CHAPTER 8

541 23 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 8

AMBER ROSS POV

4:30 na ng makarating ako sa bahay pero pagpasok ko sa loob walang katao tao hindi pa sila umuuwi ano ba naman yan wala manlang akong makakatulong na mag akyat ng mga pinamili ko nasan naba yung mga mokong na yon. So dahil wala naman akonh choice ako na ang gagawa lahat nito.

Fast forward

Natapos ko ng iayos ng gamit ko sa kwarto pati narin ang grocery sa kusina kaya eto ako ngayon sa kusina para magluto ng hapunan nagdadalawang isip pa nga ako kung madami ba ang iluluto ko kasi mamaya hindi naman pala sila dito kakain.

Hayss bahala na nga kung hindi naman sila dito kakain okay lang kakainin ko nalang lahat. Nagsimula na akong maghiwa ng sangkap sibuyas, kamatis, sili, bawang, kangkong hinugasan kona din ang hipon at nagsimula ng magluto. Habang nagluluto ng ulam nag sigang na din ang ng kanin sa rice cooker 15 mins lang ang lumipas ng matapos akong magluto ng bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa non ang mga mokong na mukhang pagod na pagod gulo gulo kasi ang buhok nila tapos pawis na pawis.

Hindi ko tuloy napigilang hindi magtanong sa kanila " Anong nangyari sa inyo? " tanong ko sa kanila habang nakaupo sila sa sofa " mukhang galing kayo sa gera ah"

" Tubig tubig kailangan namin ng tubig" sabi ni khen habang nakaturo sa akin nataranta naman ako sa sinabi nya kaya kumuha ako ng malamig sa tubig sa ref at dalawang baso inabot ko naman sa kanila yon nag agawan pa sila kung sino ang unang iinom

Nang mahimasmasan sila inulit ko ulit ang tanong ko sa kanila" anong nangyari sa inyo? " tanong ko ulit

" Eto pagod na pagod kakatulak ng kotse" sabi naman ni jackson.

" Bakit naman kayo nagtulak nasiraan ba kayo?" tanong ko ulit sa kanila

" Hindi naubusan kami ng gas" sabi ni yohan habang hingal na hingal

" Kasalanan mo to eh, ang kuripot mo naman kasing magbigay ng pera" pagsusumbat sakin ni brent

Abat ang tapang ng mokong na to ah kasalanan ko pa ngayon eh sila nga tong hindi marunong magtipid ng pera.

" Aba't naging kasalanan ko pa? Bakit saan ba kayo galing sa cebu para maubos ang pera na ibinigay ko sa inyo" panunumbat ko din sa kanila ayos ah halagang 1k na gas nga lang makakarating ka na sa batangas tapos sila na dyan lang sa Q. C ang pinuntahan naubos ng 3k aba matinde

" Ang lapit lapit lang ng pinuntahan nyo naubusan pa kayo ng gas aba ayos din kaho no" tanong ko sa kanila " 500 pesos nga lang gas makakarating na kayo pupuntahan nyo edi may 2500 pa kayong natira don't tell me naubos nyong lahat yon sa pagkain nyo? " tanong ko ulit

" Hindi nga kami naka kain eh" Hero

" What hindi pa kayo nakakain? So saan nyo pala dinala yung pera? Inis na tanong ko sa kanila

" Nahuli kami ng isang MMDA na nag over speeding kaya Ayon yung pera na dapat pang gas at pangkain namin ginamit naming pang areglo sa kanila" Khen

" Eh magagaling pala talaga kayo, ang tatalino nyo saan nyo ba inilagay ang utak nyo ha? Mukhang hindi gumagana, jusme patawarin ako ni lord sa mga taong to. Teka nga nasan naman sila tobby" pag iiba ko ng usapan

" Naiwan sila don pero uuwi na din naman sila" Yohan

" Ang swerte ng dalawang yon hindi naranasang magtulak ng kotse mula sa labas ng subdivision hanggang sa bahay" pagrereklamo ni brent

" Hayss nako ang tatanga nyo kasi. Sige na umakyat na kayo para makapag palit kayo ng damit at para makain na di--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla silang nagtatakbo pataas. Mga patay gutom talaga, pumunta na ako ng kusina para maghain ng makakain namin.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now