ko naman ito sa kanila pero hindi kay Mich. Ang lakas ng pakiramdam niya paano ba naman kasi kahit nag nasa date kami ay bukang bibig ko si Avery.

Yun din nga ang naging dahilan kung bakit kami nag hiwalay pero imbis na masaktan ay konsensiya lamang ang naramdaman ko. Alam kong unfair yun sa kanya dahil mahal niya ako pero hindi ko mapigilan.

Nagmakaawa naman ako sa kanya na wag sasabihin kahit kanino lalo na kay Avery. Ayaw kong may magbago sa pagsasamahan namin. Tatanggapin ko kung habang buhay kaming magkaibigan pero hindi ko masisikmura kung iwasan niya ako.

Laking pasasalamat ko naman nung sinabi ni Mich na parang kapatid na ang turing niya kay Ave hindi niya daw sasabihin.

Simula nun ay umalis si Mich at sa Manila na lang nag aral. Hindi ko naman masabi sa mga kaibigan ko ang totoong nangyari. Buti na lamang ay naniwala na sila nung sinabi kong gusto ni Mich mag aral sa Manila at ayaw namin ng long distance.

Mula din nun ay mas lalo kaming naging close ni Ave kahit panay ang pagsusungit niya sakin. Mas lalo naman akong nahuhulog sa kanya. Pigilan ko man ay wala na akong magawa.

Ganun na lamang ang gulat ko nung sabihin sakin ni Vance na alam niyang may gusto ako sa kapatid niya. Akala ko nga ay magagalit siya pero pinagkatiwalaan niya lang ako sa kapatid niya.

"Dun na lang kaya siya makituloy sa condo mo? Mas panatag ako na nasa mabuti siyang kalagayan. Tsaka dadalawin ko naman siya pag hindi ako busy sa opisina."

"Okay?? Sure ka ba bro? Kami lang dalawa sa condo ko, see?", duda kung tugon.

"And so?... Bro, tiwala ako sayo at pagnapatino mo yung batang yun habang nasa poder mo payag na akong maging girlfriend mo ang kapatid ko.", sabay taas baba niya ng kanyand dalawang kilay sakin habbang naka ngiting nakakaloko.

"The fuck bro!!! How did you know?", gulat kong tanong sa kanya.

"Hahahaha. Don't fool me bro. I see your look at her. The way I look Shiela", tugon niya.

Naalala ko pa lahat ng mga napag usapan namin ni Vance. Mula nang araw na yun ay sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para umibig siya sakin.

Ngunit sakit lamang ang idinulot samin nun. Ayaw ko siyang iwan pero kinailangan ko para hindi kami mas lalong masira. Kahit na mahal na mahal ko siya ay umalis ako para sa kanya.

Pero kahit nasa malayo ako ay sinisigurado ko paring hindi siya mag iisa. Kaya tinawagan ko nun si Chloe na samahan siya sa condo. Hindi naman ito mahirap pakiusap dahil nag aalala din siya kay Ave baka basagin daw lahat ng gamit ko sa condo. Natawa na lamang nga ako nun at naging payapa ang isipan dahil alam kong hindi talaga siya pababayaan nito.

Nung bumalik ako ay hindi na ako nagpakatorpe ulit. Sobra din ang tuwa ko dahil mahal niya din pala ako at pinipigilan niya lang ang sarili niyang mahalin ako dahil sa pagiging mag best friend namin ni Vance.

Ngunit nung maging kami ay lahat ginawa ko para maging maligaya siya. Alam ko din nung maging malungkot siya dahil sa pag aakala niya na ayaw ko magpakasal sa kanya.

Ganun na lamang ang pagpipigil kong sabihin sa kanya ang totoo pero ayaw ko namang masira ang mga surpresa ko sa kanya.

Kaya nung maayos ko na lahat ng kailangan kong gawin ay hindi na ako nagpapigil at sinugarado ko nang mabubuntis siya. Alam ko namang alam niya na sinasadya kong ipasok lahat sa kanya.

Kahit nga nung tinanong niya na ako ay nagmaangmaangan ako pero hindi na nagtagumpay.

Ngayon ay nakita ko na ang resulta sa lahat ng mga ginawa ko nun. Masaya na kaming ikinasal ni Ave at biniyayaan na kami ng anak. Mamahalin ko silang dalawa ni Flynn sa abo't ng makakaya ko.

Mamahalin ko sila hanggang sa huling hininga ko.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now