Chapter 37 - Passed

21 1 0
                                    

Dumating ang araw ng pagtravel namin nina kuya sa South Korea. Timing nga at malapit na mag summer. Kaya naabotan namin ang magagandang cherry blossoms sa paligid.

Kung saan saan kami pumupunta. Kumakain at ng picture taking. Halos mapuno na nga ang storage ng camera namin dahil sa dami naming pictures na kinuha eh.

Sulit naman lahat at kaming tatlo ay nakapagrelax at nag enjoy sa bakasyon.

Umiyak nga ako nun dahil sa galak nung nandun kami sa gitna ng cherry blossoms. Bigla ba naman kasing magpropose si kuya kay ate shiela. Tuwang tuwa din nga si ate habang umiiyak eh.

I'm so happy for them. Deserve nila ang isa't isa. Nang araw ding yun ay tinawagan ni kuya si Noah sa Skype at binalita dito na tinanggap ni ate Shiela ang proposal niya.

Masaya naman si Noah para sa kanila. Finally daw eh natupad na ang isang pangarap ni kuya at ito yung mapangasawa si ate Shiela.

Wala naman akong imik sa isang tabi nun. Namamangha sa itsura niya kapag hindi siya napapasulyap sa gawi ko. Gumwapo kasi siya ng sobra. Yung ngiti niya ay nakakapanghina na. Yung mga mata niya ay nakakapang akit.

Natuwa din siya nung makita niyag suot suot ko ang kuwintas na regalo niya sakin nung graduation. He also congratulates me sa pagiging Magna. I said thank you to him. Nahihiya kasi ako sa kanya. Parang bigla siyang nag iba.

Casual na nga lang siya sakin eh. Siguro nakamove on na siya sakin. Hindi niya na ba ako mahal. Miss ko na yung Noah ko.

Ko? Haha. Inaangkin talaga. Pero hindi nawala yung lungkot ko dahil sa dun.

After a week ay umuwi na kami sa Pinas. Mag sstart na din kasi ang review namin at kailangan na naming umuwi.

Magpapakasal daw nga sila kuya pagkatapos daw malaman ang resulta ng board exam ko. Hindi pa nga nag sisimula ang review at exam eh results agad ang iniisip ni kuya. Psh.

Pero na touch ako kay kuya kasi kahit papaano ay hindi niya talaga ako pinapabayaan. And ate Shiela are okay with that. Gusto din kasi daw ni ate Shiela na maachieve ko muna yun bago mag settle down si Kuya sa pag papamilya.

I love them both talaga. Napaka supportive nila pareho sakin. At hindi ako nagsisi na siya ang naging kuya ko at si ate Shiela ang mapapangasawa ni kuya.

After a long months of reviewing and exams heto kaming tatlo nina kuya at ate Shiela sa bahay para malaman ang results ng board exam ko.

Umuwi na ako dito sa Malilipot after ng exams namin. Nag part time job na nga din ako sa company namin para mag training.

"Woooaaahhh", biglang sigaw ni kuya. Hindi ko naman siya masyadong nagets. Siya kasi ang nasa harap ng monitor ng computer namin. Kaya hindi ko makita masyado yung screen. Bukod sa nakatayo ako eh sinadya niyang ilapit ang mukha sa monitor. Ayaw niya daw kasing magkamali. Hayss

"Bat ka ba sumisigaw kuya?", iritable kong turan sa kanya nung hindi siya tumitigil sa pag sigaw habang ang mukha ay halos makadikit na sa monitor.

"Congrats sweetie. You passed", tuwang tuwa paring sagot ni kuya sakin.

Bigla naman akong natigilan at tinulak si kuya sa upuan para mahulog siya dito. Humingi naman ako sa kanya ng paumanhin at nginitian niya na lamang ako habang inalalayan siya ni ate Shiela sa pagtayo.

Tinignan ko naman yung monitor at tama nga si kuya nakapasa ako. Woooaahhh.

"Nakapasa ako kuya", tuwang tuwa kong sabi. Niyakap naman ako ng dalawa at ngtatatalon kami sa tuwa.

"Finally makakapag prepare na kami ng wedding namin", turan ni kuya.

"Don't worry kuya. I'll help you both sa preparations"

"Thank you", sabay na sabi ng dalawa at nagyakapan ulit kami.

Tinawagan naman ako ni Marcus that day para icongratulate. Nakapasa din siya sa board exam. At lahat kami ay nakapasa.

Napag planohan nga naming mag celebrate lahat. Sabi naman nila na dito naman daw sa Malilipot kami mag celebrate. Pinaunlakan ko naman ang kahilingan nila.

Dadalhin ko sila sa isa sa mga dinadayo dito sa probinsya namin.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now