Chapter 36 - Gift

22 2 0
                                    

"Congratulations graduates", sigaw ni Ma'am Chavez ang directress namin.

Tuwang tuwang nagsisigawan naman kaming lahat dahil sa kagalakan. Finally after 5 years of sacrifice ay graduate na kami.

Another challenges na naman ang kakaharapin naming lahat. Pero handa kaming yakapin ito ng buong puso at magkakasama.

Niyaya naman kaming lahat ni tita ang mommy ni Noah na doon magsalo salo sa hotel nila. Buong puso naman din namin iyong pinaunlakan.

Hindi nga lang makakasama ang iba dahil sa meron din silang kanya kanyang handaan sa bahay nila.

Niyakap naman ako ng mahigpit nina tita and tito nung makarating kami sa hotel nila. "We're so proud of you Ave. Hindi lang maganda with brains pa. Akalain mong magiging Magna ka pa", turan ni tita na merong proud na tingin sa akin.

"Thank you tita sa compliments pero nakakahiya naman", saad ko sa  kanya na may nahihiyang tono.

"Bat ka naman nahihiya eh diserve mo naman lahat ng nakuha mo eh. Alam ko naman na magaling ka. Kung nandito lang si Noah eh alam kong pareho kami ng sasabihin", sabay ngiti ni tita sakin.

Bigla naman akong nalungkot nang mabanggit niya sakin si Noah.

Noah.

Hanggang ngayon eh hindi pa din siya umuuwi. Sabi naman nina tita at tito eh tapos na ang training nito dun. Eh ano pa ang ginagawa niya sa ibang bansa kung ganun?

Ayaw niya na siguro akong makita pa. Siguro masyado siyang nasaktan sa mga nasabi ko sa kanya.

Nasaktan din naman ako Noah. Miss na miss na kita.

"Speaking of Noah", bigland saad ni tita. Nabuhayan naman ang loob ko sa sinabi ni tita. Nakauwi na ba si Noah.

Hindi maalis ang ngiti ko habang tinitignan si tita na may ngiti din sa akin. "What's about Noah tita?"

"Hon pakikuha nga yun?", baling ni tita kay tito na nakaupo na. Tumayo naman si tito at inabot kay tita ang may pa rectangular box na may ribbon sa gitna.

"Here", balik sakin ng atensyon ni tita. Inabot niya sakin ang box. "It's a gift from Noah, Ave. He said sorry that he can't make to come to your graduation but he makes sure that he have a gift for you. He ask me for regards"

Nalungkot naman ako dahil akala ko ay nakauwi na siya. Nginitian ko naman si tita, tinatago ang totoong nararamdaman. "Thank you tita"

"Don't thank me hija. Thank him", saad ni tita sakin na may ngiti.

Hindi ko naman malaman kung anong sasabihin ko kay tita. Instead na sumagot ay nginitian ko na lamang siya.

Pagkatapos nun ay kumain na kami. Nagsaya kami, nagsayawan, nagkantahan. Super thankful nga kami kina tita at tito dahil pinasara nila muna ang restaurant dito sa hotel para sa celebration ng graduation namin.

Lahat kami ay nagtapos ng Cumlaude. Ako nga lang ang nakapagtapos ng Magna pero kahit ganun eh sobrang saya pa din namin lahat.

Pumunta nga din yung iba naming kaibigan na umuwi eh. Gusto din kasi daw nilang magcelebrate kasama namin. Pinayagan naman sila ng mga parents nila kasi alam naman nila na maayos ang pupuntahan ng mga anak nila.

Mag uumaga na nung matapos kami sa pag celebrate. Sina tita at tito naman ay natulog na. Si kuya at ate shiela din ay natulog na dahil may work pa sila bukas. Kaya maaga silang babyahe bukas.

Nakahanda na din ang mga tutuluyang kuwarto naming magkakaibigan. Sama sama kaming lahat na girls at sama sama din ang mga boys.

Sobrang pagod namin nung makapasok kami sa kuwarto namin. Wala na kaming panahon para mamangha sa ganda ng suite na tutulugan namin dahil sa pagod.

Lahat kami ay bagsak ng makahiga kami sa kama. Ang saya ko kahit nalungkot pa din kasi wala si Noah.

Nang umaga ay nag almusal na muna kaming lahat bago umuwi sa kanya kanyang tahanan.

Umuwi din si Chloe kasi hinahanap na siya ng parents niya. Mag ttravel daw kasi sila. Buti pa siya. Charr. Magttravel din naman kami nina kuya at ate shiela hindi nga lang ngayon. Sa katapusan pa kasi tatapusin daw muna nila ang gagawin nila bago mag leave.

Nang makauwi ako sa condo ay umupo ako sa sofa para buksan ang regalo ni Noah para sakin.

Avery.

Kuwintas ito at ang pendant ay pangalan ko. Na touch naman ako kasi alam kong pinasadya pa ito ni Noah.

I miss you Noah.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now