CHAPTER 87

378 15 5
                                    

Living with 7 Jerks

CHAPTER 87

AMBER ROSS POV

Antok na antok ako habang inaayos ang gamit ko, pilit kong nilalabanan ang antok na mula kagabi ko pa nilalabanan. Dahil sa nangyari kagabi hindi na ako nakatulog halos sa sahig na nga lang ako natulog dahil sa problemang iniisip ko.

"Damn it! Damn it! Damn it!" paulit ulit kong bulong because until now I don't know who the fuck is he/she. I don't know kung kaylan ba siya babalik o tatawag para kausapin akong muli? Lalo akong kinakabahan sa pwedeng mangyari kay Brent.

"Shit! Ayokong pumasok! I'm so tired, my mind and also my body!" bulong kong muli sa sarili ko.

Napahiga akong muli kama ko, at tinitigan ang kisame alam kong late na ako pero ayaw talagang makisama ng katawan ko ngayon. Gustong pumasok ng isip ko dahil marami pa akong gagawin lalo na sa pagkawala ni Brent pero ang katawan ko ayaw makisama.

Masyado ko na atang naabuso ang katawan ko dahil sa nangyayari, but I don't have a choice? Kainis naman talaga! Bakit ngayon pa kung kailan nawawala si Brent.

I can't even imagine na nangyayari ang mga bagay na nangyari dati? Hindi naman kaya si Darly ang may gawa ng mga bagay na ito? Pero patay na si Darly I'm sure about that because kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya namatay!

"AHHHHHHHHHHHHHHH FUCKKKKKKKK" malakas na sigaw ko dahilan para puntahan ako nila Mommy.

Habang sumisigaw hindi ko namalayan na nakuha ko na pala ang atensyon ng mga tao sa baba. Kaya naman nagmadali silang nagtungo sa pinto ng kwarto ko, dahilan para mapahinto ako sa pagsigaw.

"Amber, Amber! Are you okay?" tanong ni Mommy mula sa labas ng pinto.

"Amber open the door!" boses ni Kuya Aziel ang narinig ko kaya naman napaupo ako.

"Oh shit!" napasapo ako sa noo ko dahil sa katangahan na ginawa ko.

Bakit ba kasi sumigaw ako? I'm such an idiot!

Tumayo ako at kinuha ang bag ko kahit na pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong pumasok. Naglakad ako papalapit sa pinto at huminga ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

"Mommy, Kuya" ngumiti ako sa kanila pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. "What are you doing here?" tanong ko sa kanila na parang hindi alam ang nangyari.

"Are you out of your mind Amber? Nagsisigaw ka kanina tapos itatanong mo sa amin kung ano ang ginagawa namin dito?" bungad ni Mommy sa akin.

"Sorry for that Mom, nakakita kasi ako ng ipis kanina kaya napasigaw ako" palusot na sabi ko sa kanila.

"You funk!" ani ni Kuya Aziel sa akin bago niya ako pitikin sa noo.

"You scream that loud para sa ipis? My god Amber aatakihin ako sa puso dahil sayo" reklamo ni Mommy sa akin bago niya pingutin ang tenga ko.

"I'm sorry, I didn't-- ARAY KO!!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko diinan ni Mommy ang pagkakahawak niya ng tenga ko.

"Kulang pa yan sa ginawa mo!" reklamo parin nito bago ako hatakin palabas ng kwarto ko.

Nawala ang antok dahil sa ginawa ni Mommy sa akin. At feeling ko matatanggal na rin ang tenga ko.

"Mom stop it, nasasaktan na si Amber" pagtatanggol ni Kuya Aziel sa akin.

"Shut up Aziel! Bibigyan ko lang ng sakit ng katawan tong kapatid mo na pasaway! Look at her? Ang laki-laki ng eye bags? Mukhang walang tulog kaya ayan late ng naka bangon!" puna sa akin ni Mommy napansin niya pala yon.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now