CHAPTER 51

349 19 2
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

C H A P T E R 51

AMBER ROSS POV

Kinabukasan, Nagising ako sa malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko kaya naman napabalikwas ako at nalaglag sa kama. Agad naman akong napahawak sa balakang ko dahil sumakit ito. Tumingin naman ako sa may pintuan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Mommy na nakasandal sa pader ng kwarto ko at nakatingin sakin.

"Batugan ka talagang bata ka! Anong oras na?naka hilata ka padin dyan sa kama mo!" pagrereklamo sakin ni Mommy, ang aga aga panay reklamo ang ginagawa nya.

Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig ng kwarto koa, at bumalik sa pagkakahiga.

"Aba naman talaga, humilata ka pa talaga ano wala kang pasok sa school" pagkasabi ni mommy non, bigla akong napaupo ay shit oo nga pala may pasok pa ako sa school, pero tinatamad akong pumasok, humiga nalang akong muli dahil wala ako sa mood pumasok.

Naramdaman ko naman na lumapit sakin si mommy at naupo sa gilid ng kama.

"Bumangon  kana dyan para makakain na tayo" sabi sakin ni Mommy sabay haplos ng buhok ko. Umupo naman na ako at tiningnan si Mommy. Bigla naman nya akong niyakap ng mahigpit.

"Okay lang yan, ako ng bahala sa kuya Treyton mo" sabi nya sakin bago sya tumayo at lumabas ng kwarto. Pagkaalis ni Mommy tumayo na ako at niligpit ang kama ko. Nagtungo na ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Pagtapos kong gawin ang morning rituals ko bumaba na din ako para kumain.

Pagbaba ko sinalubong agad ako ni nana.

"Aba mukhang wala ata sa mood ang alaga ko" sabi nya sakin sabay yakap.

"Nagugutom lang po ako nana kaya mukhang wala ako sa mood" pagpapalusot ko sa kanya.

"Oh sya maupo kana para makapag umpisa na tayong kumain" sabi nya sakin sabay hatak ng upuan sa tabi ni Mommy, naupo naman na ako dahil nagugutom na ako, hindi kasi ako naka kain ng maayos kagabi. Nag umpisa na kaming kumain pero hindi pa din kami nagpapansinan ni kuya Treyton.

"Amber balita ko nakipag away ka daw?" pangunguna ni mommy bigla tuloy akong nasamid sa sinabi nya.

"Saan mo naman nabalitaan yan mommy?" tanong ko sa kanya

"Sa tabi tabi lang naman. Ano napuruhan mo ba yung kasabunutan mo? Sana sinikmuraan mo, o kaya binawasan mo ng ngipin sigurado ako hindi na makakangiti yon! O di kaya nilagyan mo ng poknat sa ulo" pagtuturo sakin ni mommy. Siraulo talaga tong nanay ko kung ano ano pa anh tinuturo sakin.

"Mom stop it" inis na sabi ni kuya Treyton kay Mommy. Tingnan kung gaano kagaspang ang ugali ng kuya pati nanay ko pinagsasabihan.

"Alam mo Treyton basag trip ka, tinuturuan ko lang naman ang kapatid para sa susunod na makipag away sya, alam nya na ang gagawin nya!" sagot naman ni Mommy kay kuya. Ano ka ngayon ha, wala ka pala sa nanay ko eh.

"Wala ng susunod na away Mom" tiningnan naman naming lahat si Kuya

"Alam mo Treyton sa sungit mong yan, sure akong hindi kana makakapag asawa. Sayang gandang lahi natin kung hindi ka makakapag asawa" umaariba nanaman po ang aking nanay sa kalokohan nya.

"Tssk who cares" inis na sabi ni Kuya kay Mommy

"Nasan na nga ba yung niligawan mo dati? Yung Krishna? Nasan na yon diba mahal na mahal mo yon nasan na sya?" tanong ni Mommy kay kuya, bigla namang tumigil sa pagkain sila kuya ng marinig nila ang tanong ni Mommy. Mukhang may hindi magandang nasabi si Mommy.

"Mom" sabay sabay na suway ng nila kuya kay Mommy.

"Why? Nagtatanong lang naman ako" despensa ni Mommy sa kanyang sarili.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now