CONTINUATION

384 20 0
                                    

CONTINUATION

Nag reply naman ako agad sa text nya baka sabihin nya kasi napaka insnabera ko kung hindi ako magrereply.

"Ulol Anong magiging tatay ka ng mga anak ko asa ka boy tatanda akong dalaga! Good night din siraulo" reply ko sa kanya tingnan nalanb natin kung hindi sya mabwiset sa sinabi hahahaha. Ilang minuto pa ang nakalipas ng makatulog na ako.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin hindi na ako nag ayod dahil mag isa lang naman ako sa kusina alam ko namang tulog pa ang mga yon kaya wala na ding hila hilamos. Pagbaba ko laking gulat ko ng makita ko si Kendric sa kusina ano nanamang ginagawa nya.

"Ano nanamang ginagawa mo dyan" bungad ko sa kanya ng makalapit ako sa kinaroroonan nya.

"Nagluluto" sabi nya sakin alam ko namang nagluluto sya what i mean bakit sya ang nagluluto diba dapat ako?

"Bakit ikaw ang nagluluto diba dapat ako?" tanong ko sa kanya

"Ayokong mapagod ka kaya ako nalang ang gagawa maupo kalang dyan" sabi nya sakin bakit ba masyado syang praning so ganigo pala manligaw ang isang Kendric no wonder kaya siguro hindi maka move on si Freyanca sa kanya dahil sa pagiging maasikaso ni Kendric well hindi ko naman sya masisisi sa bagay na yon.

Habang nagluluto sya hindi ko mapigilang hindi sya titigan ang gwapo nya pala talaga lalo na yung mga labi nya ang pula sana all. Tapos matangos pa ang ilong nya kaya lang tamad ngumiti ang mokong. Siguro may pinagdadaanan sa buhay ang lalaking to. Mukha naman syang mabait kung tititigan mo pero sa totoo lang napaka sungit nyang tao katulad sya ni kuya Treyton.

Nang matapos syang magluto agad nyang tinawag ang mga kaibigan nya para sabay sabay na kaming kakain pero ang pinagtataka ko kung bakit wala si Tobby.

"Nasan pala si Tobby?" tanong ko sa kanila

"Ah si Tobby ba sinundo sya kagabi ng Mommy nya dito one week daw hindi uuwi si Tobby dahil may importanteng bagay daw na gagawin ang pamilya nila kaya wala sya ngayon" sagot naman ni Brent. Kaya pala wala si Tobby

"Eh si Irene nakausap nyo na ba sya?" tanong ko sa kanya bigla namang nalungkot ang mukha nya ng banggitin ko ang pangalan ni Irene

"Hindi eh naka ilang text at tawag na ako sa kanya pero hindi nya sinasagot tapos hinanap ko ang bahay nya pero hindi namin makita. Hindi ko nga alam kung galit ba sakin si Irene o ano miss na miss kona sya pero wala pa din syang paramdam" malungkot na sabi ni Brent samin, naawa tuloy ako sa kanya.

"Hayaan mo bukas na bukas din hahanapin natin ang bahay nya kahit anong mangyari hahanapin natin sya" pangako ko sa kanya "wag ka ng malungkot Brent makikita mo ulit si Irene" dugtong ko pa sa kanya. Tumango naman sya sakin at ngumiti ano ba naman kasi tong si Irene wala manlang paramdam nag aalala na kami sa Kanya.

Nang matapos kaming kumain nagready na din kami sa pagpasok nasa harap na ako ng salamin at nag aayos ng sarili hindi ako nagmake up para saan pa eh maganda na ako kaya nga nahumaling sakin si Kendric eh charot lang baka tumahol nanaman ang mga basher ko dyan hahaha. Ng matapos na ako agad naman akong bumaba naabutan ko naman si Kendric

"Bakit ba ang tagal mong magbihis ha kanina pa ako naghihintay dito" inis na sabi nya sakin.

"Bakit sino bang may sabi sayo na hintayin mo ako tapos magrereklamo ka sakin" reklamo ko sa kanya

"Walang nagsabi sakin na hintayin ka gusto ko lang na makasama ka gusto ko safe ka palagi" sabi naman nya sakin tsaka ako nilapitan wala na yung iba dahil may gagawin pa daw sila kaya nauna na silang umali samin.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now