CHAPTER 72

426 24 9
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 76

AMBER ROSS POV

Halos maubos ang pasensya ni Stella sa pila dahil sobrang bagal nitong umusad kaya naman abo't ang reklamo nito sa amin. May time pa nga na susugurin nito ang isang stuff dahil sobrang bagal umusad ng pila, pero pinipigalan lang sya ni Jackson.

"Kanina pa ako naiinis ha!" Bulong ni Stella.

"Kayo may gusto nito diba? Kaya magtiis kayo" pabalang naman na sagot ni Brent sa kanya.

"Relax kalang Stella, malapit naman na tayo tatlong tao nalang next na tayo" pagpapakalma ni Jackson kay Stella.

Hindi naman na nagsalita si Stella. Ilang segundo lang ang lumipas at ng kami na ang next, bumili ng tickets ni Bella para sa aming lahat pagkatapos non pinapasok na kami sa loob.

"Sa wakas nakapasok na rin" sabi ni Stella kaya nagtawanan kami.

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ni Misha.

"Tayong mga babae ang magkakasama tapos ganon din ang mga boy" sabi naman ni Irene.

"Hala ayoko ng ganon" reklamo ni Brent, "hindi ba pwedeng by partner nalang?" Tanong nito kay Irene.

"Aysus gusto mo lang makasama si Irene eh" pang-aasar ni Yohan sa kanya.

"Basta maghiwa hiwalay tayo, tapos magkita nalang tayo dito" paliwanag ni Irene.

Sa huli pumayag naman sila kaya nag kanya-kanya na kami ng lakad naglaro lang kami ng kung ano-ano.

Ilang minuto ang lumipas ng mapansin namin si Irene na panay ang tingin sa cellphone nya para bang may inaabangan. Kaya naman nilapitan namin sya na ikinagulat naman nito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Bella sa kanya.

"Mukhang kanina kapa hindi mapakali ah?" Tanong din ni Misha.

"May ka meet up kaba? Isusumbong kita kay Brent!" Biro naman ni Stella.

"Mga gaga walang ganon" sagot naman ni Irene.

"Ano palang ginagawa mo? Don't tell hinahanap mo sila?" Tanong naman ni Eunice.

Ngumiti naman ng bongga si Irene at tumango.

"Kaya naman pala hindi ka makapaglaro dahil nag-aabang ka nanaman ng bagong post" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

"Kasi naman na curious ako dun sa cheater na yon!" Sagot pa nito habang naka simangot.

"Sino naman ang pinag-uusapan nyo?" Tanong nilang tatlo.

"Ito oh, tignan nyo" sabi ni Irene sabay pakita nung post sa website ng school.

"OMG legit yan?" Tanong ni Bella.

"Oo teh, legit na legit yan. Actually nandito sila ngayon kaya inaabangan ko sila" masayang sabi ni Irene.

"Parang bet ko rin silang makita" sabi naman ni Misha.

"Mga chismosa talaga" pailing-iling na sabi ni Eunice.

"Mamaya na tayo maglaro hanapin na muna natin sila" suggestion ni Irene.

"Hay nako kayo nalang ayoko ng ganyan" walang gana kong sagot.

"Ay ang KJ ngayon lang naman eh" sabi naman ni Misha.

"Ako rin ayoko ng ganyan" wala ring ganang sabi ni Eunice

"Dalawang kababayan nanaman po natin ang hindi marunong makisama" biro ni Stella.

"Titignan lang naman natin sila pagkatapos non balik na tayo sa pag-eenjoy" hindi parin nagpapatalo ni Irene.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now