CHAPTER 32

452 22 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 32

KENDRIC POV

Nang marinig ko ang sinabi ni irene na nasa hospital daw si ross dali dali akong pumunta don para makita kung anong nangyari sa kanya maayos naman sya kaninang umaga ah tapos ngayon nasa hospital na sya ano nanaman kayang ginawang katangahan ng babaeng yon.

Sumakay na agad ako ng taxi at pumunta sa zamora hospital na pagmamay ari nila jackson yun lang naman kasi ang malapit na hospital mula sa bahay. Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating ako sa hospital pero shit hindi ko alam kung anong room si ross.

Nakita ko naman si kuya jack ang doctor na kapatid ni jackson. Mabait ito at suportado nya ang kapatid nya isa din si kuya jack sa mga taong tumutulong samin isang takbo mo lang sa kanya hindi sya magdadalawang isip na tulungan ka. Tatawagin kona sana sya ng maunahan nya ako.

"Kendric" tawag nya sakin habang naka ngiti lumapit naman ako sa kanya at ngumiti din.

"Kuya jack" sabi ko s kanya.

"Bakit ka nandito" tanong nya sakin habang nakahawak sa balikat ko.

"May dadalawin lang kuya" sabi ko sa kanya.

"Oh dadalawin mo si tobby nasa room 408 sya" sabi sakin ni kuya nagtaka naman ako kung bakit nandito si tobby tsaka anong nangyari sa kanya.

"Ah oo Kuya dadalawin ko sana sya" palusot ko kay kuya jack.

"Gusto mo samahan na kita papunta don" alok na tanong sakin ni kuya jack pero tumanggi na ako dahil makakaabala pa ako sa kanya mukha kasing padaming pasyente ngayon.

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 6th floor kasi nandon ang 408 madami akong nakasabay na mga nurse na pinag uusapan ako kesyo ang gwapo ko daw may girlfriend na daw ba ako o asawa pero hindi ko nalang sila pinansin ng makarating na ako sa 6th floor agad ko namang hinanap ang room ni tobby. Ilang minuto pa ang lumipas at nakita ko din ang kwarto ni tobby.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at dahan dahan ding pumasok pero nagulat ako sa nadatnan ko nakita ko si tobby at ross na magka holding hands.

Tsk nagmamadali pa naman akong pumunta dito tapos ganito pala ang madadatnan ko sana pala pumasok nalang ako. Akmang lalabas na sana ako ng biglang pumasok ang mommy ni ross na may sapak sa utak.

"Oh nandyan kana pala ijo" sabi sakin ng mommy ni ross tiningnan ko lang sya at hindi sumagot.

"Ano bingi lang hindi mo narinig ang tanong ko" pabirong sabi nya sakin. Obvious naman na nandito na ako diba bakit kailangang itanong pa nya.

"Sabi ng doctor okay na daw si tobby pero kailangan nya daw mag stay dito ng 3 days pero wag na daw tayong mag alala" pagpapaliwanag nya ng lagay ni tobby.

"I'm not interested to him" walang pakialam na sabi ko sa mommy ni ross natawa naman sya ng konti sa sagot.

"Talaga so kaya ka nandito eh para sa anak ko diba kasi sabi mo hindi ka interesado kay tobby" ngiting asong sabi nya sakin as if naman din na maypakialam ako sa anak nyang tanga.

"Wala ho akong pakialam sa anak nyong tatanga tanga" sabi ko ulit sa kanya

"Aysus kendric deny pa" naka ngiting sabi ulit nya habang inaayos ang mga pagkain na dala nya. Tsk hindi na ako nagsalita at naupo na lang sa sofa.

Ginising naman nya ang anak nya para makapag palit ng damit nakita ko naman na napakadami nyang sugat siraulo talaga nasa hospital na sya hindi pa nya pinagamot ang mga ito nasan ba ang utak ng babaeng to nasa talampakan parang hindi kasi gumagana.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now