CHAPTER 3

682 24 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 3

AMBER ROSS POV

Pagpasok ko ng kwarto natulala ako ng makita ang ayos nito! Pakshet bakit ganito kagulo to? Wala manlang naglinis? Konti nalang pamumugaran na to ng mga multo ah. Pano ba naman sobrang gulo nito wala sa ayos ang mga gamit at puno ng alikabok, puta pano ako napunta sa sitwasyon na'to?

" I HATE YOU MOMMY" sigaw ko sa sobrang inis! Bwiset hindi manlang talaga nila nilinis ang kwarto, kahit alam naman nilang mag magrerent na dito. Napaka sasama nila sakin huhuhu

Napa salampak ako sa sahig sa sobrang panlulumo pano ko naman sisimulang linisin ang kwartong ito? Baka bukas pa ako matapos dito ah nakakainis talaga! Pero walang mangyayari sakin kung tititigan ko lang ang kwartong to. Tama Amber kailangan mo ng magsimulang maglinis para sa ekonomiya pagpapalakas ng loob ko kahit sa totoo lang gusto ko ng sumuko.

Makikita nila, hindi nila ako mapapaalis sa bahay na to. "Haysss mukhang mapapalaban ata ako ngayon ah" sabi ko sa sarili habang tinitingnan kung saan ako mag uumpisang maglinis. Pero syempre bago ako maglinis kailangan ko munang magpalit ng damit. Binuksan ko ang maleta ko at kumuha ang over size na T-shirt at short kumuha na din ako ng ponytail para ipang tali ng mahaba kong buhok. Ilang minuto pa bago ako matapos magpalit ng damit sa cr pero infairness naman sa cr malinis at walang alikabok pwede na nga akong matulog don haha. Lumabas na ako ng cr at inilagay muna sa isang tabi ang maleta.

"This is it fighting Amber kayo mo yan!" pagpapalakas ng loob ko

Sinimulan ko ng tanggalin ang mga puting tela na nakabalot sa mga gamit

" Shit nalanghap ko yung alikabok (insert: cough cough syensya hindi ko alam kung pano umubo haha)

Napatakip ako ng ilong. Hindi ka ba naman tanga amber alam mo namang may alikabok hindi mo manalang nakuhang magtakip ng ilong bobita ka talaga amber kahit kaylan.!

Out of nowhere naalala ko na kailangan ko ng gamit pang linis, Hindi naman ako pwedeng maglinis kung wala akong gagamitin diba? tama naman ako haha.

Pero teka saan naman ako kukuha ng gamit panglinis? Baka sa botika o sa vulcanising shop meron non Amber. Syempre magtanong ka sa kanila kung meron ba silang walis,basahan pero malamang meron sila non sa bahay posible namang wala.

Tama ka dyan self, kahit labag sa kalooban ko lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala para magtanong sa kanila.

Pagbaba ko ng hagdan nakita ko sila na sitting pretty na naka upo sa sofa, wow ha wala manlang talaga silang pakialam sakin mga walang puso.

" Ehem" pag kuha ko ng atensyon nila

" May kailangan ka? " tanong ng abnormal na si Brent

" Ay wala wala trip ko lang mag ehem sa harapan nyo" may pagka sarcastic kong sabi. Pogi sana tatanga tanga lang.

" tssk ano nga?" inis na tanong nya sakin

Tingnan mo pikon naman pala ang mokong hahaha " itatanong kolang sana kung may gamit kayong pang linis kasi sobrang DUMI NG KWARTO" may diin talaga ang pagkakasabi ko ng dumi ng kwarto para naman makonsensya manlang sila kahit konti lang.

Pero mukhang wala naman silang konsensya kasi nakuha pa nilang ngumisi, pero yung isa nakasimangot lang wala talagang kwento tong si adonis pinaglihi ba sya sa sama ng loob ng nanay nya? I wonder kung oo haha

" Nandon sa kusina lahat ng hinahanap ko dun sa dulo may pintuan don buksan mo at makikita mo ang hinahanap mo" sabi ni Tobby habang naka ngiti buti pa talaga sya kahit papano mabait.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now