CHAPTER 55

423 20 1
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 55

AMBER ROSS POV

Nandito pa din ako sa sasakyan, at kasama ko pa din ang nga humuli sakin! Pinilit kong pa rin tumakas pero todo bantay sila sakin.

"Alam mo miss, matagal kana naming binabantayan mula sa malayo,kaya alam na namin ang bawat galaw mo" sabi ng isang lalake sa driver seat.

So matagal na pala nila akong binabantayan? Bakit hindi ko manlang nahalata yon! Sila din ang nagpadala ng bulaklak sakin? Shit, bakit hindi ko manlang naramdaman na may nagmamanman sakin.!

Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa bahay, kung saan ako nanggaling kanina.

Puwersahan naman nila akong binaba sa sasakyan. Hawak pa din nila ako sa magkabilang braso! Feeling naman nila tatakas ako. Pero yun naman talaga ang gagawin ko, once na bitawan nila ako.

Pagpasok namin sa loob, nagulat ako ng makita ko ang dalawang bantay ko kanina na naka handusay sa sahig at naliligo ng dugo.

Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan ang dalawang lalake na wala ng buhay. Lumabas lahat ng takot ko sa katawan ng makita ko ang dilat nilang mga mata na naka tingin sakin. Kasalanan koba kung bakit namatay sila? Ako naba ang isusunod na patayin?

Nagulat naman ako ng itulak nila ako papalapit don.

"Welcome back my dear" dinig kong sabi ni Daryl. Nakita ko naman sya naka upo sa isang couch. " Trying to escape?" tanong nya sakin pero hindi ko sya sinagot.

Tumayo sya at naglakad patungo sakin. Umatras naman ako papalayo sa kanya dahil alam kong sasaktan nya ako. Pero naramdaman ko nalang na may nakaharang na sa inaatrasan ko. Lumingon naman ako para tingnan kung ano iyon.

Nakita ko naman ang mga tauhan ni Daryl sa likod ko at naka ngisi sila sakin.

"Scared" narinig kong tanong ni Daryl kaya naman itinuaon ko sa kanya ang tingin ko. Agad naman niyang hinatak ang braso ko upang mapalapit ako sa kanya.

"Kung akala mo matatakasan mo kami! Diyan ka nakakamali Amber!" galit na sabi niya sabay sampal sakin. "Gusto mo bang matulad sa kanila" tanong niya sakin sabay turo sa dalawang bangkay na naka handusay sa sahig.

"Gusto mo bang isunod na kita sa mga yan!" galit na sabi niya. Ramdam ko ang pagdiin ng mga kuko niya sa braso. Hindi naba matatapos ang pananakit na ginagawa niya saki?

"Gusto mo pa ding tumakas?" tanong niya sakin sabay hawak sa buhok ko. At sabay halik sakin. Nanlaki ang mata ko sa kinawa niya kaya naman naitulak ko siya.

"Bastos kang hayop ka!" galit na sabi ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin. Lumapit muli siya sakin at hinalikan ako sa pangalawang pagkakataon.

Pero this time hindi ko siya tinulak.

"What the fuck" sabi niya sakin sabay tulak. "Tangina mo talaga Amber" sabi niya sakin sabay punas ng panyo sa nagdurugo niyang labi dahil kinagat ko iyon.

"Dapat lang sayo yan! Nasususka ako dahil sa halik na ginawa mo!" ani ko sa kanya.

"Matapang ka talagang babae ka!" galit na sabi niya sakin. "Hawakan ninyo!" utos niya sa mga tauhan niya. Agad naman akong hinawakan ng mga ito.

"Ano ba bitiwan ninyo ako!" galit na sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak nila.

Pero hindi nila ako pinakinggan, at mas lalo pa nilang hinigpitan ang pagkakahawak sakin. Agad akong nilapitan ni Daryl at pinagsasampal ng ilang beses.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now