CHAPTER 57

307 18 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 57

AZIEL COLLINS POV

Nandito kami ngayon sa second floor ng bahay,kung saan dinala ang kapatid ko! Kasama ko ngayon si Kristoff, Braylon and Khen.

Kailangan naming maubos ang mga kalaban dito sa taas para makalabas ng walang sagabal sila amber.

Nakarinig naman kami ng mga putok ng baril galing labas. May narinig din kaming pagsabog na nagmula din sa labas. Sana walang mangyaring masama sa mga batang tumulong samin para mahanap si Amber.

Natutuwa ako dahil nagkaroon ng kaibigan si Amber na handanh ibuwis ang buhay nila para mailigtas lang ang kapatid ko. Hindi ko alam kung paano ko sila pasasalamatan dahil sa kabutihan nilang lahat.

"Aziel we need to go there" sabi ni Kristoff sabay turo kung nasaan ang balcony

"Sabi ni Killian malapit lang daw don ang kinaroroonan nila amber!" sabi nya samin.

Naunang maglakad si Khen at Kristoff papuntang balcony. Nasa likod naman nila kami ni Braylon.

Pero hindi pa man din kami nakakalapit sa pupuntahan namin, bigla namang lumabas ang 30 na tauhan ni Daryl galing sa loob ng mga kwarto!

"Deputa! Mukhang handang handa sila sa pagsugod natin!" sabi ni Khen.

"Mukhang alam ni Daryl na darating tayo ngayon!" sabi naman ni Braylon.

"Kayang kaya natin yan!" sabi naman ni Kristoff.

"Okay formation!" sabi ko sa kanila.

Agad naman silang naglakad papunta sa pwesto nila. Nagtago si Khen at Kristoff sa magkatapat na kwarto. Habang kami naman ni Braylon tumakbo papunta sa likod ng pader at doon nagtago.

Bang! Bang! Bang!

Sunod sunod na pagputok ng baril sa amin! Gusto talaga nila kaming patayin ng mga to.

Kinasa kona ang machine gun na hawak ko. Ready na ako para pumatay!

"At the count of 3,susugod na tayo!" sigaw ko sa kanila, "1,2,3 SUGODDDDDD!" malakas na sigaw ko.

Sabay sabay naman kaming lumabas sa pinagtataguan namin.

Sinugod agad ni Khen ang limang lalake na papalapit sakin. Habang ako naman binabaril ko nasa gilid nya.

Napag usapan naming lahat na kailangan namin ng partner para iligtas ang bawat isa sa amin.

Si Kristoff naman at si Braylon ang mag partner, nasa kabilang side naman namin sila.

"Khen, pumunta sa likod ka!" tawag ko sa kanya.

Tiningnan naman nya ako at mukhang nagets naman nya kung bakit ko sya pinapapunta sa likod ko.

Alam ko kasing hindi nya kakayanin ang mga kalaban nya kaya pinapunta ko sya sa likod ko!

"Get the machine gun over there!" turo ko sa kanya ng isa pang machine gun na dala ko kanina, "Use it!" sabi ko sa kanya.

Agad naman nyang sinunod ang sinabi ko at ginamit na din nga ang machine gun na hawak ko kanina.

Nagsumula na kaming makipag patayan ni Khen, pero laking gulat namin ng biglang sumigaw ng malakas si Braylon.

"Aziel!"sigaw sakin ni Kristoff. Agad ko naman syang nilingon, "Si Braylon may tama sa kaliwang balikat!" sabi nito.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya! Hindi ako pwedeng umalis dito sa pwesto ko! Baka si Khen naman ang tamaan.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now