CHAPTER 18

483 22 0
                                    

AMBER ROSS POV

Natapos ang klase namin sa hapon na wala kaming ginawa kundi makinig lang sabi ni irene sa una lang daw to bukas daw mag sisimula na ang totoo klase.

Nag labasan na ang classmates ko at naiwan kami ni irene.

" Teh anong balak mo?hindi ka uuwi poreber ka nalang dyan" tanong sakin ni irene. Alam nyo pansin ko lang kasing daldal nya si brent parang girl version sya ni brent sa kulit.

" Eto na nga oh aalis na" sabi ko naman sa kanya habang kinukuha ang mga gamit ko. "Irene pwede mo ba akong samahan na hanapin yung locker ko" sabi ko sa kanya bago kami lumabas ng room. Kukunin ko kasi yung uniform ko. Sabi kasi ng president namin kailangan naka uniform na kami bukas.

" ah sige nasa baba lang naman ang locker natin" sabi naman ni irene habang hila hila ako. Bumaba na kami para makuha kona ang gamit ko.

Pagdating namin sa first floor pinuntahan agas namin ang mga locker dito pero hanep ang daming locker dito hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang locker ko.

" Ross anong number ang locker mo" tanong sakin ni irene habang nakatingin sa hilera ng locker.

"203" maikling sabi ko sa kanya. " Ah okay sa bandang gitna ang locker mo tara na" sabi ni irene naglakad naman kami papuntang gitna at sinumulan ng hanapin ang locker mo. Lumipas ang 5mins at nakita na din namin ang locker.

Binuksan ko yon at may nakitang paper bag siguro dun nakalagay ang uniform ko kaya kinuha ko na yon na hindi manlang tiningnan ang laman non.

Sinarado ko naman agad ang locker ng makuha ko na ang kailangan ko. Napatingin naman ako sa ibang mga locker yung iba may mga design at makukulay ang labas ng locker nila napangiti ako ang cute naman.

Napansin ko naman ang katabi ng locker ko may naka sulat na engineering department. Hindi ko tuloy naiwasang hindi magtanong kay irene.

" Irene talaga bang magkatabi ang locker ng architecture at engineering department" tanong ko sa kanya.

" Ah oo kasi same building lang tayo kaya magkatabi ang mga lockers natin" sabi nya habang nakatingin sakin.

"Ah okay pero kailangan talaga alternate" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ko nga din alam kung bakit ganyan yung ginawa eh. Kaya madaming nagkakamali sa pagkuha ng gamit. Kaya kada locker nilalagyan ng pangalan para hindi magkapalit" sabi naman nya sakin.

" Ah okay tara na uwi na tayo" pag aaya ko kay irene.

Naglakad na kami palabas ng gate madami kaming nakakasalubong na student na pauwi na yung iba naka sakay sa magagarang sasakyan nila yung iba naglalakad tapos yung iba naman nakikipaglandian sa mga jowa nila.

Iww kay kikire naman ng mga batang ire abot ang jowa bubuntisin lang naman sila hahaha.

" Sus napaka dami talaga magjojowa dito akala nila mahal sila ng mga yan" sabi naman ni irene habang naka tingin sa mga magjowa. Ay wow bitter much lang ang peg ni ate ghourl

"Hahaha ang bitter mo teh" sabi ko sa kanya. "Wow nagsalita ng hindi" sabi naman nya sakin tsaka kami kami sabay na tumawa.

Naglakad lang kaming dalawa ng makarating kami sa tapat ng subdivision namin. Huminto ako tsaka humarap kay irene.

"Dito na ako" sabi ko sa kanya habang inuturo ang subdivision namin.

"Wow naman bigatin sa subdivision nakatira" pabirong sabi nya sakin

"Sira ka" sabi ko sa kanya habang hinahampas ang baro sya. "Thank you ha. Salamat sa buong araw na pagsama mo sakin na appreciate ko yon thank you talaga" sabi ko sabay yakap sa kanya.

Ewan ko pero sobrang sarap sa pakiramdam na may kasamang kaibigan na pag uwi mo at may nakakausap ka sa mga kalokohan ang saya at ang sarap sa feeling sya ang pinaka una kong kaibigan kaya pahahalagahan ko sya.

Pagtapos ng pagdadrama ko naghiwalay na din kami ni irene para makauwi na. Gusto ko pa sanang dumaan ng bookstore para bumili ng mga libro kaya lang wala na akong time kasi 5 na magluluto pa ako ng hapunan namin kaya bukas nalang siguro magpapasama nalang ako kay irene.

After 5mins na paglalakad nakarating na din ako sa tapat ng gate binuksan ko ito at pumasok nakita ko naman na nandito na ang mga kotse nila siguro nandito na sila.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko silang lahat na nasa sala pero hindi naman kami nagpansinan dumiretso na ako ng kwarto ko para nakapag palit ng damit at para makapagluto na din.

Pagpasok ko ng kwarto hinagis ko sa kama ang bag na dala ko kasama na din ang paper bag at kumuha na ng damit pamalit.

Naglinis na din ako ng katawan kasi nalalagkitan na ako pinagpawisan kasi ako kakaakyat baba dun sa school.

Pagtapos ko namang magbihis bumaba na agad ako dumiretso naman ako sa kusina at naabutan ko don si kendric na kumukuha ng tubig. Napansin ko naman agad ang sugat nya sa mukha kaya lumapit ako sa kanya para tingnan kung totoo ang nakita ko.

"Jusme anong nangyari sayo"sabi ko ng bigla kong hinawakan ang mukha nya. Nakita ko naman ang pagkagulat nya sa ginagawa ko.

" ARAY NAMANNNN" sigaw ko sa kanya ng bigla nyang paluin ang kamay ko at sapilitang alisin sa mukha nya.

"Who told you to touch me" nakakunot na noong sabi nya. Hala sya concern lang naman ako sa kanya tapos pagagalitan nya pa ako. Aba matinde talaga sapak nito.

"Concern lang naman yung tao eh" sabi ko naman sa kanya.

"Walang may sabi sayo na maging concern ka sakin" masungit na sabi nya.

"Hala sya kasungit mo no bawal ba maging concern bawal na? Nasa batas na ba yon?" Reklamo ko sa kanya.

"Tsk wala kang kwentang kausap" sabi nya sakin bago nya ako iwan mag isa.

Siraulo yon ah wala daw akong kwentang kausap buti hindi nya ba alam dun samin ang daming lalake na gusto akong makausap. Tapos sya sinusungitan lang ako naloloka ako sa kanya jusme hayss wala talagang matinong tao dito sa bahay kundi ako lang.

Kulang ata yung mga brain cells nila kaya sila ganon. Bahala nga sya sa buhay nya mamaga sana lahat ng sugat nya sa mukha para pumanget sya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now