CHAPTER 56

340 19 1
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 56

AMBER ROSS POV

Patuloy lang kami sa paglalakad ni Ate Krishna dahil naghahanap sya ng pwede naming labasan. Pero wala pa rin kaming makita dahil lahat ng pintuan may naka bantay.

"Deputa! Bakit ganito nalang sya kahigpit magbantay! " dinig kong reklamo ni Ate Krishna dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami makatakas.

"Mukhang ayaw nya talaga akong paalisin" sagot ko naman sa kanya. Hinigpitan naman nya ang paghawak sa kamay ko. Parang ayaw nya akong mawala sa tabi nya.

"Hindi namin hahayaang mapunta ka sa kanya" sagot naman nya sakin, kaya naman napa ngiti ako. "Hey Killian, hanapan mo kami ng pwede naming daanan palabas!" bulong ni Ate Krishna. Alam kong may kinakausap sya sa tenga nya.

"Yeah, I'm with her. Don't worry I can handle this" bulong nyang muli sa kausap nya.

Luminga linga ako sa palagid at tiningnan ang mga taong nasasalubong namin. Mukhang abalang abala ang lahat ngayong araw.

"Amber" tawag sakin ni Ate Krishna kaya naman nilingon ko sya, "Hold this" sabi nya sabay abot sakin ng Glock 19 hand gun,naikinagulat ko!

"Pero ate hindi naman ako marunong gumamit nito? " sagot ko sa kanya

"Don't worry madali lang gamitin yan, ito pa itago mo" sabi ni ate sabay abot ng reserbang mga bala.

Makakapatay ata talaga ako ng tao ngayon.

Kinuha ko naman ang binigay nya sakin at hinawakan ko ito ng mahigpit.

Nakita ko namang ipinusod nya ang buhok nya at sabay bunot ng dalawang baril na Berretta 96! Wow sobrang cool nya grabe. Hindi ko alam na ganito kagaling pagdating sa pakikipag away ang ex girlfriend ni kuya.

Pumasok muna kami sa loob ng clinic. Hinubad nya ang damit nya at ngayon naka all black na ang suot nya. Para syang secret agent. Tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka makaka galaw sa suot mong gown!" sabi nya sabay lapit sakin.

Nagulat nalang ako ng sirain nya ang laylayan ng gown ko gamit ang balisong na nasa pagitan ng hita nya. Hanep hindi ko inexpect na gagawin nya ang mga bagay na iyon.

Sinira nya ang sout kong gown at ginawa itong hanggang tuhod ang haba. Tumayo naman sya at sinira ang  sleeve ng gown ko kaya naman kitang kita na ang braso ko.

Mukhang hindi pa sya tapos dahil ginulo nya ang nakalugay kong buhok. Nagulat nalang ako ng iponytail nya ang buhok ko gamit ang bandana nya sa ulo kanina.

Tiningnan naman nya akong muli, pero kumunot ang noo nya. Hindi ko alam kung bakit.

Hinubad naman nya ang combat boots nya at inabot ito sa akin.

"Wear this, alam kong hindi ka komportable pag nagpaa ka" sabi nito sa akin. Agad ko
namang kinuha iyon at isinuot sa akin.

"Pero paano ka?" tanong ko sa kanya.

"Don't worry, sanay na ako sa ganito!" sagot naman nya sa akin. "Are you ready Amber?" tanong nito sa akin.

"Not really" kinakabahan kong sagot.

"Don't worry hindi naman kita pababayaan, kailangan lang nating makababa para makatakas na tayo! Wag kang aalis sa tabi ko Amber kahit anong mangyari!" pag papaalala nya sakin.

Tumango naman ako bilang sagot. Pero deep inside sobrang kinakabahan na ako, nagbubutil na din ang pawis ko sa noo dahil sa sobrang kaba.

"Killian" tawag ni ate Krishna sa ear piece nya, "Cover me up, lalabas na kami ng clinic, sino ang malapit sakin?" narinig kong tanong nito sa kausap nya sa ear piece.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now