CHAPTER 73

363 16 6
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 73

AMBER ROSS POV

Nanatili kami sa arcade dahil ayokong masira ang araw nila ng dahil lang sa akin. Ayaw sana nilang magsaya habang nagsasaktan ako, pero ako na ang nagsabi sa kanila na okay lang ako. Ayoko naman na madamay pa sila sa problema ko, dinamayan na nga nila ako sa lahat ng bagay pati ba naman dito? Gusto ko maging masaya sila kahit wala ako.

"Okay kana ba?" Tanong ni Tobby sa akin.

Hindi sumama si Tobby sa kanila dahil babatayan nya daw ako, gusto ko sanang tumanggi pero mapilit sya kaya pumayag nalang ako. Sabi nya kasi kahit naman kasama nya ang iba nag-aalala parin sya sa kalagayan ko kaya naman mas pinili nalang nyang manatili sa tabi ko.

"Okay naman na ako kahit papaano" sagot ko sa kanya.

Nakadantay ang ulo sa balikat nya para daw makatulog ako. Pero paano naman kasi ako makakatulog kung napaka raming gumugulo sa isip ko.

"Hindi kaba nagugutom?" Tanong nya sa akin.

Umiling lang ako bilang sagot dahil wala akong nararamdaman na gutom, dahil ang nararamdaman ko lang ngayon ay sakit.

"Bumalik naba si Irene at Stella?" Tanong ko kay Tobby.

"Not yet" sagot naman nito.

Pasaway talaga ang dalawa na yon. Sinugod kasi nila ang admin ng site na nagpost ng picture namin ni Kendric kaya naman pinuntahan nila yon para ipabura ang post. Kami pala nila Kendric at Sapphire ang pinag-uusapan sa post kaya pala pamilyar ang story.

"Tobby may tanong ako sayo?" Seryoso kong tanong sa kanya pero hindi ko sya tinitignan.

"Ano yon?" Nagtataka nyang tanong.

"Do you think totoo lahat ng sinabi nya?" Kumunot naman ang noo ni Tobby sa tanong ko, alam nya kung sino ang tinutukoy ko.

"I really don't know, kung may tao mang nakakaalam ng katotohan dito ikaw yon" sabi ni Tobby habang nakatingin sa akin, "Ikaw at si Kendric lang ang makakasagot ng katanungan mo" dugtong pa nito.

Paano ko ba malalaman kung totoo ang sinabi nya sa akin? Hayss ang hirap ng ganito. Nanggigilid nanaman ang luha ko kaya tumingala ako, nanlaki naman ang mata ko ng muntik ko ng mahalikan si Tobby dahil hanggang ngayon pala nakatitig pa ito sa akin.

"Sorry" sabi ko sabay yuko. Ginulo naman nito ang buhok ko at hindi na nagsalita.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng makatulog ako sa balikat ni Tobby at hindi kona alam kung ano ang nangyari.

SOMEONE POV

Naglalakad pabalik sa arcade ng mapansin ko si Kendric na nasa loob ng karaoke bar at may kasamang babae. Naningkit ang mga mata ko ng makita kong niyakap ng babae sj Kendric.

Maglalakad na sana ako papalapit sa kanila ng may lumapit na dalawang babae sa pinto kaya naman nagtago ako para hindi nila ako makita.

"What the hell is that?" Mahinang tanong ko sa sarili dahil kinakatok ng dalawang babae ang pinto, halata sa mga mukha nila ang pag-aalala kaya naman imbis na makisali sa kanila pinanood ko nalang sila mula sa kinatatayuan ko.

Mula rito kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano umiyak ang babaeng kausap ni Kendric. I think isa sya sa mga babae nito. Maya-maya pa napaupo ito dahil sa panlalambot ng tuhod.

Tss, kaartehan may paiyak-iyak pang nalalaman akala mo naman maaawa si Kendric sa kanya! How pathetic she is para gawin ang mga bagay na yon! Makaalis na nga lang nauubos ang oras ko sa kaartehan nila. Naglakad na akong muli palayo at bumalik sa washroom dahil ayokong makakita ng ganong eksena.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now