Chapter 36

638 28 8
                                    

Naaalimpungatan ako sa buzzer na tumutunog sa pintuan ng condo unit ni raine.

Nakakailang tunog na ito pero paulit ulit lang. Natatamad man ay wala akong nagawa kundi dahan dahan bumangon sa sahig. Hindi na namin nagawa pang matulog sa kama at nagkanya kanya na lang kaming tatlo ng pwesto dito sa kanyang sala. Carpeted naman ang sahig kaya okay lang sa akin na dito na lang mahiga. Isa pa ay totally blackout kaming tatlo sa dami ng nainum namin.

Parang lantang gulay na lumakad ako papunta sa pintuan kung saan walang tigil ang pag dodoorbell. Nakakainis sino ba yun bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko na din nagawa pang silipin kung anong oras na basta ang alam ko gusto ko lang matulog pa. Yun dalawang babaeng kasama ko ay mukhang kahit buhusan ng tubig ay hindi magigising. Naghihilik pa.

Dahil na din sa halos tulog ko pang diwa ay hindi ko napansin na napatid pala ako sa upuan na nakahambalang sa daan dahilan para ako ay mabuwal at tumama sa pintuan. Blagggg..

Fudge!! Ang sakit na nga ng ulo ko sa alak ay lalo pang nadoble ito dahil sa pagkakaumpog ko sa pintuan solido.

Dahil na din sa paglapit ko sa pinto ay tuluyan binuksan ko na ito. Nangangalahati pa lang ako ng pagkakabukas ay halos maipit ako sa biglang pagtulak ng nasa labas. Nakaka bwisit talaga. May imamalas pa ba ang araw ko ngayon? Sapo ang noo kong tila nagkabukol ay unti unti kong tinaas ang tingin ko sa pumasok.

Nawala ang kalasingan ko sa aking nakita. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa dalawang diyosa na nasa aking harapan na tila magbubuga ng apoy sa galit. Oh-ow nasalo ko nga ata lahat ng kamalasan ngayon araw.

" what the??? What happened here?!"

Nagpipigil na tili ni Lisa sa akin. Wala naman lumabas sa aking lalamunan na mga salita. Tila nakain ko ang aking dila ng tignan ko ang mukha ng pinakamamahal kong dyosa.

Si Kelsey. Gusto ko sana itong yakapin ngunit iniwan lang ako nitong nakatunganga at pumasok na sila sa loob.

Si lisa ay kasalukuyan sinisipa si raine sa paa na hindi naman magising gising.

" Is she dead?" baling nito sa akin.

Nakailang tapik pa ito dito at kay isabelle bago magkaroon ng malay ang mga ito.

" baby? What are you doing here? Are you real or am i dreaming?" parang tangang sabi ni raine dito habang hinahawakan ang mukha ng kanyang girlfriend.

Ako naman ay lumakad na at papasok sana sa isang guest room dahil nahihilo pa talaga ako. Iniwan ko na sila doon bahala sila.

Ngunit hindi pa ako nakakalagpas sa kanila ay narinig ko na ang mataray na boses ng aking mahal. Lagot.

" Where do you think you're going?" Naniningkit ang matang tanong nito sa akin.

Nilingon ko ito habang nakahawak pa din ako sa aking noo na ngayon ay mahapdi na.

" sit here" utos nito sa akin habang turo turo pa ang sofa.

" Now party animals speak!" turan naman ni lisa kay raine na ngayon ay nakasalampak na sa sahig katabi si isabelle at mukhang natauhan na din.

" Baby, isabelle came here and we just talk, you know for our bff sake" pageexplain ni raine dito sabay turo kay isabelle.

" Wow, it's already 11 am nah. Anong ginawa niyo kagabi dito it's so makalat ang gulo gulo dito parang binagyo yun condo mo baby. And when did you change your password?"

" We drunk and yun lang. Kaming tatlo lang naman dito saka nagloloko yun passcode sa keypad kaya nireset ko. I forgot to tell you"

Hindi ko na pinakinggan pa yun dalawa dahil tyak na mamaya pa sila matatapos lalo lang sumasakit ang ulo ko. Bumangon na si raine at pumasok silang dalawa sa kwarto nito. Si isabelle naman ay iniwan din ako sa kuko ng agila. Haha

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon