Chapter 21

664 28 5
                                    

. Alex pov.

Wednesday

It's been 2 months since i started courting Kelsey, and im telling you its not easy. Grabe feeling ko pinapahirapan at sinasadya niya talaga yun. Pero I'm not complaining kasi gusto ko talaga siya.

She give me her rules while I'm courting her. At kailangan kong sundin yon. Para kaming highschool di ba para kaming bumalik sa pagka teens but i understood naman her reasons ang mahalaga ay pumayag siya na ligawan ko siya. Kung gusto nyo malaman yun mga rules nya eto, bawal ko siyang hawakan any part of her body, don't call her in any form of endearment, dont bother her when she's at school or work, don't plan to surprise her ano pa ba? Madami pa siyang ayaw at hindi ko na matandaan pa. Siguro nakukulitan siya sa akin kaya ganyan. Binigay na din niya sa akin yun contact number nya but naka block naman ako sa messenger niya.

" Hoy rie kanina pa kita kinakausap para kang lutang diyan ah" nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni erika, dito na kasi ako nag oopisina sa quezon city branch ng customs.

" Ano ba yun sinasabi mo? Tanong ko dito

" Kelan kako yun house blessing mo? "

" Ah sa Sunday 1pm yun punta kayo ha" invite ko dito. Sa tagal ng preparation ay matutuloy na din ang house blessing / pagtambay nila sa bahay ko. Yun lang naman ang gusto nila ang maginuman don.

" Okay sure na pupunta kami nila Jeff don don't worry" nakangiting sabi nito.

Halos tatlong lingo na din ako dito sa bagong kong opisina, noong una ay nalulungkot ako dahil wala si sir jeff pero hindi din nagtagal yun dahil andito at kasama ko yung iba namin tropa. Si jeff naman ay next month pa makakalipat dahil may tinatapos pa siyang project sa port.

Hindi ko na namalayan ang oras maguuwian na pala. Kung dati ay puro field work ako ngayon naman ay halos hindi na ako lumabas ng opisina. Same work pa din naman ako pero puro documentation na ang hawak ko.

Sa dami ng kailangan kong icheck ay hindi ko na naimessage si kelsey. Nasabi ko pa naman sa kanyang susunduin ko siya sa mall mamayang 5pm. Mag aalas tres pa lang naman, 6am to 3pm kasi ang pasok ko kaya sabi ko ay pupuntahan ko siya sa spa kasama ang kanyang mga kaibigan. Wala kasi siyang pasok today dahil tuesday at thursday lang naman ang schedule ng pagtuturo niya.

Sa loob ng ilang buwan na panliligaw ko kay Kelsey ay napalapit na din ako sa kanyang mga kaibigan lalong lalo na si raine, we became close buddies. Gustong gusto ko yun ugali niya, positive lang lagi sa buhay. Magkasundong magkasundo kaming dalawa bagay na hindi nagugustuhan ni kesley, hindi dahil sa ayaw niyang maging kaibigan ko si raine kundi dahil baka mahawa daw ako dito ng pagiging player at easy go lucky kind of attitude.

Inayos ko na ang mga gamit ko at pinatay ang computer na gamit ko matapos kong isave lahat ng documents na ginagawa ko kanina. Nagayos ako ng sarili at lumabas na ng opisina.

Naglalakad na ako sa parking ng makita ko si erika.

" Rie uuwe ka na? Tara kape tayo." tumabi pa ito sa akin habang inaaya ako.

" Nako next time na lang erika may lakad ako ngayon at hindi ako pwedeng ma late" tangi ko dito at dumistansya na. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit anong pwedeng gawin excuse ni erika dahil alam ng lahat dito sa opisina na gusto niya ako. Ayokong machismis at lalong lalo pa na makarating ito kay kelsey. Isa kasi sa nalaman ko ay sobrang selosa pala niya kaya naman hindi ako dapat magbigay ng dahilan para magalit siya sa akin.

" Sobrang aga pa rie grabe ka sige babawi ako sa sabado ha" sambit nito at umalis na. Nakahinga ako ng maluwag sa pagalis niya.

Nagdrive na ako papuntang Shangri-la sa mandaluyong dahil andon nga sila kesley. Maaga pa naman pero ayokong malate dahil ayaw din niya ng nalalate kaya naman nasanay na akong palaging nagmamadali.

To Love AgainWhere stories live. Discover now