Chapter 28

611 28 1
                                    


Alas dos na ng tanghali ng mag desisyon kaming bumalik na sa hotel room. Naghiwa hiwalay lang kami ng pumasok sa kanya kanyang room ang bawat isa.

Pinauna na akong magbanlaw ni kesley kaya naman sinunuod ko na ito. Kumuha lang ako ng damit na pamalit at naligo na.

Lumabas ako ng banyo nang nakabihis na. Naagaw ng tumututug na stereo ang aking atensyon sa aking palagay ay mahilig si kelsey sa music dahil palagi ko siyang nakikitang nakikinig nito. Nang mapansin niya ako ay siya naman ang pumasok at naligo na din.

Dahil sa pagod ay ramdam ko na ang pagbigat ng aking mga mata. Mabilis naman natuyo ang aking buhok dahil maikli lang ito. Kaya hinawi ko ang floor to ceiling na kurtina para dumilim sa buong kwarto. Nahiga ako sa kama at pumikit na wala naman usapan na lalabas kami mamaya para sa merienda kaya malaya akong mag pahinga at hindi na nagalarm. Madali naman akong nakatulog.

Naalimpungatan ako sa pagbaba ng kama. Dinilat ko ang isang mata ko at nakita kong nahiga din sa tabi ko si kelsey. Ngunit sa sobrang antok ko ay tuluyan na akong dinuyan nito sa mahimbing na pagkakatulog.

Nang magising ako ay pakiramdam ko ay na full battery ako. Sarap talaga matulog sa tanghali. Hindi pa ako dumidilat pero alam kong katabi ko pa din ang diyosa ng aking buhay. Naamoy ko ang kanyang pabango na lubhang nakakaakit. Bakit pati ginamit niyang shampoo at sabon ay naamoy ng aking ilong?

Narinig kong may kausap ito sa kanyang cellphone pero nanatili lang akong nakapikit. Mukhang kausap nito ang kanyang ina. Kesley has a soft voice. May pag ka slang siya kung magtagalog pero fluent naman ito. Madami pa akong hindi alam lalo na sa personal niyang buhay pero nasabi niya sa akin dati na nasa states ang kanyang mom. At ang kanyang ama naman ay pumanaw na. Nagiisa lang siyang anak kaya parang nasanay na siyang magisa. Parang nakakalungkot mabuhay ng mag isa.

Tapos na siyang makipagusap ng nagpasya akong idilat ang aking mga mata at saktong nakatingin din pala siya sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi. Nahuli ko kasi siyang nakangiti at nakatingin sa akin. Hindi naman niya binawi ang mga titig sa akin pero napawi ang ngiti doon at napalitan ng pagka poker face niya. Sometimes im wondering kung ano ang iniisip niya sa ganitong pagkakataon.

Nasa ganito kaming posisyon ng magsalita siya.

" Let's talk" sabi niya sa akin

Napalunok lang ako ng laway dahil magkaharap kami ngayon at naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Parang gusto ko na lang pumikit tuloy.

" alex!" paguulit nito sa akin

" tungkol saan? " tanong ko sa kanya

" about everything, you know that we're already in a relationship right?"

Tumango na lang ako at hinintay ulit siyang magsalita.

" Madami ako sasabihin kaya makinig ka alex. Tigilan mo yang pagiging tulala mo pwede ba? "naiinis na naman sya

" nakikinig ako hindi ako tulala ano ba gusto mong sabihin about rules na naman ba yan? " naguumpisa na din akong mainis.

" yes it's about rules that you should follow. And also my mom. "she pause

" Anong meron? "tanong ko ulit

" Uuwi siya sa Christmas and she wants to meet you" seryoso niyang sabi sa akin. Nakatitig ako sa bawat pag galaw ng bibig niya.

Pinalo niya ako sa braso.

" Hey are you listening?"

" Yes bakit sinabi mo ba sa mommy mo yung tungkol sa atin"

" Yes of course she have to know it"

Tango tango lang ako at nagisip pero matagal pa naman yun kaya hindi ko muna dapat ito problemahin.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon