CHAPTER 11

515 24 0
                                    

AMBER ROSS POV

Pag pasok ko sa kwarto binuksan ko agad ang laptop ko para makipag video call kay mommy umupo na ako sa kama at tinawagan ang magaling kong nanay nakakailang ring palang ng sagutin ni mommy ang tawag ko. Bumungad sakin ang kusina namin as always nagluluto nanaman sya mahilig kasi talagang magluto si mommy sa kanya ako nagmana pagdating sa pagluluto.

" Ma wag mong ilagay ang phone mo sa tenga mo naka video call tayo" sabi ko sa kanya jusme naman kahit kaylan talaga tong nanay ko.

" Ay nako sorry naman anak ano bang malay ko na video call pala to. Nga pala anak naka hanap kana ng boyfriend mo? " tanong sakin ni mama

" Ano ba naman yan ma, yan talaga ang ibubungad mo sakin hindi mo manlang ba ako kakamustahin?talagang pagboboyfriend ko talaga yung inaalala mo? Mahabang sabi ko kay mommy tingnan nyo naman kung gaano katino kausap ng mommy ko

" Eh bakit pa kita kakamustahin mukhang okay ka naman tingnan mo nga buong buo kapa wala namang nagkulang sayo" sabi naman sakin ni mommy

" Mommy naman eh. " pagmamaktol ko sa kanya

" Oh bakit halata naman kasing okay ka anak kaya hindi na kita kinamusta. Kaya nga straight to the point agad ako may nahanap ka nabang fafa?" tanong ulit nya sakin habang nakangisi

"Ma naman sinabi ko naman sayo na hindi pa ako magboboyfriend" sagot ko sa kanya

" Aba anak landi landi din minsan baka maubusan ka" panunukso sakin ni mommy

" Ma okay na sakin maging matandang dalaga no masaya pa naman ako sa pagiging single"

" Nako anak wag mong sayangin ang pagka magandang babae mo. Ako nung 18 palang ako lumandi na ako kasi minsan lang ako maging dalaga" sabi naman sakin ni mommy. Yan nanaman sya ikukwento nanaman nya yung pagiging malandi nya nung kabataan sya. Pero iba yung landi ni mama ha marami lang nanligaw sa kanya na pinaasa nya ganon lang ang landi sa kanya.

" Mommy ayokong pag usapan yang landi landi na yan" pag iiba ko ng usapan.

" Okay fine, kamusta ka pala dyan sa bago mong bahay mababait ba ang mga kasama mo dyan" tanong nya sakin speaking off kasama.

" Ma i hate you alam mo ba kung ano ang dinanas ko dito sa bahay na to? At alam mo din ba na puro lalake ang kasama ko sa bahay ma" panunumbat ko sa kanya.

" Talaga puro lalake ang kasama mo dyan, gwapo ba mabibigyan kaba ng magandang lahi" excited na tanong sakin ni mommy.

" seriously ma yan talaga ang iniisip mo? Wala ka talagang pakialam sakin kung anong mangyayari sakin dito? " naiinis na sabi ko sa kanya bakit ba ganito ang nanay ko mukhang sinto sinto kumpleto naman sya sa buwan kumpleto din naman sya sa bakuna pero bakit ganito sya.

" Wala naman akong pakialam sayo alam ko namang kaya mo ang sarili mo. Baka naman isa na dyan sa kasama mo ang mapapangasawa mo anak magpabuntis kana agad para ikasal na kayo para nam--" hindi kona pinatapos ang sasabihin ni mommy ng pinatay ko na ang video call

Naha high blood ako na nanay ko. Walang ibang alam kundi ang pagboboyfriend ko. Wala manlang pakialam sa sariling anak. Jusme lord bigyan nyo naman ako ng matinong nanay hindi sinto sinto. Gusto ko lord yung hindi ako ibubugaw sa mga lalake yung tamang chill lang. Pagdarasal ko baka sakaling tuparin ni lord

Pagkatapos ng eksenang yon natulog na ulit ako bahala na sila pagkain mamaya basta ako matutulog na. Wala pa ako sa mood para mag luto ngayon malalaki naman na sila, kayang kaya na nilang magluto ng kakainin nila mamaya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now