CHAPTER 38

387 21 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 38

AMBER ROSS POV

Sabado ngayon at tinatamad akong bumangon dahil ang sakit padin ng katawan ko sa paglilinis ng kwarto ko umalis na din si mommy dahil tapos na ang pinapaasikaso ni daddy back to normal nanaman kami ako nanaman ang magluluto para sa kanila 9 na ng bumaba ako at nagluto ng kakainin namin nakita ko namang nasa kusina si brent may hawak syang kutsilyo mukhang magluluto ata sya.

"Anong ginagawa mo" tanong ko kay brent tumingin naman sya sakin sobrang pawis na pawis sya at basang basa ang mukha ng luha.

"Ross" sabi nya sakin umiiyak sya ano namang problema ng siraulong to.

"Ano bang problema mo ang aga aga pa ganyan na ang mukha mo" reklamo ko sa kanya habang kumukuha ng tubig sa ref

"Kasi naman ross pinaiiyak ako ng sibuyas na to" sabi nya sakin tsaka tinuro ang binabalatan nyang sibuyas seryoso sya kakapraso palang yung nababalatan nya sobrang dami na ng niluha sya.

"hahahah iba talaga pag rich kid" sabi ko sa kanya tsaka sya nilapitan. "ano ba kasing iluluto mo" tanong ko sa kanya

"Tinola" sabi nya sakin habang pinupunasan ang luha nya

"Marunong kang magluto" tanong ko ulit sa kanya

"Nanood ako sa youtube kung pano magluto nagugutom na kasi ako" sabi nya sakin habang nakahawak sa tyan nya.

"Sus kawawang bata ka naman tulungan na nga kita dyan baka bukas kapa matapos" sabi ko sa kanya ngumiti naman sya ng malapad sa alok ko

"Buti nalang talaga dumating ka baka bukas pa ako matapos dito" sabi nya sakin. Kunuha ko ang dalawang apron na color pink inabot ko sa kanya ang isa tiningnan naman nya yon na parang nagtataka.

"Anong gagawin ko dyan" tanong nya sakin habang tinitingnan ang apron

"Try mo iluto brent. Tanga lang syempre isuot mo para hindi ka madumihan palibhasa anak mayaman kaya hindi alam kung anong gagawin sa apron" sabi ko sa kanya habang inaayos ang apron ko.

"Sabi ko nga eh" sabi nya sakin habang sinusuot ang apron

"Bagay sayo yang apron mo" biro kong sabi sa kanya tiningnan naman nya ako ng masama

"Siraulo ka wala na bang ibang kulay pink talaga" tanong nya sakin habang nakatingin sa suot nyang apron

"aarte kapa eh nakasuot na nga sayo yang apron at isa pa hindi ako nakabili ng ibang kulay" sabi ko sa kanya habang binabalatan ang sibuyas nakita ko naman na nakaready na ang lahat ng sangkap mukhang desedido talaga syang magluto.

Pinaghiwa ko naman sya ng mga sangkap ng lulutuin namin habang naghihiwa sya inaayos ko naman ang paglulutuan namin bago sya magsimulang magluto nagvideo ako pumayag naman sya dahil gusto nya daw makita ang sarili nyang habang nagluluto.

"Hey watsap mga kagwapo ko dyan so for todays video ipapakita ko sa inyo kung pano magluto ng tinola" sabi nya habang nakatingin sa camera ko wow feeling vloger ang kuya mo.

"Ay wow feeling vloger hindi naman marunong magluto feeling expert " sabi ko sa kanya habang tumatawa

"Ano ba yan basag trip ka eh" naiinis na sabi nya sakin haha totoo naman kasi lahat ng sinabi ko sa kanya.

"So let's start first step isalang ang kawali at painitan ito para makapagsimula na tayong maggisa" sabi nga habang inaayos ang mga sangkap.

"Wow naman ang galing so anong sunod" tanong ko sa kanya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now