Chapter 50

1.1K 45 18
                                    

Alex Pov

Monday ngayon ngunit napilitan akong magpaalam kay jeff na hindi ako makakapasok. Parang pinupukpok sa sakit ang ulo ko ng magising ako.

Ayoko pa sana bumangon pero napabalikwas ako ng maalala ko ang nangyari, hindi yun isang panaginip sigurado ako. Nagmamadaling tinungo ko ang cr at saka ko inayos ang sarili.

Kumuha ako ng damit at nagbihis. Parang biglang nawala sakit ng ulo ko at napalitan ng kaba. Nasaan kaya si kelsey? Tanong ko sa sarili. Ngayon pa lang iniisip ko na kung paano ako haharap sa kanya o kung anong sasabihin ko.

Bumalik muna ulit akong cr at humarap sa salamin. Pagkatapos ay lumabas at naupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung lalabas ba ako. Nasa ganoong pagiiisip ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa noon ang babaeng nasa isip ko.

She's wearing my tshirt right now.  Naka pony ng mataas ang  kanyang mahabang buhok.

"Breakfast is ready can you walk downstairs?" tanong ni kelsey sa akin.

Tinitigan ko syang mabuti, parang normal lang naman siya at walang nangyari. Nakangiti siya sa akin ngayon.

"Alex are you okay ?" she asked 

Hindi ko alam kung paano mag re-react sa kanya ngayon. How stupid i am. Masyado akong nagiging mapusok kapag nakakainum.

"Alex hey!" tawag nya ulit para maagaw ang atensyon ko.

" yeah masakit lang ang ulo ko let's go" sagot ko sa kanya at tumayo na din.

Pinauna ko na syang bumaba ng hagdan. Pinapanood ko lang ang kanyang pagkilos.

Nang makababa kami ay nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Madaming nakahain. Did she cooked all of this?

She also prepares a coffee for me. Sobrang maasikaso nya talaga. Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari kagabi. Mag sosorry ba ako?

"Here's your coffee" abot niya sa akin pagkatapos ay naupo na siya. At nagsimulang kumuha ng pagkain.

Nang mapansin hindi pa ako kumikilos ay muling nagsalita si kelsey.

"Don't you like the food?"

Umiling naman ako.

" Kelsey ah ano kasi about what happened.."

" Let's not talk about it now. Kumaen muna tayo alex" pagputol nya sa sasabihin ko.

Kaya naman wala na din akong nagawa kundi tahimik na kumaen habang pinagmamasdan siya.

She's eating so slowly. At walang imik. Parang walang tumatakbo sa isip niya unlike me na kung ano ano ang naiisip. What should i do now?

Mabilis kong tinapos ang pagkaen dahil hindi ko na makayanan na manahimik lamang habang kaharap siya.

"Are you done?"

" Ah oo mabilis lang naman talaga ako kumaen diba?"

"o okay". Maikling pag sangayon niya. Hinihintay ko siyang magsalita ngunit wala na siyang ibang sinabi.

Ng matapos siyang kumain ay siya na din ang naghugas ng mga plato. Kaya naman umakyat na rin ako sa kwarto para makapagpahinga dahil sa hangover na nararanasan ko ngayon.

Mabilis lumipas ang oras at namalayan kong tanghali na pala. Medyo gumagaan na din ang bigat ng ulo ko. Hindi ko malaman kung bakit saglit lang ako uminum ay ang lakas na ng tama sa akin. Or baka dahil din to sa aksidente ay hindi ako sigurado. Hindi na rin naman kasi ako umiinum ng gamot.

Naisipan kong bumaba at nakita kong nagluluto na si Louise ang aking kasambahay.

"hello po ma'am" bati niya sa akin

To Love AgainWhere stories live. Discover now