CONTINUATION

506 24 11
                                    

CONTINUATION

PAGEANT KEMERUT!!!

AMBER ROSS POV

Nataranta naman na si Madona at hindi nya alam kung anong gagawin. Ako din naman natataranta na din dahil kung kaylan huli na tapos mawawala pa yung gown!

"Paanong mawawala yung gown? Ako mismo ang naglagay dyan kanina!" Naiiyak na sabi ni Madona.

"It's okay, wag ka ng mag worry" sabi ni Marco.

"Try na' ting hanapin walang magagawa ang pagtunga-nga natin" sabi ko sabay iwan sa kanila.

Kailangan naming hanapin ang gown na yon. Yun nalang ang pag-asa namin. Pumayag na nga kami sa nangyari kanina pero iba na ang usapan ngayon!

Sumunod naman si Marco sa akin at tinulungan akong maghanap. Napansin naman ng iba ang ginawa namin kaya tinanong nila kami.

"Anong hinahanap nyo?" Tanong nung bakla.

"Ah nawawala kasi yung gown ko, kailangan naming hanapin" sagot ko sa kanya.

"Oh gosh! mahirap yan? You need help?" Tanong nito sa amin.

"No need-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng utusan nya ang mga kasama nya tulungan kaming maghanap.

Lumabas naman si Madona para ibalita sa pamilya at kaibigan ko ang nangyari. Napansin ko naman na naka tingin sa amin si Freyanca at Sapphire, hindi ko nalang ito pinansin dahil mas importante ang gown kaysa sa kanila.

"Do you think makikita natin yung gown?" Tanong ko kay Marco na kasalukuyang naghahanap.

"I don't think so? Mukhang plano na ang lahat" seryosong sabi nito.

Tama sya planado nga ang lahat. Una yung talent tapos ngayon yung gown naman? Ano pang susunod mamaya?

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa' rin namin mahanap ang gown.

"Suko na ako" sabi ko sabay salampak sa sahig.

Lumapit naman sa akin si Marco at tinignan ako.

"Yun na yon? Hindi ka manlang lalaban? Hahayaan mo nalang sila na pagtawanan ka?" Sarcasm na sabi nito sa akin.

"Bakit pa ako lalaban kung patuloy lang din nila akong pababagsakin?" Walang gana kong sagot.

"You know what I thought that you are stronger than me, but I think I'm wrong" sabi nito bago nya ako iwan.

Hindi ko' na alam ang gagawin ko! Dahil parang kahit anong gawin ko gagawa parin sila ng paraan para pabagsakin ako? Napaka liit na bagay lang ng pageant na ito pero parang ang laking bagay na nito para sa kanila? Tumayo na ako sa pagkakaupo at akmang susugurin ko' na sana sila ng biglang pumasok si Madona kasama si Mommy at Ate Mandy.

"Anong ginawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila ng makalapit ang mga ito sa akin.

"Basta, bumalik ka nalang don sa pwesto na' tin at kami na ang bahala dito" utos sa akin ni Madona bago nya ako pagtulakan pabalik.

Nagtaka naman ako dahil sa biglaang pagpunta sila Mommy dito. Napansin ko namang nag-uusap silang tatlo. Malayo sila sa akin kaya hindi ko marinig kung ano mang pinag-uusapan nila.

Nagulat naman kaming lahat ng biglang pumasok si Brent at ang iba pa at nagsisigawa ang mga ito. Kaya naman napatayo ako bigla sa pagsulpot nila.

"We found it!" Malakas na sigaw ni Brent sabay taas ng gown ko.

Tama kayo ng pagkabasa gown ko nga ang hawak ni  Brent and guess what punong-puno ito ng dumi kaya nag-iba na din ang kulay nito.

Lumapit naman kaagad ako sa kinaroroonan nila at inagaw ang gown na dapat ay isusuot ko. Maluha-luha ako ng mahawakan ko ito. Iba na ang amoy nito dahil sa samu't saring nakalagay sa gown ko.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now