CHAPTER 9

516 22 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 9

AMBER ROSS POV

Kinabukasan araw ng linggo maaga akong gumising para mag luto ng kakainin namin ngayong umaga syempre naghilamos at nag toothbrush muna ako bago bumaba baka mamaya makita nanaman ako ni adonis na may tulo laway mapapahiya naman ako. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

"Ang ganda mo talaga self mukha kang nakulob na utot" haha sabi ko sa sarili ko pero nakikita ba ang utot naamoy lang yon ah hahaha pagtawa ko habang iniisip ang kabaliwan ko

Nang okay na ang lahat umababa na ako para makapag umpisa na akong magluto time check 6:15 in the morning siguro naman wala pang gising sa mga mokong kasi nag movie marathon pa sila kagabi bago matulog. Palapit na ako ng kusina ng may marinig ako nag sasalita.

"Oh shit sunog nanaman" sabi nya pero hindi ko alam kung sino yon. Pagpasok ko sa kusina nagulat ako ng makita si Mr sama ng loob na nagluluto ng itlog na sunog.

" Anong ginagawa mo? " tanong ko sa kanya ng makarating ako ng kusina

" Obvious ba im cooking" masungit nyang sabi sakin, oo nga naman ross obvious naman yung ginagawa nya nagtatanong kapa alangan namang maglaro sya dito sa kusina " pahiya ako ng konti don ah" bulong ko sa sarili.

" Alam ko namang nagluluto ka. Pero payo ko lang sayo ha walang kakain ng sunog na itlog na yan " sabi ko sa kanya sabang nakaturo sa niluluto nya.

" Fuck bakit ba kasi napakahirap magluto" sabi nya habang tinitingnan ang mga niluto nya. Eh baliw pala sya hindi naman pala marunong magluto sinusubukan pa nga na sayang tuloy yung mga itlog. Kinuha ko ang apron at sinuot ko sa sarili ko at lumakad papalapit sa kanya.

" Mali naman kasi yang ginagawa mo eh kaya masusunog talaga yan" sabi ko sa kanya habang nililinis ang kalat nya sa kusina " Kung gusto mo turuan kitang magluto" pagpiprisinta ko sa kanya

Tiningnan nya naman ako mula ulo hanggang paa luh parang tanga naman to.
" No need i can handle it " mayabang na sabi nya at kumuha nanaman ng itlog para lutuin

" Hep tama na yan sasayangin mo nanaman yang itlog tapos masusunog mo nanaman tingnan mo nga yung mga sinayang mo" tinuro ko sa kanya yung mga itlog na sunog napaka simpleng magluto ng itlog nasunog nya pa. Habang pinapagalitan sya nag salang muna ako ng sinaing sa rice cooker.

" Akina nga yang itlog" sabi ko sabay kuha ng itlog sa kamay nya kumuha nadin ako ng isang bowl para paglagyan nito. " Watch and learn Mr sama ng loob" pagmamayabang ko sa kanya

Biniyak ko ang mga itlog at nilagay sa sa bowl para imix ito. Nakita ko naman syang pinapanood ako " Gusto mong itry imix" tanong ko sa kanya. Pero hindi kona hinintay ang sagot nya, ibinigay kona agad sa kanya ng bowl para mahalo nya.

Tiningnan ko naman yung non stick na kawali na pinaglutuan nya hala parang tanga naman to ang daming mantika na nilagay sa kawali " Aysus ginoo bakit naman ganito kadami yung mantika mo magpiprito kaba ng manok ha" tanong ko sa kanya habang inaayos ang paglulutuan ko

" Hindi ko naman kasi alam kung gaano kadami yung ilalagay na oil" nakasimangot na sabi nya. Wala naman akong mapalalang matinong sagot sa lalaking to. Pinainit kona ang kawali at nilagyan ng mantika kunuha ko naman na ang bowl sa kanya at nagsimula ng magluto.

" Pagnakita mo ng medyo nagbrown yang itlog hanguin mona ha" sabi ko kanya tsaka ibinigay ang spatula sa kanya. Kumuha naman ako ng bacon at hotdog sa ref para idagdag na ulam. Natapos na naming iluto ang itlog at sinunod naman namin ang hotdog at bacon hinayaan kolang sya na magluto syempre tinuro ko sa kanya kung ano ang mga gagawin nya.

