CHAPTER 85

317 12 4
                                    

Living with 7 Jerks

CHAPTER 85

AMBER ROSS POV

Natapos na kaming kumain ng lunch hindi parin bumabalik si Brent. Ilang minuto pa namin siyang hinintay pero hindi na ito bumalik. Kaya naman napagpasyahan nalang namin na bilhan siya ng makakain bago kami umalis ng cafeteria.

Anim nalang kami ngayong naglalakad dahil wala si Brent at nagsibalik na ng classroom yung iba.

"Mukhang bunudol nanaman ako ni Brent! Makakatikim talaga sa akin ang isang yon pag hindi niya ako binayaran! Halos maubos ang dala kong cash ng dahil sa dami ng kinain nila! Nakakaloka!" reklamo pa rin ni Eunice.

Halos maiyak kasi ito kanina sa dami ng kunain ng mga mokong. Dahil nga libre kaya sinulit nila.

"Hayaan mona yon. Babayaran ka rin ni Brent" sagot ko sa kanya

"Dapat lang kasi kung hindi dahil sa kanya hindi mauubos yung laman ng wallet ko" nakataas ang kilay na sabi nito sa akin.

"Alam niyo ano naman kaya ang dahilan ni Brent para hindi bumalik?" tanong ko.

Napaisip kasi ako na baka may nangyari na sa loko. Pero hindi naman siguro. Pwede din naman kasi na sumakit ng tiyan nito, pero hindi eh. Ang alam ko nagugutom na ito? Kaya alam kong hindi yon makakatiis sa pagkain. Kaya naman nagtataka ako kung bakit hindi na nakabalik si Brent.

"Wag kayong mag-alala baka may ginawa lang yung tao" si Marco na ang sumagot.

"Tama si Marco alam niyo naman yon, mawawala lang yon pag may ginawang importante kaya chill lang kayo" paliwanag ni Irene.

Sabagay kung siya nga hindi nag-aalala kami pa kaya? Mas kilala naman niya yung tao kaysa sa akin kami hindi ko na muna iisipin si Brent.

Nangmakarating kami sa room humiwalay na kaagad sa amin si Tobby dahil may klase din ito. Pagpasok namin napansin kong wala pa rin si Sapphire pero si Freyanca nandito. Ano na kayang nangyari don? I'm sure na magkasama si Kendric at Sapphire ngayon.

Mag-uumpisa na ang klase wala parin sila? Bilib din talaga ako sa mga yon. Malakas kasi ang kapit sa school kaya pwede nilang gawin ang ano man ang gusto nila.

Habang hinihintay ang prof namin tumingin ako sa bintana para tignan ang mga tao sa baba. Pero laking gulat ko ng wala akong makita ni isang anino ng tao. Nakakapagtaka lang dahil alam ko sa mga oras na ito may mga pagala gala pang mga students at meron ding mga nakatambay. Pero ngayon wala kang makikitang tao.

Mukhang nasa loob sila ng classroom ngayon ah. Dahil walang tao sa labas ibinaling ko nalang ang paningin ko sa loob ng room. Habang nililibot ko ang paningin ko nahagip ng mata ko si Marco na natutulog. Kahit kaylan talaga hindi siya pwedeng hindi matulog sa loob ng room.

Balak ko sana siyang gisingin kaya lang nahagip naman ng mata ko ang papadaan na si Kendric. Dire-diretso lang ito na para bang walang pakialam sa mundo. Mukhang babalik na ito sa room nila.

Ano kayang nangyari don? Nagkaayos na kaya sila ni Sapphire? Teka nga bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Bahala sila sa buhay nila hindi ko dapat naiisip ang bagay na iyon dahil wala na akong pakialam sa kanila at sa kanya. Sariling buhay ko nalang ang pakikialaman ko.

Nilapitan kona si Marco para gisingin ito.

"Marco" tawag ko sa kanya pero hindi ito natinag.

Kahit kailan talaga tulog mantika ang isang to. Naaalala ko tuloy nung unang beses ko siyang gisingin haha nakakatawa pa ang pangyayaring yon.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now