Chapter 1

2.8K 70 14
                                    

Napapitlag ako at bumalik sa wisyo ng bigla akong hawakan sa aking kamay at  kamustahin ng magandang babae.

"How are you?" Bakas sa maganda nyang mata ang pagaalala.

Umawang lang ang labi ko walang lumalabas na salita. Kunot noo ko syang tinitigan at kahit anong isip ko'y hindi ko talaga sya maalala.

Nasa malalim pa din akong pagiisip ng napansin kong lumabas na pala sila kasama ng doktor.

Bakit nga ba ako nandito? Wala akong maalala kung bakit ako nandito sa ospital at kung titignan mo ay mukang mamahaling ospital pa ito. Kaya akoy lubos na nagtataka kasi wala naman akong pera para madala ako dito, at isa pa wala akong natatandaan sakit.

Nagbabalak pa lang sana akong bumangon ng maramdaman ko ang biglang pagkirot ng aking ulo.
Hawak ko ito ng bumalik ang magandang babae. Agad naman niya akong nilapitan ng makitang may iniinda ako. Hindi ako makahinga ng tumabi siya sa kama at hinawakan ako sa aking mukha. Masyado siyang malapit.

Grabe ang ganda nya. Yun gandang mukang mamahalin. Ang kanyang tindig ay napaka sopistikada, pino ang mga galaw. May matangos na ilong, pouty lips na mukang masarap hagkan, ang kanyang mga mata ay malalim. Sobrang kinis ng kanyang mukha na parang hindi man lang tinubuan ng pimples, mahihiya yun mga nunal ko. May mahaba syang buhok na natural lamang at alon alon. Ang kulay ng kanyang balat ay halatang pina-tan lamang at mukang hindi pa nadapuan man lang ng lamok. Nakasuot siya ng floral dress na bagay na bagay sa kanya.

"Hey! Baby" she snapped at me.
Grabe tinawag nya akong baby?!

"Teka kilala ba kita?" ang akin na lamang nasabi at medyo dumistansya sa kanya.

Bigla syang ngumiti at nahulog ang aking puso.

"You will remember me, soon. The doctor told me that it's retrograde amnesia. Maybe it take sometime for you to remember everything but well make sure youll gonna be fine" She sighed.

Nakatitig lamang ako sa kanya kung paano sya magsalita. Ang ganda pakinggan ng kanyang boses, kung paano sya magsalita ay para syang may lahing banyaga.

"Im Kelsey.. Kelsey Henderson and i'm your girlfriend." Sabi nya habang inaalalayan ako sa pag-upo.

"Gg-girlfriend?!" Napalakas ata ang pagkakasabi ko kayat bigla syang napalayo. "I---ikaw?!"

Tango na lamang ang naisagot nya sakin. Naghihintay pa ako ng kanyang sasabihin ngunit pinili na lang nyang wag ng magsalita. Nakatitig lang sya sakin na para bang kinakabisado ang bawat sulok ng aking mukha.

Tumikhim lang ako para agawin ulit ang atensyon nya.

Gusto ko sana mag cr ngunit naka dextrose pa ako. Nag-aalangan naman ako magpasama sa kanya. Kahit sinabi nya pang girlfriend ko sya ay hindi ko pa din sya maalala at nakakahiya yun. At isa pa ay ayoko ng magka dikit ang aming balat dahil sa kakaibang pakiramdam na aking nararanasan. She's so warm and soft.

Laking pasalamat ko ng pumasok at nakita ko si nanay kasama ang aking mga kapatid. Ngayon ko lang napagtanto na nandito din pala sila. Nang maalala ko teka nasan pala si cath? Hinahanap sya ng mga mata ko. Bakit kaya wala sya? Tanong ko sa sarili ko.

Kung tinatanong nyo kung sino si cath, siya ang girlfriend ko. Oo siya lamang at wala ng iba pa. Matagal na kame ni cath nakilala ko sya sa dati kong trabaho. 4 yrs na kame going 5th.

"Nay nsan si cath?"

At bakit feeling ko bigla silang nagulat lahat sa tanong ko?

Bigla din napatingin yung nagpakilalang kelsey sa akin at sa muka nyang maganda ay biglang gumuhit ang....... sakit?

To Love AgainWhere stories live. Discover now