Chapter 30 - Cared

22 1 0
                                    

Hinahatid ako ni Noah sa school araw-araw bago siya pumasok sa trabaho. Kahit na nga walking distance lang naman ito.

Boyfriend duty daw.. He's so sweet you know hihihi

Sinabi na din namin kay kuya na nagpapanggap lamang kami ni Noah.

Hindi ko nga marinig ang pinag uusapan nila sa garden  namin nung umuwi kami sa Malilipot eh. Pero base sa mukha ni kuya ay para itong galit kay Noah.

Kalaunan din naman ay maayos niyang natanggap ang sitwasyon namin.

Hindi ko din mapaniwala si Chloe na totoong magkarelasyon kami ni Noah kasi daw masyadong imposible.

Kaya ayun, nasabi ko na din ang totoo sa kanya. Sa  tagal ba naman naming naging magkaibigan.

Pero ang mga friends namin sa school ay ang alam nila ay totoong magkarelasyon kami ni Noah.

Napapansin ko nga din si Marcus na umiiwas na sa akin matapos malaman niyang may boyfriend na ako.

Hindi ko naman siya mapigil kasi baka magalit si Noah pag nalaman niyang masyado akong  naapektuhan sa paglayo ni Marcus.

Sa ikli naman kasi ng pagkakaibigan namin ni Marcus ay naging malapit na talaga siya sakin.

Nag d-date din kami ni Noah pag maaga siyang natatapos sa trabaho niya.

Tuwang tuwa  nga sina tita at tito nung nalaman nilang kami na ni Noah eh.

Every Friday night din kaming lumalabas ni Chloe para makapag bar na hindi kasama si Noah.

Kailangan siyang hindi sumama kasi yun ang usapan namin.

Medyo nga nakakalungkot kasi hindi sumasama samin si Marcus mag bar eh.

Kaya hindi ako masyadong pumupuntang dance floor.

Hindi naman kasi ako pinipilit nina Chloe na sumayaw baka daw kasi nasa paligid lang si Noah at malintikan pa kami. Haha

Pagkatapos namin mag bar ay hinatid na ako ni Chloe sa building ng condo ni Noah.

Pasado ala una na rin kasi at medyo tipsy na ako.

Buti na nga lang at hindi na ako natutulog dun sa kuwarto ni Noah.

Hindi kasi ako dun makatulog masyado eh. Kasi nakakailang na makatabi si Noah.

Pagbukas ko ng ilaw sa unit ay nakaupo si Noah sa sofa at menamasahe ang kanyang noo.

"I thought your going to sleep on that bar", saad ni Noah ng pasarkastiko.

"Sino naman nagsabi sayo?"

"I just figure it out. You know what's time is it baby? It's past 1 already"

"Yeah I know. Matulog ka na nga. Daig mo pa ang kuya ko sa panenermon eh"

"I'm just worried baby... beacuse I cared for you", sagot niya sakin. Tumayo siya sa sofa at naglakad palapit sakin.

Nang makalapit siya ay niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan ang pisngi ko.

Hindi pa rin ako sanay na masyadon affectionate si Noah sakin. Kahit na nga ilang buwan na ang set up namin.

Pakiramdam ko eh araw-araw kaming bago. Nakakatakot na masarap sa pakiramdam ang ginagawa ni Noah sakin.

"I love you baby", bulong niya sa tenga ko. Hindi naman ako nakapagsalita kasi hindi ko alam kung sasabihin ko.

Salamat na lamang ako at hinahayaan niya na lamang akong hindi magsalita kapag sinasabihan niya ako nun.

"Are you okay baby? You want to sleep now?", tanong niya sakin pagkatapos ng ilang segundong walang imikan.

"Must be. Inaantok na kasi ako eh", sabi ko sa kanya. Binitawan niya naman ako at niyaya nang umakyat papuntang kuwarto.

Hinatid niya muna ako sa kuwarto ko at hinalikan sa labi bago siya pumasok sa sarili niyang kuwarto.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay hinubad ko ang suot kong damit at pumasok sa CR para makapag hot bath bago matulog.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now