Chapter 24

621 29 6
                                    

Matagal akong nakaupo dito at nakayukyok mga ilang minuto na rin ang lumipas. Nagdecide akong kumatok muli. Kumatok ng kumatok.

" kesley kukunin ko lang yun susi ng kotse at bahay i can't go home with this" sabi ko sa pintuan hoping na andon siya. Para akong tangang kausap yun pinto.

" Kelsey sorry kung inasar kita, pero hindi ako mag so sorry na hinalikan kita." kausap ko ulit sa pintuan.

Kumatok ulit ako ng kumatok. And miracle do happens dahil bumukas na ang pintuan ng unit niya.

Nginitian ko siya ng matamis pero inirapan lang ako nito. Pumasok ako sa loob at agad kinuha yun mga susi ko para hindi ko na makalimutan pa.

" you're so proud pa talaga sa ginawa mo no? you really need to bradcast it sa buong 8th floor?!!" at nagumpisa na naman siyang kurot kurutin ako sa aking tiyan.

" aray ko masakit wag diyan" awat ko sa kanya. Halatang inis na inis pa rin siya sa nangyari kanina. Hindi pa din siya tumigil kaya naman niyakap ko na siya. Bigla siyang na stiffened sa ginawa ko kaya sinamantala ko yun para ilapit siya sa wall at idinikit siya doon. Nakakulong siya ngayon sa aking mga braso.

" what are you doing? Alex I'm telling you stop it right now or else you will regret this!" banta niya ulit sa akin, tinitigan ko siya at inilapit muli ang aking mukha sa kanya. Hindi naman na siya pumapalag ngayon at parang naghihintay kung ano ang gagawin ko.

" I love you Kelsey. I love you so much."

At binigyan ito ng halik sa noo bago lumabas ng condo unit niya. Tulalang iniwan ko siya doon. Ako naman ay nagmamadali ng makauwe dahil malalim na ang gabi at maaga pa ang pasok ko kinabukasan.

Halos hindi ako nakatulog magdamang sa pagiisip ng mga nangyari sa amin ni kelsey, i can't believe na nangyari iyon at hindi guni guni na dulot ng pagpapantasya ko lamang. Wala akong pinag sisisihan sa mga nangyari.

Puyat at wala sa sariling pumasok ako sa opisina ngayon araw. Hindi ko alam ang nangyayari sa paligid. Tinapos ko lang ang aking trabaho, hindi na rin ako lumabas para mag tanghalian pinili ko na lang ang matulog. Laking pasalamat ko na hapon na ulit. Natapos ang oras ng trabaho ko ng matiwasay. Maari na akong matulog sa aking kwarto antok na antok na talaga ako.

Nagdadrive na ako pauwe sa aking bahay ng makatanggap ako ng tawag. It's from raine. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ito. Wala kasi ako sa mood gumala ngayon  dahil na rin sa antok ko. Hindi ko na ito sinagot hinayaan ko nalang na kusang tumigil yun pag ring. Nagmamadali akong umuwe ng subdivision kaya naman pagpasok sa bahay ay sinara ko ito at nahiga na lang basta sa sofabed ko. Hindi pa ako nakakapag bihis. Hindi na kaya ng katawan ko ang antok kaya nakatulog na ako dito.

Nagising ako ng marinig ko na may nag doorbell. Paulit ulit ito. Nakakainis wala naman akong inaasahang bisita sa oras ito. At hindi rin naman ako nagpapapunta dito ng basta basta na lang. Bumangon na ako at kusot kusot ang matang lumabas ng pinto ng bahay dumiretso ako sa gate dahil madilim na ay hindi ko nakita kung sino ito. Hindi pa din pala ako nakapag buhay ng ilaw. Kaya pala ang dilim lalo.

May nagdoorbell ulit sino ba yun.

" saglit sino ba yan?" inis na tanong ko dito

" hey rie ako to si raine" pakilala nito

Nagulat ako nang marinig ang boses niya. Binuksan ko muna ang ilaw at saka binuksan na din ang gate. Lalo akong nagulat ng makita sa likod niya si kelsey. Teka ano ginagawa nila dito?

" what happened to you kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot may sakit ka ba?" concerned na tanong ni raine sa akin.

"maybe she's running away from her crime" singit na salita ni kelsey.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon