CHAPTER 71

330 21 2
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 71

AMBER ROSS POV

Nagising ako dahil nagriring ang cellphone ko kaya naman bumangon ako at hinanap ang cellphone ko. Nakita ko naman ito agad sa bulsa ng bag ko kaya sinagot ko ito agad at hindi ko manlang tinignan kung sino ang tumawag.

"Hello?" Sambit ko habang nagkakamot ng ulo.

Napansin ko namang nakauniform pa pala ako, hindi manlang ba ako nakapagpalit ng damit kagabi? Katamaran mo talaga Amber tignan mo hindi ka manlang nakapag palit ng pantulog mo.

"Ross" masiglang Tawag nito sa akin.

Hindi naman pamilyar sa akin ang boses nya kaya nagtaka ako kung sino ang kausap ko.

"Sino kaba?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan ko ang oras at pasado alas 5 palang ng umaga nambubulabog na agad tong kausap ko.

"Hala nakalimutan mona agad ako? Nagpunta kalang sya sa manila hindi mona agad ako naalala" natatawang sabi nito.

"Sino kaba kasi?" Walang gana kong tanong sa kanya.

"It's me Patricia" sabi nito, nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang pangalan nya.

"OMG ma'am Pat" masaya kong tawag sa kanya.

"Right" sagot nito.

"Bakit ka napatawag ma'am?" Tanong ko sa kanya.

"Anong Ma'am ka dyan, Ate Pat nalang" Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"O sige ate pat" sagot ko sa kanya, "bakit ka nga pala nandito?" Tanong kong muli sa kanya.

"Nandito kasi ako sa manila, gusto sana kating bisitahin okay lang ba sayo?" Tanong nya sa akin.

"Oo naman ate" masaya kong sagot.

"Kaylan kaba free para mapuntahan kita?" Tanong nito sa akin.

"May pasok kasi ako sa school ate, kung gusto mo dito ka nalang magdinner sa bahay if okay lang sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nako nakakahiya naman dyan sa inyo" nahihiyang sabi nito.

"Ano kaba ate walang nakakahiya don, basta itetext ko nalang sayo yung address para makapunta ka" excited kong sabi.

"Sure ka ha? If ever naman na hindi okay sa ibang lugar nalang tayo mag kita" nahihiya talaga siguro sya.

"Ano kaba ate pwedeng-pwede ka dito sa bahay, basta pumunta ka" sabi ko sa kanya.

"Okay Sige, mamaya nalang matutulog muna ako. Bye Ross see you soon" sabi nito bago maghikab.

"Bye din Ate, sleep well" sagot ko bago nya ibaba ang tawag.

Pagtapos kong makipag-usap kay ate Pat nagtungo na agad ako sa cr at naligo dahil feeling ko sobrang baho ko.

Habang naliligo naalala ko ang nangyari sa kahapon. Hanggang ngayon parin pala hindi parin ako nakakatanggap ng text or kahit na tawag mula kay Kendric. Alam ko talaga nakita nya ako kahapon pero bakit hindi manlang nya ako itext? Ano ba talagang problema nya?

"NAKAKAINISSSSSS!" malakas na sigaw ko wala namang makakarinig sa akin kaya lalo ko pang nilakasan ang pag-sigaw ko, "FUCK YOU KENDRICC!" malakas kong muling sigaw.

Hindi ko mapigilang hindi mainis lalo na kapag naaalala ko ang eksena kahapon, kitang-kita ko talaga kung gaano kasaya si Kendric habang kasama nya si Sapphire.
Gusto kong umiyak ngayon pero pinipigilan ko dahil nasa bahay ako. Tama na muna ang pag-iyak na ginawa ko kahapon.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now