CHAPTER 76

342 12 9
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 75

AMBER ROSS POV

Lumipas ang araw ng biyernes at sabado. Today is Sunday pero nandito kami sa bahay dahil napaka daming pinapagawa ni Madona.

Halos lahat ata ng classmates ko nasa bahay kaya naman sobrang gulo sa bahay namin ngayon, hindi na nga umuwi dito sila Kuya at Daddy ngayon dahil pinagkaguluhan sila kahapon ng mga classmates ko.

Kesyo ang gagwapo daw ng mga Kuya ko, pwede daw ba sa kanila nalang ang isa dito! Halos magmakaawa na sa amin ni Irene sila Kuya dahil miya't-miya may kumakausap sa kanila.

Ngayong linggo naman nandito silang muli para gawin ang mga dapat nilang gawin. Si Freyanca lang ata ang wala dito dahil sa kaartehan nito. Nandito rin si Marco kausap nya ngayon si Madona dahil may sinasabit ito tungkol sa gagawin namin sa pageant.

Nasa playland kaming lahat ni Eliott kaya naman sa sala muna sya naglalaro. Hindi naman ito maubusan ng kalaro dahil sa dami ba naman ng classmates kong nacucutetan sa kanya ayaw nila itong tigilan.

Lumabas muna ako sa play land para tulungan si Mommy mag serve ng miryenda. Masaya naman si Mommy na nandito ang mga classmates namin dahil may kakain na'rin ng mga luto niya.

"Mom" tawag ko kay Mommy habang nilalagay nya sa tray ang ginawa nyang cakes and cockies.

"Kuhanin mo yung ginawa kong lemonade sa ref at iserve mo sa kanila" utos sa akin ni Mommy.

Kaagad ko naman siyang sinunod dahil alam kong nagugutom na'rin ang mga classmates ko. Alas otso palang kasi ng umaga nandito na sila kaya naman maagang gumawa ng miryenda si Mommy. Habang si Nana naman nagluluto ng tanghalian naming lahat kasama si Irene.

Kinuha kona ang lemonade at inumpisahan ng ipamigay sa mga kasama ko. Marami silang ginawa kaya hindi kona sila masyado pang inabala. Nang matapos akong magpamigay sa loob lumabas naman ako kung nasaan sila Madona at Marco.

Tinuturuan na ni Madona si Marco kung paano maglakad sa stage. Mabilis lang naman matuto si Marco kaya hindi na nahirapan pa si Madona.

"Uminom muna kayo" alok ko sa kanila sabay lapag ng dala ko. Lumingon naman sila sa akin at lumapit para uminom.

"Nasabi mo naba kay Tita na aalis tayo mamaya?" Tanong ni Madona sa akin.

"Oo nasabi kona, excited nga si Mommy" aalis kasi kami para mamili ng isusuot namin ni Marco sa pageant.

"Good tatapusin lang namin ni Marco to tapos aalis na tayo"

"Agad-agad?" Gulat na tanong ko kay Madona.

"Oo teh! Madami kasing customer mamaya ang sisteret ko kaya kailangan maaga tayo, para maasikaso nya kaagad tayo" sabi nito sa akin.

Habang nagmimiryenda naman si Madona abo't naman ang tingin ni Marco sa paligid. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing, I don't really know na ganito kayo kayaman" puna ni Marco habang nakatingin sya sa garden.

"Hindi naman ako mayaman, sila Kuya at Daddy lang" pahumble kong sagot.

"Who cares" masungit na banat nito.

Aba't siraulo talaga ang lalaking to! Ang sarap talagang sapakin! Nakakainis.

"Ewan ko sayo! Wag mo'na ulit akong kakausapin peste ka!" Naiinis na sabi ko sa kanya bago ko sila iwan.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto para makaligo na din. Naghanap muna ako ng isusuot ko sa closet ko bago ako nagtungo sa cr para maligo.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now