CHAPTER 80

434 21 10
                                    

LIVINV WITH 7 JERKS

CHAPTER 80

AMBER ROSS POV

Nandito pa din ako sa clinic at kumakain kasabay si Marco. Alam kong gusto niyang magtanong tungkol sa nangyari kanina pero ayaw lang nito.

Kahit naman din magtanong siya wala din naman akong magandang maisasagot sa kanya.

Naging seryoso din masyado si Marco at hindi nagsasalita mula ng makita niya ang sitwasyon namin ni Kendric.

Salita ako ng salita pero ito tango lang ng tango. Mukhang may problema din itong isang to? Daldal ako ng daldal tapos hindi naman siya nakikinig.

"Marco, Marco" tawag ko sa kanya.

Ngunit patuloy lang ito sa pagkain habang nakatingin sa pwesto ni Kendric.

"Hoy Marco!" Medyo malakas kong tawag sa kanya.

"WHAT?" pasigaw nitong sagot.

"Luh? Bakit ka sumisigaw? Tinatawag lang naman kita" nakataas ang kilay na sabi ko.

"Tsk ano ba kasi yon?" Medyo naiinis na nitong tanong.

Talagang siya pa tong galit? Eh siya nga tong hindi nakikinig sa mga kwento ko.

"Never mind na nga lang hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko" imbis na ako ang magalit sa kanya siya pa ang nagalit sa akin.

Yung totoo Marco anong problema mo? Okay naman tayo kanina?

"Are you done?" Tanong nito sa akin.

Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko naman kung ano ang tinatanong niya.

"Aalis na ako, may klase pa akong dapat pasukan. Hintayin mo nalang ang mga kaibigan mo dito" masungit na sabi nito bago ako talikuran.

"Hoy sandali, akala ko ba babantayan mo ako? Bakit aalis ka?" Tanong ko sa kanya.

Huminto naman ito at nilingon ako.

"No need na, mukhang kaya mo naman? Naka tayo ka nga kanina diba? So hindi mo na kailangan ng bantay" nakangising sabi nito bago muling nagpatuloy sa paglalakad palabas ng clinic.

Ang weird niya talaga! Parang yun lang nagagalit na siya kaagad. Abnormal! Mas mabuti na nga lang na hindi niya ako bantayan para makatulog din ako.

Inayos ko muna ang mga pagkain na dala ni Marco, sa sobrang dami nito halos hindi ko na maubos. Kaya naman itatabi ko muna tapos ibibigay ko sa nurse yung iba.

Akmang hihiga na sana ako ng makarinig ako ng tawa ng babae, kaya naman hinawi ko ng kaunti ang kurtina para makita kung sino ang tumatawa.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Sapphire na papasok ng clinic. Kaya naman mabilis kong binalik ang kurtina at nahiga patalikod sa kanila. Mahirap na baka magkaroon nanaman ng gulo.

Ayoko na ng gulo ngayong araw tama na tong natanggap ko ngayon ayoko ng madagdagan pa.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nagpanggap na natutulog, dahil iyon ang mas magandang gawin ko ngayon.

Naramdam ko namang nakalapit na si Sapphire sa pwesto ni Kendric dahil may nagsasalita na sa likod ko kung saan naka harang ang kurtina.

"How are you?" Tanong nito kay Kendric. Pero sa tono ng pananalita nito para bang galit pa siya.

"I'm okay" maikling sagot ni Kendric.

Siguro may away ang dalawang ito kaya ganyan nalang sila magbatuhan ng mga salita? Pero ano bang pakialam ko sa kanila. Matutulog nalang ako kaysa makinig sa mga ito. Ipinikit ko ng muli ang mga mata para matulog

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now