CHAPTER 49

351 21 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

C H A P T E R 49

AMBER ROSS POV

Habang nasa sasakyan tumutulo pa din ang luha ko nasasaktan ako sa pag alis ko sa bahay, mas lalo akong nasasaktan dahil sa huling araw ko sa bahay hindi manlang kami nakapag usap ni Kendric, ano pa ngaba ang aasahan ko eh hindi naman ako ng gusto ng tao na yon.

"Hey stop crying" dinig kong sabi sakin ni kuya Aziel pero hindi ko sya pinansin naiinis pa din ako sa kanila.

"Wag nyo muna syang pansinin alam nyo namang hindi maganda ang nangyari sa kanya ngayon" Pagtatanggol naman sakin ni kuya Braylon buti pa si kuya naiintindihan ako.

Ayoko muna silang kausapin dahil sa ginawa nila mas mabuti pang manahimik muna ako baka kung ano pa ang masabi ko sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating na kami sa bahay nila kuya. Akala ko nga iuuwi na nila ako sa probinsya hindi naman pala.

"Amber labas na" sabi ni kuya Aziel sakin, kinuha naman na nila ang mga gamit ko at naglakad na papunta sa malaking bahay.

Hindi ko alam na ganito pala talaga kailaki ang bahay na pinagawa nila ang laki din ng garden ang ganda ng pagkakadesenyo nito. Bakit ngayon ko lang to nakita? Bakit hindi manlang nila ako dinala dito nang mga panahong nandito pa sila sa pinas

Bumaba na ako sa sasakyan at naglakad kasunod nila nililibot ko ang tingin sa labas ng bahay dahil na mamangha ako sa ganda nito, hindi mo aakalaing 4 na lalake ang nakatira dito dahil sa ganda nito.

Nang makapasok naman kami sa loob ng bahay lalo akong namangha sa laki nito, 4 lang silang natira rito tapos ang laki ng bahay nila parang kasya ata dito ang isang barangay eh.

"Braylon, Brayden ituro nyo kay Amber kung saan ang kwarto nya" utos ni kuya sa kambal tiningnan ko naman ng masama si kuya Treyton bago ako sumunod sa kambal, kung umasta tong si kuya parang walang ginawang hindi maganda sakin ah.

Padabog naman akong naglakad kasunod ng kambal naiinis pa din ako konti nalang talaga yung inis ko mapapalitan na ng galit kay kuya Treyton.

"Bunso ito na ang kwarto mo" sabi ni kuya Brayden sakin bago buksan ang kulay pink na pinto, seryoso sila pink talaga ang kulay ng pinto ko. Pumasok na sila sa loob kaya sumunod na din ako. Pagpasok ko nagulat ako dahil kulay pink din ang mga gamit dito.
"Bakit ganyan ang kwarto ko" tanong ko sa kanila

"Ang cute diba" sabi ni kuya Brayden sakin, pero tinaasan ko lang sya kanina sino ba kasing babae ang gugustuhin ang kulay na pink eh ang sakit kaya non sa mata.

"At sino namang may sabi na gusto ko ang kulay ma pink" mataray na tanong ko sa kanila

"Hala hindi ba pink ang favorite mong color" tanong sakin ni kuya Braylon

"Hindi, mint and pastel color ang favourite kong color" sagot ko naman sa kanila

"Ay bago na" nanatawang sabi ni kuya Braylon sakin napakahawak nalang ako sa noo ko dahil sa kakulitan ng dalawang to.

"Dito nalang namin ilalagay ang mga gamit mo, ikaw ng bahalang mag ayos" sabi ni kuya Braylon

"Sige na lalabas na kami, magpahinga ka muna alam naming sobrang pagod kana hindi lang ang katawan mo pati narin yang damdamin mo" nagulat naman ako sa sinabi ni kuya Brayden.

Tama sya kailangan ko talaga ng pahinga ngayon, dahil hindi lang katawan ko ang napapagod pati narin ang damdamin ko. Agad naman akong nagtungo sa kama at nahiga doon. Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto ko nagulat ako ng makita ko ang family picture namin don, mukhang pinaghandaan talaga nila to. Matagal naba nilang plano na dito ako tumira? Kasi kung titingnan mo ang palagid may pagka luma na ang mga gamit tapos yung mga pictures namin sa mga frame eh yung mga luma na.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now