Pinapanood kolang syang magluto ng mapansin ko na puro lapnos ang kamay nya siguro nakuha nya yon sa pagtatry na magluto para sa mga kaibigan nya. Naawa naman ako sa lagay ng kamay nya iniwan ko muma sya sa kusina para kunin ang first aid kit sa kwarto ko para gamutin ang lapnos nya.

Pag kakuha ko ng first aid kit bumaba na ulit ako pagbaba ko nagluluto padin sya hindi manlang nya napansin ang pag alis ko mukhang nag eenjoy sya sa ginagawa nya
Ilang sandali pa ay natapos na syang magluto.

" Yes I'm done" nakangiting sabi nya. Woah totoo ba to ngumiti sya wow naman ang babaw ng kaligayahan nya sabi ko sa sarili ko.

Nawala naman agad ang ngiti nya ng makita nyang nakatingin ako sa kanya. Problema non may sapi ma yon.

Naka ready na ang breakfast at infairness mabilis syang matuto mahirap nga lang turuan haha. Baka nagkakalimutan gagamutin ko pa pala yung lapnos nya.

" Ah Mr sama ng loob--" pag uumpisa ko ng putulin nya ang sasabihin ko

"Anong tawag mo sakin?" tanong nya sakin

"Mr sama ng loob kasi mukha kang pinagsukluban ng langit at lupa" deretso kong sabi sa kanya

" How dare you to call me like that " nakataas ang kilay na sabi nya sakin. Hala sya tama ang hinala ko barbie sya

" Anong itatawag ko sayo eh hindi ko naman alam ang pangalan mo" Pagtatanggol ko sa sarili ko

" Kendric" sabi nya

" Anong kendric" tanong ko sa kanya

" Kendric thats my name ang slow mo no" sabi nya sakin. Aba ano bang malay ko na yun pala ang pangalan nya napaka tipid naman kasi nyang mag salita kendric malay ko ba na yun pala yung name nya siraulo din to eh.

" Ah okay, Kendric gusto mong gamutin natin yang lapnos mo" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa kamay nya.

Agad mama nya tong itinago sa likod nya. " No need, hindi naman masakit at malayo to sa bituka" sagot nya.

" Alam kong malayo yan sa bituka pero try mo kayang ilapit sa bituka mo" pamimilosopo ko sa kanya " Kahit na maliit lang yan at hindi masakit kailangan pa ding gamutin yan" tugtong ko

" Hindi na nga kailangan" pag ayaw nya sa alok ko.

" Wag ka ng mahiya hindi ko naman ipagkakalat na ginamot ko yang lapnos mo" sabi ko sa kanya habang kinukuha ang kamay nya.

" Sinabi--" hindi ko na pinatapos ang pagsasalita nya ng hablutin ko ang may nya. Tiningnan kong mabuti ang kamay nya akala ko lapnos lang ang meron may mga maliliit sa sugat din ito.

"ARAYYY KO NAMAN" gulat na sigaw nya sakin ng buhusan ko agad ng alcohol ang kamay nya. " Hala sorry" taranta kong sabi kaya agad ko namang hinipan ang mga kamay nya para mawala ang sakit.

" Nananadya ka ata eh may galit kaba sakin" sabi nya sakin. " sorry naman,wala akong galit sayo." sabi ko sa kanya. Hindi ko naman makuhang tingnan sya dahil naka focus ako sa kamay nya.

Habang ginagamot ko hindi ko na palalampasin na tanungin sya kung bakit sya nagluluto.

" ah Kendric bakit ka nga pala nagluluto kanina" tanong ko sa kanya

" Wala kasing ibang gagawa samin ng pagluluto kungdi kami lang din kahit hindi kami marunong mag luto we try our best para makakain kami" sabi nya sakin naka ramdam naman ako ng awa sa sinabi nya.

Mahirap talaga para sa kanila ang magluto lalo na't anak mayaman sila at puro lalake pa.

" Ah ganon ba, for now on ako na ang mgaluluto para sa inyo" sabi ko sa kanya ng bigla ko syang tingnan nakita ko namang umiwas sya bigla sa tingin

" Akin na nga yan ako na maggagamot sa sarili ko" masungit na sabi nya sakin sabay kuha ng gamot sakin.

"Luh ang sungit naman meron kaba? " tanong ko sa kanya. " nga pala pag tapos mo dyan gisingin mona sila para makain na" utos ko sa kanya

" Bakit ako" reklamong tanong nya sakin.

" Alangan namang ako eh hindi ko nga alam kung alin ang mga kwarto nila" hindi ko na hinintay ang sasabihin nya ng iwanan ko sya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now