CHAPTER 74

423 23 8
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 74

WARNING RATED SPG (Kids not allowed)

AMBER ROSS POV

Ilang araw ang lumipas ng mangyari ang break up namin ni Kendric. At ilang araw naring naging busy ang anim, madalas sila sa bahay palagi nilang kausap sila Kuya and Daddy sabi nila may ginagawa lang daw silang project pero I wonder kung anong project ang ginagawa nila.

Hindi kona din madalas makausap ang pamilya ko dahil masyado silang busy kaya hindi ko masabi sa kanila ang problema ko. Halos araw-araw kaming dalawa lang ni Irene ang magkasama sa bahay naninibago nga kami sa kinikilos nila Mommy kaya minsan napapaisip nalang kami kung sinasadya ba nila yon o hindi.

"Amber alam mo naba ang balita?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Irene.

Papunta kami ngayon sa canteen kasama si Eunice dahil lunch break naman na. Wala ang mga boys ngayon dahil kasali sila sa darating na sport fest sa university kaya naman pati sa school naging busy sila.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang mga balita dito.

"Babalik na daw si Kendric sa scho-" naputol ang sasabihin ni Irene ng takpan ni Eunice ang bibig nito.

"Napaka dal-dal mo talagang gaga ka!" Puna nito kay Irene bago ito hatakin palayo sa akin.

Nawala kaagad ako sa sarili ng banggitin ni Irene ang pangalan ni Kendric dahil kahit ilang araw palang ang lumipas masakit parin sakin.

Bakit kailangan pa nyang bumalik sa university na ito? Oh great I forgot na sa kanila pala ang school na ito! Napahawak ako sa noo ko ng maalalang magtabi lang pala kami ng room kaya hindi ko maiiwasang hindi sya makita.

Kahit kaylan talaga napaka malas ko! Nag momove on na nga ako kahit papaano pero bakit parang taliwas ang tadhana sa akin! Kainis naman talaga oh!.

"Ano tulaley kana lang dyan Amber?" Narinig kong sabi ni Eunice kaya naman nilingon ko sya at ngumiti ng pilit bago naglakad papalapit sa kaniroroonan nila.

Bago pa ako makalapit sa kanilang dalawa narinig ko pa itong nagtatalo ng dahil sa sinabi kanina ni Irene.

"I told you don't mention it pagkasama natin si Amber! Can you see? Nag momove on na yung tao tapos sasabihin mo yon!" Mataray na sermon ni Eunice kay Irene sabay hatak nito ng mahina sa buhok ni Irene.

"Bakit ba, I want to inform her about Kendric" naka nguso namang sagot ni Irene.

"Gaga ka talaga! Nasan ba ang utak mo nasa talampakan? Kahit kaylan talaga wala ka sa hulog" reklamong muli ni Eunice.

Bago pa man din makasagot si Irene lumapit na ako sa kanila para lang matigil silang dalawa, baka kasi nakakalimutan nila na kasama nila ako.

"Ano magtatalo nalang ba kayong dalawa?" Puna ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin at sabay-sabay na kaming naglakad papuntang canteen.

Nang makarating kami sa canteen pinagtitinginan kami ng mga kapwa namin estudyante na para bang may ginawa kaming masama. Alam ko namang ako ang tinitignan nila nadadamay lang ang mga kaibigan ko dahip palagi ko silang kasama.Sanay na ako sa kanila mula kasi ng kumalat ang balita tungkol sa aming dalawa ni Kendric ganyan na nila ako pagchismisan na para bang ako pa ang may kasalanan ng lahat.

"Konti nalang talaga dudukutin kona ang mga mata't dila nila pag hindi nila tayo tinigilan!" Reklamo ni Irene habang nakikipag laban ng titigan sa mga student na nadadaanan namin.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now