CHAPTER 77

397 16 8
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 77

AMBER ROSS POV

Lumipas ang isang araw and this is it. Ngayon na gaganapin ang pageant na pinaka hihintay namin. Kabado ako dahil first time kong sasali sa ganitong patimpalak, mabuti naman napaka supportive ng pamilya at kaibigan ko kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

Nasa van kami ngayon at papunta ng school dahil sa gaganaping pageant. Alas dose palang ng tanghali ngayon pero papunta na kami ng school kahit alas singko pa umpisa ng pageant.

"Amber remembered na wag kang kakabahan nandito lang kami" pagpapa-alala nito.

"Alam ko naman yon, pero syempre hindi mawawala ang kaba ko kahit anong mangyari" sagot ko.

"Okay lang kabahan, basta wag mong kakalimutan ang tinuro ko" paalala nitong muli.

"Copy" sagot ko sa kanya. "Mom pupunta ba sila Daddy at Kuya?" Tanong ko kay Mommy kasama namin si Eliott at Irene sa Van.

"I don't know, basta sabi nila pagma-aga daw natapos ang work nila hahabol sila" sagot ni Mommy.

Sana naman maka punta sila kahit hindi nila matapos ang work nila. I want them to be here, this is my first time to join this kind of pageant. That's why I want them see what I've got. Hindi 'man ako manalo atleast alam nila na ginawa ko ang lahat para magtagumpay.

I've been doing good this fast few days kaya alam kong makakaya ko. Mahirap mang isipin na isa si Kendric sa makakalaban ko ngayon sa pageant and take note kasama pa nya yung maldita nyang girlfriend. Tatalunin namin sila ni Marco mamaya.

Speaking of Marco nauna na sya samin dahil may kakausapin pa'daw sya kaya hindi namin sya kasabay ngayon. Gusto ko pa sanang manood ng awarding ng basketball pero hindi na pwede dahil magreready na daw kami. Panalo nga pala ang team nila Tobby sa basketball kaya magcecelebrate nanaman kami.

Nang makarating kami sa school kaagad nagparked si Manong Asiong, pagkahinto ng sasakyan kaagad kaming bumaba at kinuha ang mga gamit namin. Sinalubong naman kami kaagad ng mga classmates naming lalake para tulungan kaming magbuhat.

Habang naglalakad kami sa hallway ng school. Sobrang daming tao ngayon sa school kaya medyo nanibago ako. May mga students din kasi na taga-ibang school na nagsipunta dito ngayon dahil sa gaganaping pageant. Sabi ni Irene ganon daw talaga sa tuwing may event sa school pwedeng pumasok ang hindi students ng Clarkson University.

Lalo tuloy akong kinabahan dahil mapupuno ata ang gym ngayon? Habang naglalakad pinagtitinginan kami ng mga tao na akala mo may ginawa kaming krimen kung maka matitig sila samin. Sa conference room muna kami dumiretso dahil may sasabihin pa daw yung organizer ng event.

Nauna ng magpunta sa gym ang mga kasama namin pati na'rin sila Mommy ang kasama ko nalang ngayon ay si Madona. Tinext naman na nya si Marco na pumunta sa conference room pero hindi naman ito nagrereply.

Nang makarating kami sa conference room kumpleto na ang lahat maliban nalang samin. Kitang-kita ko naman ang masamang tingin sakin ni Sapphire na akala mo may ginawa akong masama sa kanya. Si Kendric naman nakatuon lang ang atensyon sa harapan. Hindi ko nalang sila pinansin nagpunta na kami sa pwesto namin dati ni Madona habang hinihintay si Marco.

"So I guess we're complete now? So let's start the discussion now. Let's all welcome our dean Ms. Veronica Clarkson" nagpalakpakan naman ang lahat ng magpunta sa harapan si Dean.

"So good afternoon, ladies and gentleman. I just want to remind to all of you na enjoy this day wag masyadong kabado para hindi matalo" hindi ko alam pero parang sarcasm ang pagkakasabi nyang yon dahil naka tingin ito sa akin. "I know na hindi madali ang pinagdaanan nyo nitong nakaraan pero alam ko naman na lahat ng paghihirap nyo masusuklian na ng saya right?" Tanong pa nito.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now