CHAPTER 17

486 24 0
                                    

VERONICA POV

Naaawa ako sa sitwasyon nila ngayon bakit kasi ang titigas ng ulo ng mga batang yon. Gusto ko mang pumanig sa kanila pero Hindi  ko magaawa dahil para sa kanila naman ang naging desisyon ng mga magulang nila .

Pero mas naawa ako sa kapatid ko dahil sa sakit na nararamdaman nya ngayon at pangungulila na nararansan nya. Mula nung mga bata kami ganyan na sya malaki ang galit nya kay daddy kaya madalas hindi sila magkasundo sa bahay. Pero tuwing nag aaway sila ni daddy nag kukulong lang sya sa kwarto namin hanggang umaga lalabas lang sya pag wala na si daddy.

Sa tuwing tinatanong ko sya kung okay lang ba sya palaging sagot nya sakin at okay lang sya wag ko na syang intindihin pero deep inside sobrang wasak na sya.

Pero this time ngayon ko lang sya nakitang naglabas ng sama ng loob at nagalit ng ganon. Sobrang naawa ako sa kanya

Nung kailangan nya ng pamilya wala ako bilang ate nya. Maging sa mga importanteng okasyon sa buhay nya wala din ako. Hindi manlang ako naging ate sa kanya. Ni hindi ko nga alam na ganon na pala kasakit ang dinaranas nya ngayon. Pero may isang side sakin na proud ako sa kanya dahil sa dami ng problema nya nakakaya nya ang lahat nalalagpasan nya ng walang tulong namin nakakatayo sya sa sarili lang pagsisikap proud na proud ako sa kanya.

Sana meron din akong lakas ng loob katulad ng kanya. Kinuha ko ang picture naming dalawa at pinagmasdan ito habang umiiyak.

Miss na miss kana ni ate biboy sorry kung hindi manlang ako naging ate sayo hindi manlang hindi nasubaybayan sa paglaki mo patawarin mo si ate ha. Babawi ako sayo hindi na ako aalis at hinding hindi na kita iiwang muli mahal na mahal ka ni ate biboy.

JACKSON POV

Pagtapos ng eksena namin sa office ni ate veron napag desisyonan naming lahat na umuwi nalang at bukas na pumasok dahil sa tensyong nangyari kanina.

Nandito kami ngayon sa sala at ginagamot ang mga sugat nila buti na nga lang yun lang ang nakuha nila mula sa suntok ni ate veron baka kung hindi pa kami umalis don nasa hospital na kami at ginagamot ang isa sa amin.

Si tobby nagkasugat sa labi si brent naman nagkasugat sa kilay, at si kendric naman sa pisngi at labi may sugat.

Hindi ko alam pero naawa ako sa kanya kanina ni hindi nga namin alam na sobrang nahihirapan na pala sya.

Pero sa tuwing kasama namin sya so bra ng tapang at malakas sya kaya hindi mo aakalain na may sakit pala syang naramdaman sobrang proud ako sa kanya kung alam nya lang.

KHEN POV

Habang ginagamot ang sugat ng mga kaibigan ko hindi ko maiwasang magsalita .

" Bro thank you kanina sa pagtatanggol mo samin" nahihiyang sabi ko kay kendric

" oo nga pre pasensya kana din kung hindi manlang namin nasusuklian lahat ng kabutihan lo samin" sabi naman ni tobby

" Alam mo proud ako sayo sa pagiging matapang mo" sabi ni Brent.

" bro mukhang yan lang ata ang narinig kong matinong salitang sinabi mo" pambabara naman ni yohan Kay brent para matawa kaming lahat.

" Pero seryoso talaga pre thankful kami na naging kaibigan ka namin" seryosong sabi ni hero.

Oo na tama na yan gamutin nyo nalang ang sugat namin nakangiting sabi ni kendric masaya akong nakita muli ang ngiti nya.

YOHAN POV

Pag tapos naming gamutin ang sugat nil a nag kwentuhan nalang kami.

"Naalala ko tuloy ng nagkakilala tayong lahat" panimula ko

" Ay oo dun sa park" masayang sabi ni Brent

" Naglalaro tayo ng kanya kanya ng may nakita tayong binubully na bata"

" oo Baboy na bata" sabi ni Jackson na maypagdidiin sa salitang Baboy

"Sige diinan mo pa ang salitang baboy akala mo naman sya eh nerd ka nga non" pagsagot ni Brent kay Jackson

" o tama na yan baka magkapikunan pa kayong dalawa eh totoo naman yon" pag aawat ko sa kanila.

" Nagsalita ang payatot" sabay na sabi nila sakin tingnan mo pagnahalingkat talaga ang nakaraan nagkakaganyan sila.

"Iniligtas natin si Brent sa mga nambubully sa kanya" sabi naman ni hero

" Hindi nga natin inaasahan na anim tayong tutulong Kay Brent non" sabi naman ni khen

" That time iyak ng iyak si Brent tinatawag ang mommy nya" sabi naman ni tobby

" Oo na tama na yang pag papaalala sa nakaraan pinagmumukha nyo akong mahina eh" reklamo ni Brent samin.

" Bakit hindi ba" sabi naman ni kendric

" Busog lang ako that time kaya hindi ako nakalaban sa kanila" Mayabang na sabi ni Brent

"Busog daw kaya pala tumutulo yung sipon mo non" natatawang sabi ko

"Sige pagtripan nyo lang ako baka gusto nyong yung sa inyo naman ang pag usapan natin" may pagbabanta na sabi ni Brent

"Sabi ng namin titigil na kami" sabi ko tapos nagtawanan kami ng malakas.

HERO POV

Masaya akong makitang masayang nagtatawanan at naghaharutan ang mga kaibigan ko. Ang tagal na din naming magkakaibigan at marami ng nagbago samin

Lalo na si kendric dati napaka masayahin nya pero ngayon halos araw araw na syang nakasimangot at walang kibo. Sinasarili ang mga problema nya. Pero kahit ganyan sya hindi pa din sya umalis sa tabi namin at handa pa din syang tulungan kami kahit ilang beses na kaming nadapa hindi pa rin sya nagsasawang tulungan kaming ibangon

Iniingatan nya talaga ang pagkakaibigan namin. Malungkot man sya ngayon pero nakikita malapit na syang magbago dahil sa isang tao.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now